Sa pag-atras ng hukbong tanggulan ng bansa na kinabibilangan ng mga sundalong mga Pilipino at Amerikano. Sa mga kabundukan ng Bataan ang naging takbuhan nila mula sa napakalaking puwersa ng hukbo ng mga Hapones.
Hindi tumigil ang mga sundalong hapones at mga sundalo ng bansa sa pakikidigma. Saan mang panig ng bansa na may mga hapones at mga sundalong Pilipino at Amerikano ay patuloy ang laban. Sa mga panahong ding iyon nabuo na ang mga kilusang laban sa mga Hapones at isa na ang mga gerilya. Sila ang mga sundalong pilipino na mga namundok para ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa pamahalaang hapon matapos mahiwalay sa kanilang mga kasamahang buhay o patay. Karamihan sa kanila ay itinatag ng mga dating pinuno ng mga bayan o lalawigan.
Nabuo din ang mga COLLABORATOR, mga pinunong Pilipino na sumusuporta samga gawaing pampulitika ng mga Hapon.
Naitatag din noon ang HUKBALAHAP ( HUKBO NG BAYAN LABAN SA MGA HAPON). Pinakamalaking hukbo ng mga gerilya na itinatag ni Luis Taruc. Halos binubuo ito ng mga magsasaka mula sa Gitna at Katimugan Luzon.
Sa Isla ng Corregidor kung saan iyon ang pinakahuling fortress ng bansa. Doon namalagi si Pangulong Manuel L. Quezon, ang kanyang pamilya at gabinete. Ngunit noong Pebrero 20, 1942 sa payo ng pangulo ng Amerika na si Franklin D. Roosevelt ay tumakas at lumikas sila kasama ang pamilya at gabinete patungong Australia. At mula Australia ay dinala sila sa Washington DC.
------------------------------------------------------Sa paglipas ng mga araw at buwan ay halos wala ng naging balita ang mga mamayan sa pamahalaan. Ipinalagay na nila na tuluyan na ngang nasakop ng mga hapones ang bansa.
Hinihintay na lang nila na ang pagbabago sa pamahalaan kung saan pamahalaan hapones na ang hahawak sa buong Pilipinas.
Lalo pang nanghina ang loob ng mga tao ng kumalat na rin ang balita na wala na ang pangulo ng bansa at nasa amerika na ito.
Sa kabundukan ay nagpatuloy ang buhay ng mga taong lumikas na takot at ayaw ng pamumuno ng mga Hapones.
Mas lalong nadadagdagan ang kilusang itinatag nina Julian at mga kasama. May mga galing sa ibang bayan ng Sorsogon at karamihan ay mga kilala o dating pinuno ng mga bayan.
Ang pananambang at paniniktik sa mga hapones ang kanilang layunin. Ito ay para mas makaipon ng mga armas. Sa garrison, sa munisipyo na hawak ni Don Honrado, sa kampo sa Hacienda at may tao na silang itinalaga na maniniktik sa kalaban.
Lubusang pag-iingat ang kanilang ginagawa para hindi mapaghinalaang sumusuporta sa mga gerilya.
Nagpatuloy pa rin ang pamumuno ni Sanzumaru bilang opisyal ng hukbong hapones. Kinagiliwan siyang lalo ng mga taong nanatili sa bayan dahil sa kabutihan nito at hindi abusado tulad ng ilang kalahi nito.
Sa mansyon ni Don Honrado ay may lihim na pulong itong isinagawa. Kasama si Clemencia, Hugo, Satoshi, ilang hawak niya sa leeg na mga negosyante at ang ilang kaibigang negosyanteng hapones.
" Don Honrado! Ano bang nais mong mangyari sa bayan na ito?! Wala na ang pangulo ng bansa! Iniwan na tayong mga Pilipino ano pang aasahan natin!" Tanong ng isang negosyante.
" Wala! Mga sarili na natin isipin natin! Tutal ako ang alkalde na itinalaga ng pamahalaang hapon sa bayan ito ay lulubus-lubusin ko na! Hindi ako makakapayag na muling makabalik ang mga Estuye sa bayang ito! Akin na ito at ako ang magmamay-ari ng lahat ng narito!" Tugon ni Don Honrado. Samantalang si Clemencia ay pangiti-ngiti lang sa naririnig sa ama.
" Kelan natin isasagawa ang plano satoshi?!" Tanong ni Don Honrado na agad namang isinalin ni Hugo sa Wika nila. Sinagot naman agad nito at napangiti si Don Honrado.
" Siguraduhin mong tagumpay ka Satoshi dahil ikaw din ay makikinabang sa lahat ng ito!"
Sumagot naman si Satoshi at sa pamamagitan ni Hugo ay nagkakaitindihan sila.
" Papa...wala ba kayong balak na hanapin pa ang dating Alkalde?! Hindi natin alam kung buhay o patay na iyon!" Sabad ni Clemencia.
" Pasasaan ba at malalaman din natin iyan! Kung buhay man siya at magpakita sa bayan na ito......hindi na siya makakalabas ng buhay!"
" Alam nyo kasi Papa......malakas ang kutob ko na may tumutulong sa pamilyang iyon! Hindi mo ba napansin na nawala sa bayang ito at di na bumalik ang ilang pamilya na malapit sa pamilya ng mga Estuye?!"
" Mukhang tama si Senyora Clemencia Señor! Maging yung mag-asawang marunong ng salitang niponggo na nakapalagayan ng loob ni Heneral Sanzumaru ay naglaho na!"
" Maging ang pamilya ng mga Madronio at mga kaanak nila ay wala na sa bayang ito papa!" Dagdag pahayag ni Clemencia sa sinabi ni Hugo.
" Maaring tama kayo!Pero hindi natin alam kung may sabwatan sa panig nila! Baka tulad lang ng ibang mamamayan ng bayang ito ay nagsilikas kung saan sa dahilang takot at ayaw sa pamahalaang hapones!"
" Papa.... Madali lang naman nating mapalabas ang mga dagang nagtatago sa mga lungga di ba?!" Nakangiting pahayag ni Clemencia.
" Anong plano mo iha?!"
" Hayaan mong ako ang gumalaw sa bagay na ito papa! Siguradong lalabas ang mga daga kapag ang mga pusa ay lumusob na sa kanilang kuta!" Sabay halakhak ni Clemencia. " Ngunit kakailanganin ko ang tulong mo Satoshi sa plano ko!" Agad namang sinabi ni Hugo kay Satoshi ang sinabi ni Clemencia at nagkaintindihan na ang mga ito sabay inom ng mga alak sa kopita nila.
" Pero sa ngayon ang kailangan ninyong unang gawin ay ang plano kay Sanzumaru! Kating-kati na ang kamay ko sa taong iyon! Pakialamero at nagpapabango sa mga mamayan sa bayan natin!" Ngitngit na pahayag ni Don Honrado.
Nang matapos ang pulong ay may iniabot na maliit na baul si Don Honrado kay Satoshi. Agad nagliwanag ang mata nito sa nakita. Kasing liwanag ng ilang piraso ng bara ng ginto at alahas.
Samantala walang kaalam-alam si Sanzumaru sa ginagawa ni Satoshi. Nanatili lamang sa kanyang tanggapan ito malapit sa garrison. Si Satoshi ay sa kampo naman ng mga hapones sa hacienda ni Don Honrado nananatili.
Sa kabundukan ay nanatili ang magkaibigang Almira at Theo. Sa paglipas ng mga araw at buwan ay tila pakiramdam nila ay tagaroon na sila sa panahon ng Hapones. Bagamat minsan napag-uusapan nila ang pinanggalingan nilang panahon sa pakiramdam nila ay tila wala ng paraan na makabalik sila sa kasalukuyan. Sa alalahaning iyon ay labis na ikinalulungkot ni Theo dahil sa kanyang pamilya. Siya ang panganay at malaki ang responsibilidad niya sa mga ito. Mahal niya ang kanyang pamilya na tanging unang nakaintindi ng katauhan niya. Si Almira naman bagamat walang kapamilya sa kasalukuyan ang labis na pinag-aalala niya ang ang kanyang matalik na kaibigan na may pamilyang naghihintay sa kasalukuyan. Dagdag pa rito ang alalahaning lahat sila sa panahong kinalalagyan nila ay lubhang nasa hukay na ang isang paa.
Sa kampo ng kilusan doon namamalagi ang magkaibigan. Naging napakahalagang tungkulin ang ginawa nila sa mga tao roon na nakikipaglaban sa mga hapones para sa kalayaan ng bayan.
.
.
.
.
.
" Sa tingin mo Satoshi ito na ang panahon para sa plano natin?!" Si Don Honrado kausap si Hugo at Satoshi. Agad namang sinabi ni Hugo ang sinabi ni Don Honrado.Ikinatuwa ni Don Honrado ang sagot ni Satoshi. Ang plano nito na alam niyang magtatagumpay ito. Magiging kanya na ang bayan ng Barcelona, mapapaikot niya sa kamay ang lahat ng tao at higit sa lahat wala siyang pangamba sa mga mananakop dahil nasa panig niya ito.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...