Muli ko pong inuulit na sabihin sa inyo na ang mga tauhan sa kuwentong ito ay likha ko lamang. Wala silang kinalaman sa aktuwal na pangyayari sa kasaysayan.
Gusto kong magpasalamat sa lahat ng active readers, silent readers at voters sa walang sawang suporta sa story na ito. Sana po samahan nyo hanggang sa huli ang magbestfriend na Almira at Theo sa adventure nila sa nakaraan.
Nami-miss ko na kayo benedictG2 E_L_I_A_H, lyn_019 jhavril. Nasaan na kayo? Sumapi na ba kayo sa kulto ni lolo :).
Kay UndeniablyGorgeous na umiibig na kay ginoong Theodorro hahaha maraming salamat sa suporta.
Maraming salamat sa mga followers ko at kapwa nagsusulat na may kinalaman sa kasaysayan. Mabuhay kayo!
JoanaJoaquin, MS_ARCHAEOLOGIST
mugixcha
Fangsie
YellowLock
tomatoqueen
------------------------------------------------------" Baliw ka talagang bakla ka!" Umupo sa pasamano ng bintana si Almira. " Paano iyan pag biglang narito na ang mga hapon? Anong gagawin mo kapag nang-aapi na sila at nangaabuso ng mga Pilipino?" Tumalikod bigla si Theo sa bintana at naglakad ng ilang hakbang na pakendeng-kendeng kaya natawang muli si Almira sa kaibigan. Humarap bigla at nakataas ang kanang kamay nakakuyom ang mga kamao na tila lalaban sa giyera bakas ang tapang sa mukha.
" Ajaaaa mga syupatidddd!" Sabay takbo sa bintana. " Maki- bekiiiiii! Huwag masyokotttttt! Ipaglaban ang kalayaan ng inang reynang Pilipinas! Goraaaaaaaa!"
Sabay batok ni Almira sa kaibigan
" Puro ka talaga kalokohan! Matulog na nga tayo! Marinig ka pa ni Mang Esteban sa kalokohan mo!" Natatawang talon ni Almira sa pagkakaupo sa pasamano.
.
.
.
.
Kinabukasan ay nagising na sabay ang magkaibigan dahil sa pagdaan ng nagtitinda ng pandesal. Sumisigaw ito ng malakas kaya nagising bigla ang dalawa. Alas sais pa lang ng umaga napadungaw sa bintana si Theo at nakita niya na nasa labas ng trangkahan si Maria na bumibili ng pandesal. Naamoy din nila ang sinangag at tinapa. Kaya natakam ang magkaibigan at sabay na lumabas ng kuwarto at bumaba sa unang palapag. Naunang nagbanyo si Almira kasunod si Theo at saka humarap na sa agahan. Pandesal at palaman na coco jam, sinangag, tinapa, kamatis at salabat. Mayroon pang ilang piraso ng suman na nasa plato na nilagyan ng ginayat na niyog sa ibabaw at asukal.Matapos ang almusal ay naglaro ang mga bata sa kalsada sa tapat ng bahay dahil dumating ang ilang batang pinsan nila. Nagsiakyatan pa ang mga ito sa bayabas at duhat na nasa bakanteng lote sa tapat ng tinuluyang bahay ng magkaibigang Theo at Almira.
Almira's POV
Buti pa ang mga batang ito wala man lang pangambang nararamdaman sa mangyayaring pagbabago sa panahon nila na puro lang laro at kasiyahan ang tanging nasa isip. Ang hirap....hindi ko puwedeng sabihin sa inyo mga maaring maganap sa pananakop ng hapon. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa buhay ninyo sa panahong ito. Socorro.....marahil ito ang panahong nakasama mo kami na natatandaan mo. At bilang lola socorro na sa future ay alam kong nakaligtas ka sa panahon ng giyera....pero ano ang naging buhay at karanasan mo at ng iyong pamilya sa panahong ito. Ang hirap.....hindi ko alam mangyayari sa inyo....sa mga taong makakasalamuha pa namin ng kaibigan ko at kami rin mismo ay hindi namin alam mangyayari sa amin sa panahong ito........ Pero........teka...!
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...