Chapter - 3

11.2K 290 109
                                    

" This is it na frend....adventure na ito....finding lovelife."

" Baliw!" Sagot ni Almira na nakangiti.

Sa biyahe ay nag-enjoy ang dalawa sa mga tanawin....preskong hangin dahil sa ordinary bus sila sumakay kaya mas ramdam nila ang hindi kainitang araw. Kumukuha pa sila ng mga larawan sa mga bagay na nakikita sa daan. Hanggang sa nakaidlip.

" Frend gising na! Nasa sorsogon city na tayo." Yugyog ni Theo kay Almira. Tinignan ni Almira ang relo at alas dos y medya pasado na ng hapon.

Bumaba ng bus ang dalawa at naglakad....naghanap ng maaring mapagtanungan. Hanggang sa nakita nila ang isang lalaki na naglalakad.

" Hi Sir! Puwede po ba kaming magtanong?" Si Theo.

" Saan po kami puwedeng sumakay papuntang Barcelona?"

" Ah....yun nakikita nyo yung kantong iyon?....may mga dyip doon papuntang Gubat Sorsogon."

" Ha? Gubat as in Forest?!"

Natawa ang kausap nalalaki sa pagkagulat ni Theo at Almira.

" Lugar iyon, Bayan na ang tawag Gubat. Doon ay sasakay kayong muli papuntang barcelona maaring dyip o trysikel."

" Ay ganun po pala....pasensya na po tanga lang!"

" Ok lang...mga bakasyunista ba kayo?"

" Ummmm.....opo." Sagot ni Theo.

" Saan kayo galing?"

" Sa Spain po."

" Spain!!?" Sabay taas baba tingin ng pulis kay Theo at Almira.

" Joke lang sir! Im Thea from España Manila!!"

Napangiti na lang ang pulis ng umalis na ang dalawa at nagflying kiss pa si Theo.

" Baliwan ka talagang bakla ka! Buti di ka inumbag ni kuya!"

" Hindi niya magagawa yun noh! Nakita mo naman tingin niya sa akin! May something....and i must say nabighani siya sa alindog ko noh!"

" Saang parte yang alindog na yan patingin?! Kadiri!"

" Tseee! Bilisan mo nga diyan at baka gabihin tayo hahanapin pa natin yung address na yun sa Barcelona!"

Nakita nila ang dyip na may karatulang Gubat at agad sumakay sa harap na tamang tama na wala pang sakay para makapagtanong sa driver ng way nila. Ilang saglit ay napuno na ang dyip at agad ng umalis. Muli ay daldal lang ng daldal ang dalawa sa dyip sa mga nakikita nila. Hanggang sa narating na nila ang Gubat Sorsogon ng halos 4O mins lang....at agad muling pinuntahan ang sakayan naman sa may public market patungong Barcelona. Sa kasawiang palad puno na ang dyip na paalis at ayaw nilang gabihin, ang bubong nito ay may ilang pasahero kaya nagkatinginan at nagapiran na lang ang dalawa at sumampa na sa likod at umakyat. Tinulungan naman sila ng ilang kalalakihang nasa taas dahil halatang dayo at hindi sila sanay sa ganoong sitwasyon ng pagsakay.

Maalog man sa taas ng umaandar na ay tawa ng tawa ang dalawa dahil sa kakaibang experience....selfie ang inatupag at pati ilang pasahero ay isinali.

selfie ang inatupag at pati ilang pasahero ay isinali

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon