Chapter - 55

4K 147 43
                                    

" Tulong!tulong!" Sigaw ng isang lalaki na tumatakbo mula sa dalampasigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Tulong!tulong!" Sigaw ng isang lalaki na tumatakbo mula sa dalampasigan.

Wala na ang ulan pati ang mga kulog at kidlat. Makikita ang dalawang taong nakahandusay sa dalampasigan ng Barcelona. Bagamat gabi na ay maliwanag sa bahaging iyon sa dahilang may parke na nasa harap nito.

Sa pagtakbo ng lalaki ay siya namang paghinto ng isang trysikel.

" Tulong! Harold! Bilis may dalawang tao dun sa may dagat! Hindi ko alam kung buhay pa o patay! Ang dumi ng damit nila at may mga dugo pa!"

Mabilis na itinabi ni Harold ang trysikel. Siya namang pagdating ng isang police mobile. Bumaba ang dalawang pulis.

Mabilis naman lumapit ang lalaki at si Harold.

" Ser buti narito kayo!"

" May problema ba Harold?"

" May dalawang tao daw kasi doon sa may dagat na nakahandusay sa buhanginan!"

" Ganun ba...ituro nyo sa amin at ng malaman natin nangyari. Pare tawag ka ng ambulansiya baka kailanganin natin!" Utos ng pulis sa kasamahan nito.

Mabilis namang naglakad ang lalaking nakakita sa dalawang tao na walang malay. Kasunod si Harold at ang dalawang alagad ng batas.

Nadatnan nilang may ilang tao na ring nag-uusyoso sa dalawang taong nakadapa sa buhanginan.

" Sino kayang mga ito...bakit ganyan itsura nila? Ang dumi,duguan at ang damit nila para silang mga magsasaka." Obserbasyon ng isang usyusero.

Mabilis na lumapit ang hepe at itinihaya ang taong nakadapa.

" Almira?!!" Nabiglang sabi ni Harold.

" Kilala mo?!"

" Oho ser! Bisita namin sila kahapon lang dumating! Itong isa si Theo ito! Magkaibigan sila galing Maynila mga nurse sila ser!"

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon