" Frend papasok ba talaga tayo diyan?! Kinakabahan ako eh! Baka paglabas natin ibang panahon na naman! Baka maloka na aketch!"
" Kinakabahan din! Manahimik ka nga baka may makarinig sayo!"
" Kasi naman eh!"
" Hindi na siguro mangyayari yun noh! Kung maulit man yun dapat magsaya ka!"
" Ha bakettt?!"
" Kumapit ka kay Harold bakasakaling madala mo siya at si tantan!"
" Hmmm! Binigyan mo ako ng idea! It means pag nangyari iyon masosolo ko na si Harold at ako ang kikilalaning ina ni Tantan sa pupuntahan naming panahon! My gosssshhh! Lets go na frend!"
" Assumera! Ang bilis mong maka move on kay Delfin ah!"
" Nagsalita ang hindeeehh! Tignan natin mamaya ang reaction mo sa burol ni papa juls este lolo Julian!"
.
.
.
Almira's POVPinanlakihan ko na lang ng mata si Theo sa paglapit na sa amin ni Harold. Sinabi niya na donations lang pala ang maaring ibigay pagpasok pa lang ng gate. Walang entrance fee at yung mga donations ay napupunta sa isang foundations at sa pagpapanatili ng kaayusan ng naturang tourist spot.
Napagalaman din namin na local government ang nagpapatakbo nito dahil parang walang suporta na nakukuha mula sa Dept. Of Tourism bagamat napo-post at napag-uusapan din ito sa social media. Alam namin ni Theo na hindi pa gaanong kilala ang tourist spot na ito. Ang sinabi nito na kay Harold nabasa na niya sa social media ay hula lang nito. Pero ang katotohanan ay hindi ganun kilala kahit pinupuntahan na ng mga turista.
Sa paglapit namin sa entrance dahil pumapasok na ang mga nasa unahan namin ay mas nakikita ko na ang improvement ng naturang tunnel. Inayos ang mga tipak na bato sa harap nito para mas magandang tignan. May nakadikit ding murals na marmol na sa aking palagay ay ang kasaysayan ng tunnel na iyon.
Natatawa na lang ako sa asaran ni Theo at Harold sa likod ko dahil itinuturo ni Harold sa bahagi ng dalampasigan kung saan niya kami natagpuan. Akay ko naman si Tantan na may hawak na balloon na korteng aso na binili ng papa niya.
Nang makapasok na kami sa bakal na gate ay may guard sa gilid nito na parang pang guwardiya sibil ang uniporme. Agad nagpapicture si Theo at hinila kami.
Sa loob ay may nadagdag ng isang matibay na pintuang kahoy na istilong parang sa mga lumang simbahan. Sa pagbukas niyon ay malamlam na ilaw ang makikita sa mga dingding. Bumaba na kami ng hagdan at labis kaming napanganga ni Theo sa ganda ng mga sulo na nakasabit sa mga dingding. Korteng ningas ng apoy ang bumbilya at umaandap-andap pa parang mistulang apoy. Ang dating buhangin na nilalakaran ay yari na sa mga bricks o bato na mistulang sinauna. Pati ang walls ay mas pinaganda. Natural lang na kulay walang pintura.
Mas nagdagdag pa sa ganda nito ay ang mga simpleng chandelier sa gitna ng tunnel. May pagitan ang mga ito ng mga limang metro.
Ang mga turista na pilipino man o dayuhan ay hindi mapigilang kumuha ng pic o video. Makikita kasi sa wall ng tunnel ang mga old portrait ng mga taong naging bahagi ng kasaysayan ng Bayan ng Barcelona mula pa noong panahon ng kastila. May mga mababasa ding mga kasaysayan na nakadikit sa wall. Mga kasaysayang magaganda at hindi naging maganda para sa bayan.
Sa pinakadulo nito kung saan may lagusan sa pinakagitna,sa kaliwa at sa kanan ay doon namin nalaman na yung sa gitna ay hindi na pinapapasukan dahil kunektado sa simbahan. Ginawan na ito ng gate na bakal at masisilip na lang ang lagusan dahil may mga ilaw din ito.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...