Chapter - 53

4.1K 140 25
                                    

" Mukhang may paparating na unos!" Si Mang Ignacio na tila may alam sa lagay ng panahon.
" Iba ang ihip ng hangin dito sa lupa ngunit sa laot ay marahil umuulan na dahil sa mga kidlat at kulog na iyan."

Almira's POV

Dahil sa nagbabadyang sama ng panahon ay naghanda na kami para pumasok sa naturang lagusan. Agad nagsindi ng isang sulo si Delfin para maunang bumaba dahil may hagdang sementado pala isang metro mula sa pintuang bakal pagkapasok.

Hindi pa pumasok si Julian at nakita kong kausap nito ang dalawang kasamahang nitong sundalo rin. Ilang sandali lang ay humiwalay ito kasama ang ilang kalalakihan.

Mula sa hagdan ay dahan-dahan ng bumaba si Delfin. Ang iba pang kasama namin ay nagsindi na rin ng sulo. Nasa baba na si Delfin at ilang kalalakihan ng tumapak na kami sa unang baytang pababa. Magkahawak kami ng kamay ni Theo....nasa likod namin si Sanzumaru na abala ang mata sa pagtingin sa kisame at dingding ng lagusan. Pababa ay kasya ang apat katao na sabay-sabay bumaba. Sunod-sunod na kaming nakababa. Doon na namin nakita ang napakaraming sapot na hinahawi ng mga nauuna. May mga kung anong bagay na itinatabi nila at ang lupang tinatapakan namin ay buhanging basa dala marahil ng malapit ito sa dagat. Tuloy sa paglalakad kami at nauna na sa amin si Julian.

Pinagmasdan ko ang istruktura ng lagusan. Napakatibay nito marahil dahil hindi man lang ito gumuho sa tagal ng panahon. Panahon pa ng kastila ginawa kaya masasabing matitibay ito kahit walang mga bakal na sumusuporta dito.

Naaantala minsan ang paglalakad namin dahil sa mga humaharang na mga sapot. Kung makakapagsalita lang ang dingding ng lagusang ito marahil ikukuwento nito ang nagdaang kasaysayan niya. Kung sinong mga bumuo sa kanya at kung para saan siya. Ikukuwento din niya marahil ang pinagdaanan ng mga taong nakita niyang dumaan at pumasok sa kanya. At sa pagdating ng panahon ay marahil ikukuwento rin niya na kami ay minsang pumasok din sa lagusang ito.

Patuloy kaming naglakad hanggang sa nagsalita ang isang kasama namin.

" Nasa ilalim na marahil tayo ng kalsada sa harap ng simbahan."

Sa unahan ay natigilan si Delfin at mga nauuna naming kasama. Kaya nagmadali kaming naglakad. Nahati pala ang lagusan sa tatlong bahagi ang tinatahak naming lagusan sa dulo nito.

" Itong sa gitna marahil ay yung patungo na sa simbahan ito sa kaliwa ay doon sa abandonadong lumang bahay. Itong sa kanan marahil ang patungo sa centro ng bayan sa garrison sa likod ng munisipyo." Paliwanag ni Delfin. Umuna pa siyang naglakad sa kanang lagusan at makikitang puno din ito ng mga sapot. Sa mga dingding ay may mga nakasabit na tila sabitan ng mga sulo marahil noong unang panahon.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon