Almira's POV
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng marating namin ang masukal na lugar bago ang dalampasigan. Sa tantiya ko mga limampu kaming lahat. Ngunit sa aming pagtataka dahil wala ni isang bangka ang naroon sa dalampasigan.
Papalubog na ang araw, ang simoy ng hanging nagmumula sa dagat ay nag-iba. Ang kalawakan ay makikitaan ng mga maiitim na ulap. Nagbabadya ng ulan pero hindi bumabagsak.
" Lando! Nasaan ang mga kasamahan nating sa mga bangka nakatalaga?!" Tanong ni Julian.
" Ganitong oras ang sinabi ko na makakarating tayo! Sa palagay ko nariyan lang sila." Sagot ni Lando.
Hanggang sa mula sa kasukalan ay may mga lumabas na ilang lalaki. Sa kanilang itsura ay masasabing mga gerilya din. Lumapit sila sa aming kinatatayuan. Nasa buhanginan na kasi kami nina Julian. Ang iba nasa may kakahuyan pang bahagi at naupo sa damuhan para magpahinga.
" Mang Ignacio!" Sigaw agad ni Lando. Nagmamadali namang lumalapit sa amin ang tinawag na mang ignacio. Sa tantiya ko ay mga kuwarenta ang edad katulad ni Mang Esteban.
" Lando! Julian!" Agad nagkamayan ang mga ito.
" Nasaan ang mga bangka na gagamitin po natin?!"
" Nandiyan lang! Nagsipag-ahon kami sa tubigan kanina! May natanaw kasi kaming nagpapatrulyang maliit na barko ng mga hapones kaya nagtago kaming lahat!"
" Saan banda papunta ang barko?" Tanong ni Julian.
" Sa aking palagay palayo sila dito sa Sorsogon. Sa bandang Matnog o Samar ang tinatahak ng barko!"
" Malamang dumaan lang iyon sa Barcelona! Walang pantalan sa ating bayan kaya hindi makakadaong ang mga barko!" Dagdag pahayag ng isa pang kasamahan ni Julian na isa ring sundalo. Nakikinig lang kaming magkaibigan pati si Sanzumaru sa usapan nila. Nabanggit na din ni Mang Ignacio na may isang grupo ng mga gerilya na mula naman sa bayan ng Castillá ang nakatakda ring magsagawa ng paglusob at ito naman ay sa Hacienda Honrado. Naroon daw kasi ikinulong ang mga kasamahan nilang nabihag mula sa engkuwentro. Matindi din ang galit ng mga ito sa mga hapones na pinamumunuan ni Satoshi.
Kaya sa pamamagitan ni Mang Ignacio ay nalaman namin na hindi lang kaming grupo ang lulusob sa gabing iyon. Isinalaysay nito ang gagawing paglusob sa Hacienda. Nakaramdam ng tuwa at kapanatagan ang lahat sa nalaman at narinig. Isa lang ang nasa isip nila ang tagumpay sa labanang magaganap.
Nakaramdam ako ng kaba pakiramdam ko magiging madugo ang labanan sa gabing ito. Maging si Theo ay alam kong kinabahan na nakaangkla sa braso ko. Kinausap ko din si Sanzumaru para lubos niyang maunawaan ang mga magaganap.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...