" Nasaan ako.....sino kayo???"
Sabay kaming napalingon ni Theo at nakita namin si Julian na nakaupo na sa papag. Medyo hilo pa ito dahil sa hinihimas nito ang kanyang ulo. Agad kong nilapitan si Julian na nagpipilit tumayo at hinawakan ang kanyang balikat. Nagulat pa siya ng makita ako pagharap at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa kaibigan ko. Bigla namang bumukas ang pinto sa itaas ng hagdan at bumaba si Mang Esteban.
" Huwag ka munang tumayo Julian. Sariwa pa ang sugat mo makakabuting magpahinga ka muna. Pansamantala ay manatili ka rito dahil hindi ko alam kung hanggang kelan ka ligtas dito."
" Mang Esteban? Almira?" Tanging nasabi ni Julian.
" Ako pare kilala mo?!"
" Oo pano ko kayo makakalimutan kasama ko kayo ng pauwi dito"
" Buti naman naalala mo ako pare sa ganda kong ito!"
" Ano?"
" Ibig kong sabihin sa ganda nitong matalik kong kaibigan hindi iyan kinakalimutan!" Pinanlakihan ko ng mata si Theo mga pinagsasabi niya pero tinaasan lang ako ng kilay sabay ngiti.
" Bakit kayo narito? Nasaan ako?"
" Mamaya na kayo magkuwentuhan. Mag almusal na muna kayo. Ikaw julian dito ka na kumain sasamahan ka ni Almira." Si Lola conchita na may dalang pagkain na nasa tray. Agad niya itong inilapag sa Papag sa tabi ni Julian. Agad namang nagbigay galang si Julian dito at pinaakyat na si Mang Esteban at Theo.
" Frend...enjoy the moment!" Ngising turan ni Theo habang paakyat ng hagdan. Naiwan kami ni Julian kaya agad kong kinuha ang lugaw na may itlog sa mangkok. Uminom muna siya ng tubig na nakatitig pa rin sa akin. Alam kong nasa mukha ko ang mata niya kahit na nasa lugaw ang aking tingin hinalo ko ito para lumamig. Nang tumingin ako sa kanya ay bigla namang inilihis niya ang tingin sa akin.
" Kumain ka na muna....mamaya na tayo magkuwentuhan." Sabay angat ko ng kutsara na may lugaw at hinihipan ko ito sabay tapat sa bibig niya. Nabigla siya sa ginawa ko.
" Ah...ako na lang Almira....kaya ko naman."
" Kaliwete ka ba?" Tanong ko sa kanya.
" Hindi....bakit?"
" Nasa kanang balilat mo ang sugat at hindi iyan maaring magalaw ng magalaw. Sariwa pa ang sugat baka dumugo. Buti na lang hindi ka naubusan ng dugo."
" Pasensya na....nagkaenkuwentro....."
" Huwag ka na munang magkuwento....susubuan kita...hayan nganga na muna para lumakas ka kelangan mong kumain." Hindi naman nakaimik si Julian. Bumuka naman ang bibig pero ang mata ay nasa mata ko din kaya naasiwa tuloy ako...napunta sa gilid ng labi niya ang kutsara.
" Ay sorry!" Hindi siya kumibo...bagkus isinubo na lang ang kutsara na nakatingin pa rin sa akin. Ang akward yun nararamdaman ko para kasing tumatagos sa kaluluwa ko ang mga tingin niya. Hindi naman siya nagbabago ang expression ng mukha niya...serious mode lang siya. Ipinagpatuloy ko ang pagsubo sa kanya ng lugaw. Nang hinati ko ang itlog para ipakain sa kanya ay bigla itong nagsalita.
" Hindi ako kumakain ng itlog...namamantal balat ko pag kumain ako niyan."
" Akin na lang ang itlog mo pareng julian....paborito ko yan lalo na yung maalat na itlog masarap iyon sa kamatis!" Biglang sulpot ni Theo dala ang ilang piraso ng saging at pinya sa platito. Nasamid ako kahit wala akong kinakain dahil sa sinabi ni Theo. Alam kong kalaswaan na naman nasa utak niya sa makahulugang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...