Chapter - 25

5.3K 190 57
                                    

Para sa lahat ng nagbabasa ng kuwentong ito....maraming salamat sa patuloy na suporta. Sa mga avid readers at flood voters salamat ng marami alam nyo na yun kung sino kayo. :)
------------------------------------------------------

Payapang nakarating sila na hindi na nakaenkuwentro pa ng mga hapones. Nagbalitaan at nagkuwentuhan sa mga kaganapan. Hanggang sa lumalim na ang gabi at naghanda ng matulog ang lahat. Sa bintana ng silid ng magkaibigan almira at theodorro ay bahagyang nakaawang ito. Pinagmamasdan nila ang tahimik at madilim na kalsada. Paminsan-minsay may dumadaang mga nagpapatrulyang hapon at kalesa. Pag may nasasalubong naman silang mga tao ay kinakausap sa tulong ng interpreter.

Nanatili sa may bintana ang magkaibigan hanggang sa kalaliman na ng gabi nang magpasyang matutulog na ng may maaninag na tao si Almira sa gilid ng kalsada malapit sa bakuran nila. Pasuray-suray ang lakad ng tao hanggang sa matumba na ito sa tapat ng trangkahan ng tinutuluyan nilang tahanan.

" Oh my god! Tao yun bakla! May tao dun sa may gate natumba siya!"

" Nakuuuu! Tignan na natin daliiii! Tawagin natin si mang esteban!"
.
.
.
Almira's POV

Sino kaya ang taong iyon!

" Bilisan mo dali! Baka may nangyari dun sa taong iyon!"

Agad kaming bumaba ni Theo mula sa second floor. Agad naming kinatok sa silid niya si mang esteban.

" Mang Esteban! Mang Esteban!"

Malakas ang pagkatok namin na sunod-sunod kaya agad itong bumukas at lumabas si mang esteban at francisco. Lumabas din sa silid niya si lola conchita. Sa sofa sa sala ay nagising din si lando.

" Bakit anong problema?!" Tanong ni mang esteban.

" May nakita po kaming tao sa may gate sa labas bigla po siyang natumba! Tignan po natin baka kung anong nangyari sa kanya!"

Agad ng lumabas kami ng bahay pinagmasdan ang paligid kung may mga tao o mga hapones na nagpapatrulya. Dala naman ni francisco ang lampara para mailawan ang dadaanan namin. Pagbukas ng gate ay tumambad sa amin ang nakataob na tao sa lupa isa itong lalaki at base sa damit nito ay parang sundalo pati ang suot combat shoes.

Agad kong sinuri sa leeg ito...

" Buhay pa siya! Dali ipasok natin....delikado dito sa labas!"

" Tulungan mo ako lando buhatin natin. Isa itong sundalo!" Utos ni mang esteban sa pamangkin. Dahil sa may kadiliman ay hindi namin mapagsino kung sino ang lalaki. Malaking tao ito kaya pinagtulungan ng magtiyo na buhatin. Sa tabi  nito ang isang baril.

" My gosshhh frend may baril siya!"

" Sundalo ito Theo kaya may baril! Damputin mo na iyan at pumasok na tayo dalian nyo!"

Halos hindi naman ito mahawakan ng kaibigan ko sa takot. Pagpasok sa loob ay agad inilawan pa ni lola conchita ang iba pang lampara para mas maliwanag ang loob. Itinakip na lang niya ang makapal na kurtina sa nakasarang bintana para di masyadong halata mula sa labas na may mga taong gising pa at baka katukin sila ng nagpapatrulyang mga hapones. Sa mahabang sofa  pansamantalang inihiga ang lalaki at tumambad sa amin ang mukha nito at ang duguang damit. Maduming- madumi ang itsura nito.

" Si Julian ito ah!" Ang sabi ni mang esteban kaya agad akong lumapit pa.

" Si Papa Julian nga frend!"

" Susmaryosep anong gagawin natin sa batang iyan!" Ang nagulat na si lola conchita.

Hindi ako nakagalaw agad namang inalis na ni Theo ang damit nito at ang nakataling kapirasong tela sa braso malapit sa balikat. Pagkahubad ay agad tumambad sa amin ang duguan nitong braso.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon