Chapter - 50

4.6K 153 40
                                    

Sa pagbalik kinabukasan ni Mang Esteban sa bundok sa kanilang komunidad ay sumama pansamantala ang magkaibigan, si Sanzumaru at ilang mga gerilya na may mga kaanak na nasa komunidad ni lolo agusto.

Hindi rin napigilan ni Delfin si Maria na maging kaisa ng mga gerilyang babae na umanib sa kilusan. Kahit anong gawing pagtutol at paliwanag niya na mapanganib ang gagawin nito ay hindi ito nakinig. Matindi ang pagnanais ni Maria na maisakatuparan ang gagawing paghihiganti sa mga taong pumatay sa kanyang mga mahal sa buhay.

Sa pagdating sa komunidad ay agad na silang pinulong ni lolo agusto. Kinausap sa kanilang gagawing paglusob. Ang sagot ng lahat ay handa sila. Takot naman at pangamba ang naramdaman ng mga kaanak na maiiwan.

Halos ayaw iwanan si Maria ng kanyang pamangkin at kapatid ng sabihin nitong kasama siya sa mga lulusob sa bayan. Nagiiyakan ang dalawang bata. Sariwa pa sa kanila ang nangyari sa kanilang mga kaanak at nangangamba sila sa gagawin ni Maria.

Almira's POV

Ito ang bunga ng pananakop ng mga hapones. Maraming namatay at mamamatay. Magkakalayo at magkakahiwalay na mga magkakapamilya na maaring magkita pa o hindi na sa huli. Ang hirap isipin na nasa panahong kami ng aking kaibigan na kung tutuusin ay may kaalaman kami maski papaano sa mga magaganap. Pero wala kaming magawa para pigilan ito.

Ang bugso ng damdamin ng mga tao ay hindi na mapipigilan lalo na sa mga tulad ni Maria na halos walang natira sa mga mahal sa buhay. Sa panahong pinanggalingan namin ng aking kaibigan ay may mga taong katulad ni Don Honrado, Clemencia, Satoshi at Sanzumaru. Hindi rin nawawala ang mga tulad nina Maria, Delfin at Julian. Walang ipinagkaiba kahit magkaiba man ng panahon. Ang aking kaibigang si Theo....alam ko na nahihirapan siya pero hindi niya ito iniinda. Kaya mas nakita ko ang isang Theo na iniisip lagi ang kapakanan ng tao. Iyon ang Theo sa panahon namin na siya ring Theo sa panahong ito. Tunay nga siyang mabuting tao kahit saang panahon man siya dalhin.

Si Sanzumaru....isang asawa at ama. Marami ding tulad niya sa panahon ko. Isang mapagmahal na asawa at ama na sa kabila ng mapalayo man siya kabutihan pa rin ang nais sa pamilya,sarili at sa mga taong kanyang nakakasalamuha. Alam ko na sa bawat paghawak niya ng kanyang talaan ay isinusulat niya ang mga bagay na nararanasan niya sa bansang ito. Masasaya at hindi rin marahil mawawala ang mga bagay na hindi magandang nangyari sa kanya.

Ang hirap isipin na sa panahong ito hindi lang hapones ang kalaban ng mga Pilipino kundi kapwa Pilipino din na mga taksil o traydor sa bayan.

Kung tutuusin....kahit sa kasalukuyang panahon maraming taong tulad nila. Hindi mo rin masisi ang mga taong nagtataksil sa bayan o sa mga tao sa panahong ito na marahil ay may dahilan sila. Sa panahon ng kagipitan at kaguluhan ang mga tao ay nakakaisip ng mga bagay na hindi mo na rin maiisip kung makakabuti ba o makakasama sa sarili o sa kapwa. Isa lang ang rason nila ang maka-survive marahil sa nangyayaring giyera.

Kung alam lang nila....kung alam lang ng mga taong nabuhay sa panahong ito na sa paglipas ng maraming taon kung saan tapos na ang digmaan. Sa panahong natuto na ang mga bansa sa idinudulot ng digmaan, ang kaaway nilang mga Hapones ay magiging kakampi at nangungunang tumutulong sa Pilipinas kapag may mga kalamidad. Magbubukas ng maraming oportunidad sa mga Pilipino sa kanilang bansa para makapagtrabaho.

Sabi nga nila...ang kaaway ay maari mong maging kaibigan sa huli...at ang kaibigan ay maari mo ring maging kaaway. Wala ngang permanente sa mundo. Sana lang hindi permanente ang aming pananatili sa panahong ito dahil may mga naghihintay sa amin sa kasalukuyang panahon.

" Frend.....napansin mo ang chaka na natin sa panahong ito." Si Theo na bigla akong kinalabit sa pagkakaupo ko sa hagdan ng kubol. Habang nakamasid kay Sanzumaru na patuloy na nagsusulat sa kanyang talaan.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon