Kinaumagahan habang nag-aalmusal ay biglang may humintong owner type jeep ng mga hapones lulan nito ang anim na hapon at ang interpreter na nasa checkpoint noong dumating kami.
Bahagya kaming gumilid sa bintana ng makita naming itinuro ng interpreter ang bahay na kinalalagyan namin. Kinabahan kaming lahat lalo na ng hawakan ng isang hapones ang gate at buksan ito. Agad pinapunta ni Lola Conchita si Francisco sa silid niya para masabihan si Julian. Nakita ko pang ibinalik ni Lando ang aparador na nakatakip sa pintuang pababa sa kinaroroonan ni Julian. Agad nang lumabas si Lola Conchita at mang esteban. Naiwan kami ng kaibigan ko sa loob sa utos nilang huwag munang lumabas.
Mula sa likod ng pinto ay narinig naming nagsalita ang interpreter. Sumilip akong bahagya at nakita kong nagbigay galang ang dalawang hapones kay lola conchita sa pamamagitan ng pagyuko.
" Magandang umaga po lola...ako po si Hugo. Tauhan po ako ng bagong alkalde natin..." Ang narinig naming sabi ng interpreter pero hindi nito natapos ang sasabihin dahil nagsalita agad si lola conchita.
" Kilala kita Hugo! Di ba tauhan ka rin ng isang negosyanteng hapon sa centro! Ibig bang sabihin nito ay dalawa ang amo mo?!"
" Opo lola....kinuha po ako ni Don Honrado dahil may kaunting kaalaman din po ako sa lengguwahe ng mga hapones para maging tagapagsalita nila kapag hindi nagkakaintindihan tayong mga Pilipino at mga Hapones."
" Alam mo Hugo Pilipino ka! Pero itong ginagawa mo ay hindi talaga tayo magkakaintindihan! Anong magandang paliwanag ang maibibigay mo sa ginagawa nila?! Ikaw ano ka? San ka?! Para kang prutas na balimbing na maraming mukha!" Sagot ni lola conchita nakita namin ang kunot noong mukha ni Hugo dahil sa sinabi ni lola.
" Hindi po ako naparito para marinig ang inyong opinyon sa ginagawa ko! Naparito ako dahil nakita ko kahapon na kasama ng inyong mga anak ang mag-asawang nakausap nitong mga kasama kong hapones! Marunong silang magsalita ng nihonggo at nasabi nila ito sa isang opisyal nila sa garrison!" Agad akong kinabahan sa narinig dahil hindi nga pala namin nasabi kay lola na nagpanggap kaming mag-asawa ng kaibigan. Napakapit bigla si Theo sa bisig ko sa kaba.
" Para saan at bakit kailangan sila ng opisyal ninyo?!"
" Wala na po kasing ibang tagarito ang may alam ng lengguwahe nila. At naikuwento nga nitong mga kasama ko na may nakausap silang mag-asawa na marunong at yun nga po ay ang mag-asawang kasama ng mga anak ninyo!" Sa narinig ay agad na ko ng hinila si Theo para lumabas. Baka kasi ano pa masabi ni Lola at halatang mainit na ang ulo ng echoserong si Hugo na pabango ang pangalan pero mabantot ang amoy ng kanyang ugali. Sa paglabas ay agad kong inilagay ang kamay ni Theo sa balikat ko para ipakitang mag-asawa talaga kami. Ngumiti pa ang dalawang hapon ng makita kami. Samantalang umismid si Hugo marahil maraming hugot siyang dinidibdib ayaw niya yatang masapawan.
Agad kaming kinausap ng dalawang hapones at pumayag na rin kaming magkaibigan na sumama. Sumama na rin si Mang Esteban sa amin. At bago umalis ay kinausap ko si lola conchita na huwag mag-alala.
" Grandmabels huwag kang mag -alala, keribels namin itey!...ibig ko pong sabihin kaya namin ito ng misis ko! Maski nakakadiri ay pangangatawanan ko na lang!" Natawa na lang si lola sa sinabi ng kaibigan ko.
Sa sasakyan ay pinasakay kaming tatlo. Ang apat na sundalong hapones na kasama ay hindi na sumakay. Naglakad na lang ang mga ito.
Wala pang sampung minuto ay narating namin ang garrison na sinasabi nila, at ito ay ang katabing lumang gusali ng munisipyo. Sa harap nito ay ang mga barikadang kahoy, may mga patong-patong na sako na may lamang buhangin may mga nakatalagang sundalong hapones na may mga machine gun. Sa di kalayuan ay ang tangkeng pandigma nila na nakaparada.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...