Sa chapter na ito ay atin pong sariling lengguwahe ang magiging usapan ni Sanzumaru, Satoshi at ibang sundalong hapones para lubos po nating maunawaan ang daloy ng kuwentong ito. Maraming salamat po.
------------------------------------------------------
Sanzumaru's POVSa nakaraang mga buwan at linggo ko dito sa bansang Pilipinas hindi ko maitatangging para na rin akong nasa aking sariling bansa. Naalala ko pa ang aking ama kapag ito ay nasa putikan at nagtatanim ng palay. Habang ako naman ay nasa lilim ng isang puno at nagbabasa ng libro o kaya nagsusulat. Bata pa lang ako ay ang aking ama na ang nagtaguyod sa akin para makapag-aral hanggang ako makatapos at naging isang sundalo at naging Heneral.
Ang aking asawa at anak na naghihintay sa akin sa labas ng aming tahanan kapag narinig nila na ako ay dumating ay walang kasing saya sa aking pakiramdam.
Sa aming bansa ay karangalan ng isang pamilya ang magkaroon ng anak na sundalo. Kapag sundalo ka ang buhay mo ay nasa iyong sinumpaang tungkulin na. Ang mamatay sa sariling bayan kapag nasa digmaan. Ang layunin ng aming bansa ay para maimulat ang mga Pilipino na ang asya ay para sa mga asyano. Hindi nila dapat kailangan ang mga dayuhang amerikano na matagal din silang sinakop.
Ngunit sa ngayon ay nangangamba ako sa nangyayaring digmaan. Takot at hindi nagugustuhan ng mga Pilipino ang ginawa naming pananakop sa kanilang bansa.
Mas lalo kung nauunawaan sa ngayon na may pagkakapareho din pala ang mga ugali nila sa aming mga hapones. Pinapahalagahan nila ang pamilya at masisipag ding katulad ng aking ama ang mga magsasaka at karaniwang mga tao. Ang mga mangingisda ay katulad din ng aming mga mangingisda na kahit hindi maganda ang panahon ay pumapalaot para may maiuwing pagkain para sa pamilya.
Ngunit isang bagay ang kakaiba sa kanila na sa kabila ng takot at pangamba ay nakakangiti pa rin sila kapag pinakitaan mo sila ng iyong ngiti at pagmamalasakit.
Katulad ng mga hapones na may iba ding hindi maganda ang paguugali ay nakikita ko din iyon sa itinalagang alkalde ng bayan bago pa ako dito makarating. Si Don Honrado na sa aking tingin ay ganid at mapag-imbot sa kapwa. Katulad din siya ni Satoshi na aking kaibigan noon pero dumistansiya sa akin ng akoy maging Heneral. Pakiramdam ko ay hindi siya masaya na heneral na ako ng hukbo at inggit ang namamayani sa kanyang puso.
May mga desisyon siyang ginawa na hindi ko nagugustuhan kaya alam ko na lalo siyang nagtatanim ng galit sa aking pamumuno.
Nanabik na ako sa aking pamilya....sana magkaroon ako ng pagkakataon na muling makabalik sa aking bansa at muling makapiling ang aking pamilya.
Ang pamilyang nakilala ko dito....nasaan na kaya sila? Si Almira at Theo...maging sila ay wala na akong naging balita.
Bigla na lang may kumatok sa aking maliit na tanggapan at pumasok si Hugo ang nagsisilbing tagapagsalin ng aming usapan kapag may Pilipino akong kausap. Kung narito lang sana ang magkaibigang iyon ay hindi ko gugustuhing kausapin ang taong ito na tauhan ng ganid na Alkalde. Kaya sa mga susunod na araw kapag tuluyang pamahalaang hapones na ang mamamahala sa Pilipinas ay imumungkahi ko sa aming nakatataas na palitan ang alkaldeng si Don Honrado. Agad kong isinara ang maliit na nōto ( notebook ) na aking sinusulatan ng mga bagay na aking nararanasan sa bansang ito para pagdating ng araw na makauwi ako sa bansa namin ay may mababasa ang aking mga anak sa naging buhay ko sa bansang ito. Isinilid ko ito sa lagayan nitong plastik at inilagay ko sa harapang bulsa ng aking uniporme.
" Magandang umaga po Heneral!" Ang unang bungad sa akin ni Hugo. Agad kong napansin ang kasunod nitong isang babae na hindi pa katandaan. Nakayuko lamang ito at tila ayaw pang lumakad papasok. Agad namang sinabihan ito ni Hugo na pumasok na.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...