Chapter - 49

4.2K 124 21
                                    

Matapos malaman ng mga tao sa bundok ang nangyari sa pamilya at mga kababaryo ni Maria. Takot at pangamba ang kanilang naramdaman pero sa huli mas nangibabaw ang galit.

Hindi nakapagpigil ang isang lalaki na kaanak ni Maria matapos malaman nito ang nangyari at walang sabi-sabi ay nilapitan at inundayan ng suntok si Sanzumaru na sa pagkabigla ay natumba ito sapo ang labi at agad dumugo.

Inalalayan ni Almira at Theo ang nabiglang Heneral na agad ding tumayo. Pero nanatili itong walang imik. Alam niya sa sarili na hindi nakapagpigil ang lalaking sumuntok sa kanya sa labis na galit sa mga tulad niyang hapones.

Agad inawat ni Delfin at Maria ang lalaki at pinagsabihan ito.

" Ano bang ginagawa mo?!!" Sigaw ni Maria sa binata.

" Kailangang maiganti ko ang mga kaanak natin Maria! Hapones ang taong iyan tandaan mo! Ang mga kalahi niya ang pumatay sa kanila! Dapat hindi natin iyan kinupkop dito dahil balang araw tatraydurin tayo niyan!"

Pumagitna na si Lolo Agusto sa gulong nangyari. May mga taong nagbulungan na tila nakumbinsi sa narinig sa sinabi ng lalaking kaanak ni Maria.

" Hindi ikaw ang kumupkop sa kanya! Ako ang kumupkop sa kanya at sa inyong lahat dito!" Ang sagot ni lolo agusto dito.
" Hindi dahil sa may ginawa ang kalahi niyang hindi maganda sa inyo ay katulad na rin siya ng mga iyon?! Tandaan mo na ang traydor na pasimuno ng karumaldumal na gawaing nangyari sa mga kaanak ninyo ay Pilipino, ang mga Honrado! Wala sa lahi ang pagiging traydor nasa tao yun! Ikaw! Kayo tayong lahat dito ay biktima ng kasamaan ng mga Honrado na sinamantala ang pagkakataon sa giyerang ito! Kinupkop ko kayo dito para magkaisa hindi para magtanim ng galit sa bawat isa!" Natigilan ang mga tao sa sinabi ni Lolo Agusto. Hindi naman kumibo si Sanzumaru sa nangyayari batid niyang nagalit ang matanda sa nangyari dahil sa tono ng pananalita nito na pinapangaralan ang taong sumuntok sa kanya.

Sa sinabi ni lolo Agusto ay natahimik ang lahat. Tama ang sinabi ng matanda, hindi sila dapat nagkakagulo. Ang lalaking sumuntok kay Sanzumaru ay nakayukong tumalikod na lang at umalis. Tinapik na lang ni lolo agusto ang Heneral sapat para maintindihan nito ang bagay na iyon.

Humingi rin ng paumanhin si Maria sa Heneral at saka inasikaso na nito ang kapatid at pamangkin sa kubol na tutuluyan nila.

Nagpulong naman ang ilang matanda kasama ang dating alkalde na magulang ni Delfin. Pinagusapan nila ang mga naganap at hindi nila mapapalagpas iyon lalo na at may mga buhay ng kinitil ang mga Hapones kung saan ang mga Honrado na kapwa nila Pilipino ang may pakana ng lahat.

Inasikaso ni Almira ang dumugong labi ng Heneral at nilagyan ito ng gamot. Nanatiling tahimik ito habang kinakausap siya ng magkaibigan. Naramdaman ito ng dalawa na parang may dinaramdam pang iba ang Heneral.

" Papa Sanzu.......huwag mo ng intindihin iyon. Bugso lang ng damdamin niya marahil iyon sa galit sa mga sundalong hapones. Masakit mawalan ng pamilya at mga mahal sa buhay sa paraang kalunos-lunos."

" Alam ko naman ang mga bagay na iyan. Iniisip ko kasi na hindi na yata maganda ang pananatili ko rito. Kahit pa may dugo akong Pilipino ay hapones talaga ang tingin nila sa akin lalo pa sa aking itsura na wala man lang bakas ng pagiging Pilipino."

" Wala man sa itsura mo Ginoong Sanzumaru ang pagiging Pilipino pero taglay mo ang pusong Pilipino." Ang mahinahong tugon ni Almira.

" Ngunit ako'y hindi napapanatag sa ginawa ng aking kasama! Sa nasaksihan ko kanina walang kapatawaran iyon sa akin! Gusto kong lumabas at patayin sila lalo na si Satoshi ngunit ayokong madamay kayong lahat. Kaya hindi ako naglakas ng loob na lumabas at lumaban sa mga sundalong iyon, lalo pa at malaman at makita nilang buhay ako. Gusto kong paghandaan ang pagkikita namin ni Satoshi! At sa pagkikita namin ay ihihiwalay ko ang ulo niya sa kanyang katawan!"

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon