Chapter - 17

6.6K 204 20
                                    

DISYEMBRE 12, 1941

Ang araw kung saan nakarating na rin ang hukbong pandagat ng mga hapon sa mga baybaying bahagi ng kabikulan na nakaharap sa dagat pasipiko.

Malalaking puwersa ng hukbong pandagat ng bansang Japan para makubkob nila ang mga puwersa ng mga hukbo ng Pilipinas at Amerika na nasa silangan ng Luzon. Ito rin ang daan para makuha na rin nila ang ilang probinsiya sa Samar, Panay, Negros, Iloilo at iba pang probinsiya sa kabisayaan.

----------------------------------------------------
December 12, 1941

Nagulantang ang lahat sa tunog ng sirena sa munisipyo at ang mga kampana ng simbahan na tuloy-tuloy sa pagtunog.

Napabalikwas ang magkaibigan at agad tinungo ang bintana. Nakita nilang may mga tao sa kalsada at nag-uusap-usap. Ang iba naman ay mabilis na naglalakad. Nakita nila si mang esteban sa trangkahan kaya agad bumaba ang dalawa.

Eksaktong paglabas nila ng bahay ay ang napakalakas na tunog ng eroplano ang narinig nila halos mababa lang ang mga ito at sunod-sunod na makikitang lumilipad sa himpapawid. Kita sa katawan ng eroplano ang kuwadradong puti at bilog na pula sa gitna patunay na mga eroplano ng hapon.

" MGA HAPON NA ANG MGA IYON!!!" Sigaw ng mga tao.

Agad nakaramdam ng takot ang lahat at maging ang magkaibigan ay nataranta sa aktuwal na makitang malapitan ang mga eroplano na halos sa lumalapit na sa kalupaan.

Ilang minuto ang nakalipas ay muling bumalik ang katahimikan. Ngunit ramdam pa rin ang kaba ng mga mamamayan na ang iba ay nasa loob ng kanilang mga tahanan. Nakikiramdam ang iba at ang iba ay nagdarasal. Samantalang ang ibang tao naman ay tila wala lang kaba, naglalakad, ang iba nakalulan sa mga paragos, kalabaw, o kalesa patungo sa dapat nilang puntahan.

Habang nasa sala ng kanilang bahay ang pamilya ni Mang Esteban ay dumating ang kapatid niyang dalawa at muli silang nag-usap-usap. Tinawag naman na ni Maria ang pamilya pati ang magkaibigang Theo at Almira para mag-almusal. Sa sala ay patuloy lang na nag-uusap si Mang Esteban at mga kapatid niya. Dumating din ang ilang kaibigang lalaki at ang kapitan ng kanilang baranggay.

Habang nag-aalmusal ay binuksan ni Maria ang radyo para makinig ng balita. Nahirapan siyang makahanap ng istasyon na naghahatid ng balita dahil hanggang sa makakuha siya ng nagbabalita sa lengguwaheng ingles. Malabo at minsan lumilinaw naman sapat para maintindihan pa rin. Pinakinggan ng lahat at mas lalong nangamba dahil patuloy ang pagdating ng mga hukbong sundalo ng bansang hapon sa norte at patuloy ang pakikipaglaban na ng mga sundalong Pipino at Amerikano sa bahaging iyon ng bansa. Patuloy pa rin ang pambobomba sa ibat-ibang dako ng bansa kung saan may kinalaman sa mga base ng Amerikano.

Narinig din nila ang mensahe ni Pangulong Manuel L. Quezon na na maging mahinahon at magdasal para sa kaligtasan.

Pero higit ang balita na maririnig ay mula sa naganap na pambobomba ng hapon sa pearl harbor ng nagdaang araw. Kung saan libo-libong sundalong amerikano ang namatay at mga barkong pandigma ang lumubog sa karagatan.

" Sa tingin ko wala tayong masyadong aasahan ng tulong sa mga amerikano sa panahong ito. Lugmok ang pamahalaan nila sa ngayon dahil sa sorpresang atake sa kanila ng mga hapon. Ako man ay hindi ko inasahan ito na kayang gawin ng hapon sa mga amerikano ang bagay na iyon." Naiiling na sabi ni mang esteban.

" Unti-unti ng nangyayari sa atin ang nangyari sa ibang bansa sa asya noong mga nakaraang taon. Alam nating tumiwalag na ang bansang Japan sa lupon ng mga bansang nagkakaisa, at dahil sa propaganda nilang Asya para sa Asyano ay ginagawa nila ang bagay na ito. Oo nga at may sarili na tayong pamahalaang komonwelt pero hindi pa din tayo lubusang nakawala sa kolonya ng Amerika...transisyonal na panahon pa ito at 1946 matatapos ang komonwelt na pamahalaan. Ito marahil din ang nagbunsod sa mga hapon na sakupin tayo dahil sa mga amerikano. Sa madaling salita damay talaga tayo. Ipinagdarasal ko na huwag sana tayong pabayaan ng Pamahalaang Amerika sa kabila ng pangyayari sa Pearl Harbor sa Hawaii." Dagdag pahayag ni Mang Victorino ang kapitan ng baryo.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon