Almira's POV
" Kumusta kayo?" Tanong ng lalaking bahagyang nakangiti at naka-uniporme ng isang pulis. Natigilan ako pati ang kaibigan ko.
" Alam kong iniisip nyo." Sabi nito sa amin. " Lolo ko siya at maraming nagsabi na medyo hawig daw ako sa kanya. Sa katunayan nga magkatunog ang pangalan namin." Hindi ako nakakibo may hawig nga siya kay Julian pero sa unang tingin lang. Pag tumagal ay makikita mong may sarili siyang angking kaguwapuhan. Moreno, tamang tangkad at makikita sa uniporme niya na hapit sa katawan na alaga marahil sa gym o ehersisyo.
" Ako nga pala si Julius. SPO1 Julius Caesar Estacio." Ngiti nitong sabi at iniabot ang kanyang kamay sa akin. Ngunit umentra na naman agad ang echosera sa buhay ko. Ang nangunguna palagi sa mga gustong makipagkilala sa akin.
" Hi Sir Julius Caesar ako nga pala si Cleopatra! Charot lang! Thea na lang." Ngumiti lang si Julius na bumitaw din sa kamay ni Theo at muling humarap sa akin.
" Almira di ba?" Tanong nito sa akin.
" Paano mong nalaman pangalan ko? Ngayon lang tayo nagkakilala?!"
Siya namang paglapit ni Tita Adela.
" Nakuuu! Iha nakalimutan pala kitang ipakilala. Siya si Julius yung pulis na nagdala sa inyo ni Theo sa hospital noong nakaraang gabi. Ngayon ko lang din nalaman na apo pala siya ni señor julian."
Sa sinabi ni Tita Adela ay hinawakan ko na ang kamay ni Julius.
" Almira Cervantes nga pala."
" Buti na lang kasama ka nina Tita Adela. Malapit palang kaibigan ng pamilya namin ang pamilya nila."
" Oo nga daw sabi sa akin ni lola socorro." Tugon ko rito. Lumayo naman si Theo at nakita ko na tinatawag ito ni Kiro na tila aligaga sa kanyang kinakausap sa cp.
Niyaya ako ni Julius na lumabas muna. Nagpaalam ako kina tita adela na may mga kausap din maging sina harold at liza. Si celine ay kausap din mga kabataan.
Sa paglabas namin ay dumaan kami sa isang hallway kung saan may painting doon na malaki na nakasabit sa wall. Si Julian at Divina na bagong kasal. Napangiti ako....bagay talaga sila.
" Alam mo bang hindi talaga si lola ang unang minahal ni lolo."
Nagulat at medyo kinabahan ako sa sinabi ni Julius. May alam kaya siya....iyon ang pumasok sa utak ko kaya pilit kong dinedma.
" Ah....eh Julius salamat pala sa pagdala mo sa amin sa hospital ni Theo."
Ngumiti ito...ewan ko ba parang ang lakas ng dating sa akin ng ngiti niya habang tinitignan ko siyang kinakausap. May pagkakahawig talaga sila ni Julian pero mas palaging nakangiti si Julius.
" Doon tayo sa may veranda." Pagyaya nito sa akin. Inutusan naman niya ang isang kasambahay na dalhan kami ng Juice.
Sa pinakadulong bahagi ng veranda kami umupo. Magkaharap kami kaya nakaramdam na naman ako ng asiwa sa mga tingin niya.
" Nurse ka pala?"
" Ah..oo pati si Theo."
" Nurse din ako."
" Ano?!"
" RN ako then nagtraining ako sa PNP. Ayun pumasa! Yun kasi ang gusto ko na siya ding gusto ni lolo sa akin. May reason kasi ako kung bakit gusto kong mag nurse. Pero dahil gusto ko rin mapasaya si lolo ay pumasok ako sa PNP."
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...