Chapter - 30

4.7K 167 31
                                    

" Ikaw Theodorro....wala ka bang napupusuan sa mga kadalagahang narito?!" Tanong ni Lolo Agusto. " Baka kung sakaling may matipuhan ka ng dalaga rito ay magbago na ang iyong pananaw." Nakangiting sabi ni lolo agusto.

" My God! I kennatt! Over my dead delicious sexy virgin body!" Sagot nito kaya sinabunutan ko na lang para matigil sa lumalabas sa bibig niya.

Kinahapunan ay dumating na sina mang esteban at ang iba ay gabi na. Nagpasyang hindi sumama si mang antonio sa dahilang hindi nito nakausap ang dating alkalde na binabantayan ng mga hapones ang bawat galaw ng pamilya. Sa kuwento ni mang esteban ay hahanap ng paraan ang kanyang kapatid para makausap pa rin ang alkalde at makakalap ng impormasyon sa pamilya ni Julian at ang iba nitong kasamang sundalo kaya mananatili ito sa bayan.

Kinagabihan ay nilinis ko ang sugat ni Julian sa braso. Nakaupo lang kami sa papag na kawayan sa harap ng kubo. Habang nagkakatuwaan naman si Theo at ang mga batang naroon sa harap ng bonfire.

" Salamat." Nakangiting sabi ni Julian at ibinaba na niya ang manggas ng kanyang damit para matakpan ang sugat.

" Walang anuman.....lagi nating lilinisin din yan pag umaga ng pinakuluang dahon ng bayabas dahil mabisa talaga yun. Pagkalipas ng isang linggo maghihilom na iyan. Kusa na lang matutunaw yun sinulid sa tahi o puwede ding tanggalin pag hilom na ang sugat." Tugon ko sa kanya.

" Alam mo....kayong magkaibigan....parang kakaiba kayo....nahihiwagaan ako minsan sa sinasabi ninyo na kayo lang nagkakaintindihan."

" Ah eh...huwag mo na kaming intindihin. Ganun lang talaga kaming magkaibigan pag may sapi." Bahagyang nangiti si Julian.... ano ba ito...naakit ako sa simpleng ngiti niya. Kaunting salita pero parang andami na niyang sinabi sa tingin at ngiti pa lang!

" Bihira ang mga nars na kilala ko....karamihan ay babae....nagtataka ako bakit nars din si Theo?" Dagdag na sabi nito.

" Bihira nga ang lalaking nars....pero nakita mo naman pusong babae siya." Nakangiti kong sabi kay julian. Ngumiti naman ito na tila kumbinsido.

Naaliw na lang kami sa panonood kina Theo at sa ilang bata na naroon. Pati ilang dalagita at binatilyo ay nakihalubilo na rin sa kanila dahil may itinurong laro ang baliw kong kaibigan. Isang junk food na nahalungkat pa niya sa mga dala namin ang gagawin niyang premyo. At ang larong itinuturo ng kaibigan kong nasapian na naman ay ang 'PAK GANERN!'

" O mga bata....dali hawak muna kayo ng mga kamay. Form tayo ng circle sa gitna ang apoy!" Muwestra nito sa mga nagtutulakang makukulit na mga bata. Agad namang sumunod ang mga ito. Mga labinglima siguro silang nakapaikot doon kasama si Socorro. Nanood na lang ang mga mas malalaki na sa kanya. At nang magsimula ng magturo ang kaibigan ko ng kabaliwan niya ay agad namang nakuha ng mga bata na tuwang-tuwa. Hanggang nakisali na din ang ilang naroon pa na kaedad ni Francisco. Maging ang mga nakamasid lang ay natuwa sa kasiyahan ng mga kabataan. Sa huli sa hindi inaasahang pagkakataon ang nanalo pa ay si Francisco na agad nilapitan si Theo para kunin ang premyo niya. Pinaglaruan pa muna ito ng kaibigan ko bago ibinigay ang premyo niya. Nang makuha ito ay agad nagtatalon at lumapit ang dalawang nakakabatang kapatid na si Socorro at bunsong si Lucio. Na sinubuan na din ni Francisco ng junk foods na hindi pa nila natitikman. Napangiti ako sa kanilang tatlo dahil makikita mo ang pagmamahalan at pagbibigayan ng magkakapatid.

Ang mga hindi naman nanalo ay pinapila ni Theo at binigyan niya ng tig- iisang piraso ng biskwit. Bakas sa mukha ng mga bata.ang tuwa sa simpleng bagay na iyon. Nang matapos ay ibinalik ni Theo ang lata ng biskwit sa loob ng kubo. At umupo sa papag na kinauupuan namin ni Julian.

" Frend....nakakaloka! Priceless! Nakakatuwa ang ganito! Nakakawala ng stress!" Napangiti ako sa sinabi ng kaibigan ko na maski napagod ay nakangiti. Maging si Julian ay napapangiti sa kanya.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon