Chapter - 14

6.3K 205 89
                                    

Ang Nanjing/Nanking ay isang probinsiya sa China na sinakop ng mga Hapones noong Disyembre 13, 1937-1938. Pangalawang Sino-Japanese War.

Tinaguriang mass massacre/nanjing rape ang pangyayaring iyon sa kadahilanang naganap ang walang habas na pagpatay sa lugar na iyon. Ginahasa at pinatay ang mga kababaihan kahit saang lugar bahay man o kalsada kung saan nila ito maabutan, pinatay ang mga sanggol, bata, matanda at mga kalalakihang tsino.

Umabot ng halos 6 na linggo ang malawakang pagpatay, pagnanakaw, at arson sa mga mamamayan sa lugar na iyon. Tinatayang umabot ng 40,000-300,000 ang nasawi na mga hukbong sundalo ng Nanjing at mga sibilyan.
------------------------------------------------------
" Ah....saan ba kayo sa Barcelona?"

" Sa San Vicente po."

" San Vicente din?!! Malapit kayo doon sa luma at malaking simbahan?!!" Tanong ni Almira.

" Opo....si San Vicente po kasi ang patron doon."

" Yung sa may malapit sa dagat iyon di ba?!!"

" Opo kuya....paano nyo po nalaman???"

" Nakapun......nabasa ko lang sa mga pahayagan,libro at magasin."

" Ah...."

" Ano nga pala apelyido ninyo?" Tanong ni Almira.

" Madronio po ate."

" Ah...." Inilabas naman ni Theo ang isang tsokolate sa bag niya at ibinigay kay Francisco na tuwang-tuwa ng inabot ito.

" Sa tingin ko Frend may makikilala tayo dito na nakilala natin sa future ng mapunta tayo sa Barcelona."

" Tama ka....iyon din naiisip ko...."
.
.
.
Alas Siyete na ng gabi ng marating nila ang centro ng Barcelona. Tahimik at madilim ang lugar. Bagamat may mga bahay na makikita ay makikitang tanging mga gasera at lampara lamang ang ginagamit ng mga tao. May talipapa na makikita at ilang tindahan na nakasara na. Walang maririnig na anuman kundi ang kuliglig at kahol ng ilang aso sa kalsada.

" Frend....katakot naman...parang yung sa horror movie....walang kuryente tapos tignan mo ang kalsada foggy pa."

" Foggy ka diyan! Nakita mong may siga sa ilang harapan ng mga bahay kaya usok lang yan. Karaniwang ginagawa iyan ng mga tao sa panahong ito na hindi pa nararating ng elektrisidad ang lugar."

Huminto saglit ang kalesang kinalululanan nina mang esteban dahil may ilang taong nasalubong sila na naglalakad kaya kinausap nito marahil ay mga kakilala. Muling umusad ang kalesa at sumunod muli ang kalesang sinasakyan ng magkaibigan almira at theo.

Hanggang sa napadaan sila sa isang bahay na may pangalawang palapag. Isa itong sinaunang bahay bagamat hindi kalakihan. Sa harap ay nakahinto ang isang kalesa. Maliwanag ang pangalawang palapag dahil sa malaking lampara na nakasabit kaya kita mula sa labas ang nasa loob sa kadahilanang bukas pa ang mga bintana nitong mga capiz.

Napaangat ang ulo ni Theo ng makitang kilala niya ang isang lalaki na nasa gilid ng bintana at may kausap na matandang babae.

" My Gossshhh frend yan pala ang balay ni papa julian?!"

" Alam nyo po pala salitang bikol na balay kuya! Pero bakit papa tawag nyo dun sa lalaking nasa taas? Yun po yung kausap nyo kanina ah."

" Cutie...este baby boy enebeyen! Isko na lang itatawag ko sayo! Ang gulo mo eh! Sabi ko pare! Iyan pala ang bahay ni pareng julian!"

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon