Chapter - 44

3.9K 140 6
                                    

Samantala sa muling paglalakbay nina Almira at Theo at hindi pa man nakakalayo ay nakarinig sila ng mga putukan ng baril na sunod-sunod. Agad silang nagkubli at inihanda din ni mang esteban at delfin ang kanilang mga baril. Nagpatuloy ang panaka-nakay putukan na nang-gagaling sa kalayuan. Makalipas ang bente minutos ay lumabas na sila sa pinagkukublihan. Nangangamba man ay ipinagpatuloy nila ang paglalakad at naging alerto sa kapaligiran.

Hanggang sa narating nila ang isang ilog na may mga batuhan. Nasa baba ito ng matatarik na bangin at daanan na rin para mapabilis ang paglalakbay nila patungo sa lugar ni Maria.

Palipat-lipat sila sa mga batuhan hanggang sa biglang napasigaw si Maria nang sa paglipat niya sa dalawang malapad na batuhan ay may nakasalaksak na katawan ng isang tao doon na nakadapa.

Agad namang tinignan ni Delfin ang nakita ni Maria. Maging ang magkaibigan at mang esteban ay mabilis na lumapit sa itinuro ni Maria.

" Mang Esteban bilis buhatin na ninyo baka buhay pa siya!" Sigaw ni Almira.

" Iha....hapones ang taong ito base sa kanyang suot." Sa nagaalangang sagot ni mang esteban sa dalaga.

"  Alam ko po..." Itinihaya ito ni Delfin kaya nakita ni Theo at Maria ang may sugat,pasa at duguang mukha at katawan ng lalaking hapones na walang iba kundi si Heneral Sanzumaru Onoda.

" Oh my god frend si papa sanzu ito! Anong nangyari sa kanya?! Dali dalhin natin doon sa may pampang!" Mungkahi ng natatarantang si Theo. Kaya agad nilang binuhat nila si Sanzumaru at inihiga sa may lilim na bahagi. Agad nilang tinignan ang duguang katawan nito at nakumpirma nilang may mga tama ng baril. Agad ineksamin ni Theo ang pulso at pintig ng puso nito...

" Buhay pa siya! Bilis kailangang maialis natin siya dito at matanggal ang bala sa kanyang katawan bago pa siya maubusan ng dugo!"

Agad tinalian ni Theo ang binti at hita nitong may tama ng bala para maampat ang pagdurugo. Maging ang nasa kanyang balikat at tagiliran na himalang daplis lamang. Pinunasan din ni Maria ang nasa ulo nitong nagdurugo at pinunit ang laylayang bahagi ng kanyang damit at itinali sa ulo nito para maampat din ang pagdurugo. Awang-awa ang magkaibigan dahil  nalamog at may bukol sa mukha at ulo si Sanzumaru.

Si Delfin at mang esteban na nag-aalangan man sa gagawing pagtulong sa sugatang Heneral ay gumawa sila ng mas mapapadaling maaring gamitin sa pagbuhat sa Heneral. Pumutol sila ng tatlong metro ng kawayan at ang isa ay hinati -hati na itinati sa pamamagitan kinuha nila sa katawan ng saging. Nagmistula itong hagdan na may anim na baytang. Agad nilang nilagyan ng mga maliliit na kawayan ito at mga dahon ng saging sa ibabaw. Inihiga na nila si Sanzumaru at binuhat sa magkabilang dulo ni Delfin at Mang Esteban.

Mabilis na silang naglakad dahil sa takot. Hindi nila lubos maisip kung sino may gawa kung kaaway ba ng mga hapones na ibang grupo na mga gerilya din.

Hindi naman sila natagalan sa paglalakad ay natanaw nila ang isang kubo. Mabilis na nagtawag sila kung may taong naroon ngunit walang lumabas.

" Tiyo Esteban wala yatang nakatira na dito! Hindi na nakapaglilinis ng kanilang bakuran! Mukhang inabandona na ang kubo na ito." Si Maria na agad pumasok sa bukas na pinto ng kubo. Tinungo din nito ang gilid na bahagi kung saan may lutuan doon at may mesang kawayan. Nakasabit din ang mga tuyong mais sa dingding ng kubo sa may gilid na bahagi.

Walang laman ni anong bagay sa loob kaya ipinasok na ni Delfin at Mang Esteban ang sugatang katawan ni Sanzumaru. Hindi gaanong karumi ang loob kaya inihiga na nila sa isang papag ito doon. Agad sinabihan ni Almira na magpainit ng tubig si Maria na agad namang nakakita ng isang kaldero sa ilalim ng lutuan at ilang gamit sa kusina na marahil iniwan na lang ng may ari.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon