PAUNAWA: Lahat ng karakter at kaganapan sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko lamang. Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay at sa ibang kuwento ay hindi sinasadya.
Salamat.
------------------------------------------------------Almira's POV
Nagising ako dahil sa hanging pumasok sa bintana ng aking kuwarto. Malamig dahil sa umuulan sa labas. Tinungo ko ang bintanang nakabukas at pinagmasdan ang paligid. Tahimik sa kalsada at wala ang mga batang naglalaro dahil sa ulan na tila maghapon sa aking palagay. Hindi ko alam pero lungkot ang hatid sa akin ng ulan. Mag-isa na nga lang ako sa buhay dahil namatay ang aking mama noong ako ay ipanganak. Ang aking ama ay isang half filipino/japanese na nakilala niya noong siya ay nagtrabaho sa Japan. Buong akala ni mama ay isang binata ngunit may asawa na pala ito at pinagbantaan siyang ipapakulong o ipapapatay ng asawa nito. Walang nagawa ang aking mama kundi bumalik ng Pilipinas para akoy ipanganak na hindi nalaman ng aking ama. Ngunit sa kasawiang palad siyay pumanaw sa panganganak. Lumaki ako sa ampunan at doon ay nakapagaral sa tulong ng mga madre. Nakapagtapos ako ng Nursing sa edad na 21 at ng makapasa sa board ay agad din akong nakakuha ng trabaho. Dalawang taon na akong nagtatrabaho bilang nurse sa isang government hospital dito sa Maynila pero pakiramdam ko hindi ako masaya. May mga kaibigan naman ako pero ang bestfriend ko ay si Theo pero Thea ang gustong itawag sa kanya. Kaklase sa college noon at kasama ko sa trabaho ngayon. May sarili na rin akong inuupahang maliit na bahay sapat para sa isang tulad kong mag-isa na lang.
Sabi ng madreng nagpalaki sa akin ay ayaw akong kupkupin ng nag-iisang kapatid ni Mama dahil may tatlong anak na rin ito. Pero alam ng madreng nagpalaki sa akin na hindi mukhang hikaos ang pamumuhay ng aking tiyahin. Wala daw naiwang ni isang kusing sa akin kaya sa ampunan ako dinala, hindi ko na rin nalaman pa kung tagasaan ang aking mga kaanak kaya ang apelyido ni mama ang ginamit na apelyido sa akin ng madre ng akoy binyagan. May ilang gamit,larawan kasing iniwan ang mga kaanak ko noon ng akoy dalhin sa ampunan na pag-mamayari daw ni mama ngunit ni isang larawan o pangalan ng aking ama ay wala naiwan maging pagkikilanlan ng aking ibang kaanak. Ang sakit isiping sanggol pa lang ako ay wala ng may gusto sa akin. Sa kabutihang loob ng madre ay nakapagtapos ako. Ngunit pumanaw na siya noong nakaraang taon dahil sa katandaan. Mayroon siyang ipinamanang palihim sa akin dahil ayaw din sa akin ng kanyang mga kaanak na akoy mabiyayaan nito dahil hindi nila ako kaanak. Isa itong lupa na may bahay na daw sa Barcelona.....Barcelona Sorsogon.
Napabuntong-hininga na lang ako ganito na lang ba ang buhay ko....hindi ko alam kung ano ang kulang sa akin kahit wala akong lovelife ay walang kaso iyon sa akin.
Pumihit na akong patalikod sa bintana dahil para lumabas ng kuwarto. Tamang-tama lang sa akin ang bahay na inuupahan ko. May isang kuwarto, kitchen,cr at sala. May balkonaheng maliit at lugar para maglagay ng mga halaman.
Naghanda na ako ng almusal dahil alas 9 ang pasok ko. Matapos akong makapag-almusal ay naligo na ako at naghanda na para pumasok. Dala ang payong ay lumabas na ako. Isinara ko na ang pintuan at pati ang gate. Kinausap ko si Ate Anna na may ari ng bahay at may sari-sari store at ibinigay ko sa kanya ang aking buwanang upa. Mabait si Ate Anna at ang pamilya niya kaya alam kong safe ang inuupahan ko.
Matapos iyon ay pinara ko na ang dumaang trysikel para magpahatid sa kanto at sumakay ng dyip. Dalawampung minuto lang ay dumating na ako sa hospital at naabutan ko pang papasok na rin si Theo.
" Theo! Wait?!"
" I told you before Sakura call me Thea!" Sabay kurot ni Theo sa tagiliran ni Almira.
" Pag tinigilan mo akong tawagin ding Sakura!"
" Sige agree ako diyan! Haisssssttt alam mo friend.....nakakapagod na rin ang ganitong routine natin....dalawang taon na tayong nagtatrabaho wala man lang shimmering splendid na nangyayari sa buhay natin. Wala pa rin tayong lovelife ngangabels pa rin!" Si Theo na tila nalungkot habang naglalakad.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Fiksi SejarahCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...