Chapter - 31

5K 158 15
                                    

Julian's POV

Ano kaya yung ibinubulong niya.....hindi ko masyadong maintindihan......nabubuhay sa panahon? Artista?.

Nahihiwagaan na talaga ako sa dalawang magkaibigan na ito. May mga bagay silang sinasabi at ginagawa na hindi pangkaraniwan. Kunsabagay hindi nga naman sila tagarito may mga bagay sa kanila na hindi ko pa talaga alam. Kumusta na kaya si mama ang kapatid ko....ang mga kamag-anak namin...napakahirap...naturingan akong sundalo na tagapagtanggol ng kalayaan ng bansa ay narito ngayon sa kabundukan nagtatago. Napakalakas ng hukbo ng mga hapones wala kaming kalaban-laban. Ang mga puwersang amerikano nasaan na kaya sila....naiipit ang mga sibilyang  Pilipino sa digmaang ito. Hanggang saan at kelan kaya ang digmaang ito....sana lang huwag ng marami pang magbuwis ng buhay.
.
.
.
December 24, 1941

Bisperas ng pasko. Ngunit sa bayan ng Barcelona ay tila hindi ramdam ang ispirito ng kapaskuhan. Bagamat hinahayaan ng mga hapones na magdaos ng misa ang kura paroko sa simbahan ay bihira naman ang mga taong nagsisimba sa dahilang maging sa simbahan ay may mga hapones na rumuronda.

Natakot ang mga tao sa nangyaring pagpatay kay mang andoy at anak nito ng mga sundalong hapones. Ngunit may balitang ikinagalit ito ng Opisyal na si Sanzumaru Onoda. Nakapagpadala pareho ng mensahe ang mga lumikas sa bundok sa pangunguna ni lolo agusto at sa bayan naman sa pangunguna ni Lando at mang antonio na nanatili roon.

May mensahe rin para sa magkaibigang almira at theo na hinahanap sila ng Opisyal na si Sanzumaru na magalang daw na pumunta sa bahay ni lola conchita ngunit gumawa ng alibi ang matanda na bilang isang kristiyano at para sa pagdiriwang ng pasko ay umuwi ito sa bayan ng Matnog kung saan naroon ang mga kaanak ng nagkunwaring mag-asawang magkaibigan. Nakangiting tinanggap naman ito ng opisyal na si Sanzumaru na sa paglalarawan ni lola conchita ay palaging nakangiti, kabaliktaran ng kanang kamay nito na si Satoshi Fukoda na sinasabing malupit sa pagbibigay parusa. Ito din daw ang nagpataw ng
parusang pagpugot ng ulo sa mga sundalong bihag na nagtangkang tumakas na nangyari bago dumating sa bayang iyon si Sanzumaru na siyang kinilalang Heneral ng hukbo ng mga hapones sa bayang iyon at sa ibang bayang kalapit ng Barcelona.

Sa bundok kung saan lumikas ang magkaibigan ay nagsimula ang araw bago ang pasko sa pag-uusap ng ilang mga ina ng tahanan tungkol sa simpleng medya noche na gagawin nila. Napagkasunduan ng lahat na gumawa ng suman at bibingka saka tsokolateng tabrilya kung saan halos ng pamilyang naroon ay may dalang ganun sa kanilang paglikas.

Si lolo Agusto naman ay ipinakatay ang isang baboy na alaga na nila noon pa man sa lugar na iyon. Ang magkaibigang almira at theo ay nakaisip din ng putahe na sa tingin nila ay magugustuhan ng mga bata ang matamis at mas purong tabrilyang tsokolate na nilagyan ng mga bits ng toasted pili nuts na sagana sa lugar tapos idi-dip dito ang kinahuhumalingan ng mga bata ang biskwit na dala ng magkaibigan.

Nagkanya-kanya ng galaw ang lahat na masaya para sa pagdiriwang ng pasko. Si Julian namay ay tumulong sa pagtangal ng balat ng pili na pinakuluan muna. Tawang-tawa naman ang mga tao kay Theo at Almira sa pagtangal ng shells ng pili dahil sa lakas ay basag at durog pati ang laman. Kaya tinulungan sila ng mga kabataang eksperto sa gawaing iyon.

Habang abala sa gawain ay biglang tumayo si Julian.

" SANDALI TAHIMIK KAYONG LAHAT!" Tumahimik naman ang lahat ng naroon. " PATAYIN NYO ANG APOY BILISAN NYO! KAILANGAN MAWALA ANG USOK BILIS!" Agad na tumalima ang lahat. Naalarma naman at nahintakutan ang magkaibigan lalo na nakatingala sa taas si Julian. " MAGKUBLI KAYO SA MGA PUNO BILIS YUNG MGA TAO SA MAY BATIS AT TALON PUNTAHAN NYO AGAD BILIS MAGTAGO AT KUMUBLI MUNA KAYO!" Hangang sa nagtakbuhan na ang mga kalalakihan sa talon. Ang mga bata naman ay nagtakbuhan sa mga magulang nila. " MAY MGA EROPLANONG PAPARATING KUNG MGA HAPONES IYAN DELIKADO TAYO KUNG MAKITANG MAY USOK SA KAKAHUYANG ITO NA MADUDUNGAWAN NILA AY MAARING ISIPIN NILA MAY MGA TAO! AT MALALA PA NA KUNG IPALAGAY NILANG MGA SUNDALO ANG NARITO AY BOMBAHIN NILA!"

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon