Hapon na ng dumating si Mang Esteban. May dalang mga bagay na kailangan nila.
Umakyat saglit si Mang Esteban para ilagay sa loob ang ibang dalahin niya ng....
" Koko wa doko?anatahadaredesu ka?! ( Nasaan ako? Sino ka?). Ang mahina at utal na boses na narinig nito.
Nabigla itong napalingon sa nakahiga pa ring heneral. Pilit bumabangon habang sapo nito ang ulong may benda.
Agad niya itong nilapitan....
" Sandali! Huwag kang gagalaw!" Agad ng tinawag nito ang magkaibigang almira at theo. Hindi naman na pumasok sa loob si Delfin at Maria. Sa bintana mula sa labas ay doon nila tinignan ang nasa loob.
Nakapikit muli si Sanzumaru marahil kumikirot ang kanyang ulo. Ramdam din niya ang sakit sa katawan kaya hindi siya masyadong makagalaw.
Lumapit si Almira at kinausap ito...nakinig lang ang iba maski hindi nila maintindihan sinabi ni Almira.
" Huwag ka munang magsalita.....kami ito ng kaibigan ko. Nakita ka namin sa ilog sugatan kaya dinala ka namin dito. Tinanggal na namin ang mga bala sa iyong katawan. Sa ngayon ay mainam itong nagising ka. Pero huwag mong pilitin ang sarili mo....magpahinga ka lang...ligtas ka rito."
Sa nanghihinang pakiramdam at medyo nahihilo ay bahagyang naaninag ni Sanzumaru ang magkaibigan. Ngumiti itong bahagya sa dalawa at muling pumikit.
" Sa wakas gumising na siya frend! Hoping for a past recovery! Huwag na muna natin siyang kausapin....kailangan niyang pahinga."
Muling lumabas ng kubo ang lahat ng makitang muling nakatulog ang heneral.
" Iha.... Mga ilang araw ba mananatiling ganyan siya?" Tanong ni Mang Esteban.
" Sa ngayon po ay asahan nating gigising siyang muli mamaya lang....hindi pa kasi masyadong mabuti ang lagay niya. Pero sa oras na gumising siya puwede natin siyang painumin o kumain ng konti, wala namang pinsala sa kanyang tiyan. Mga ilang araw siyang mananatiling ganyan depende sa resistensiya niya. Kung walang pinsala sa kanyang mga buto ay makakaupo siya at maaring makatayo unti-unti."
" Ibig mong sabihin araw, linggo o buwan ang hihintayin natin sa tuluyan niyang paggaling?!"
" Opo! Sana lang walang impeksyon ang tinamo niyang mga sugat at maingat na paglilinis ang kakailanganin niya."
" Kung gayon.....hindi tayo dapat magtagal dito! Delikadong manatili ng matagal dito!"
" Naiintindihan ko po mang esteban, pero sa kalagayan niya hindi pa natin siya maaring paglakbayin patungo sa ligtas na lugar."
" Maari nating siyang isakay sa duyan patungong bundok! Doon kina tiyo agusto ligtas siya doon!"
" Hindi po kaya lumikha ng takot at pangamba doon ang pagdala natin sa kanya? Baka may ibang lugar pa po?"
" Ipapaliwanag ninyo sa tao at tutulungan ko kayo! Maiintindihan nila ang ikukuwento mo, at buhay ng tao ang pinaguusapan dito hindi sa kung anong lahi siya!"
" Salamat mang esteban....kailangan lang po talaga magising ng tuluyan at lumakas siya para hindi tayo mahirapan sa muling paglalakbay."
.
.
.
Sa labas ay ginawa si delfin na tatlong batong lutuan. Tumulong si Maria at Theo sa paggawa ng bakod na tatakpang ng mga patong-patong na dahon ng niyog at iba pang maaring malalapad na dahon na maaring itapal. Lagpas tao ito mga walong piye at makikitang natakpan na nito ang harap at gilid na bahagi ng kubo.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...