Chapter - 51

4.3K 175 32
                                    

Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa at votes.
MickeyVelasquez2, ConSagum,MYCAsophie13,sakuramae4,prinsesang_dyosa15,tomatoqueen, UndeniablyGorgeous, annavi16,se7en2,E_L_I_A_H,athenabhe,lyn_019,benedictG2,jhavril, @AnnaYberra, @its_dezz, verronica14, AimeeJoyceLibit, mikaelei, LealanieMontemayor, PsychoKiller_GHAUS, daiskecute83.

Maraming salamat...sa mga patuloy na nag-add ng stories na ito at sa mga silent readers. Maraming salamat at #2 pa rin po tayo sa ranking ng His Fic. Salamat din sa mga bagong followers. :)

Basta sa lahat po sa inyo thank you!:)
------------------------------------------------------

Hindi pa man sumisikat ang araw kinabukasan ay naglakbay na kaming muli. Mabilis ang mga galaw para makarating agad sa kuta ng mga gerilya. Lulan kami ng ilang kabayo at kalabaw na aming gagamitin sa patungong baryo nina maria kung saan iyon ang pinakamalapit sa dagat. Ang iba ay siyang gagamitin sa paglalakbay ng ibang grupong tutungo rin sa bayan sa gabi ng paglusob na hindi sa dagat dadaan.

Bagamat kami ni Theo ang nagprisintang sa infirmary ang aming sadya sa paglusob ay tumututol din si Julian at Sanzumaru sa aming gusto dahil mapanganib. Pero handa kami tulad nila. Huwag na raw kaming sumama dahil wala kaming alam sa labanang militar. Ngunit hindi kami nagpapigil ng kaibigan ko, may mga kasapi silang kababaihan kaya may karapatan kami.

Makikita sa mga kasama ko ang tapang at handang lumaban sa gagawing paglusob sa garrison ng mga hapones sa bayan ng Barcelona kaya kailangang ganoon din kami. Ewan ko ng makita ko ang karumal-dumal na ginawang pagpatay sa mga tao sa baryo ni Maria ay nakaramdam ako ng intensyong maipaghiganti ang mga namatay. Isa akong nurse na ang gawain ay makapanggamot o makapagsalba ng buhay pero sa nangyari gusto kong patayin ang mga walang awang hapones.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon