Chapter - 56

4K 130 39
                                    

Nang makarating sa bahay ng mga Locsin ang magkaibigan ay muling bumalik sa kanilang alaala ang lahat na naganap doon sa nakaraang panahon.

Nakaramdam ng parehong kalungkutan ang magkaibigan sa pagbaba nila sa van at tinungo ang gate na bakal na noon ay kahoy pa lang. Maraming nabago sa harapan lalo na ang bakod. Pero ang tahanan nila ay hindi nabago ang istilo. Pinanatili ito sa dating anyo bagamat may mga renovations ng ginawa.

Sa balkonahe ay naroon si Lola Socorro sa tumba-tumba nito kalong ang batang si Tan-tan na agad sumalubong sa amang si Harold. Naroon din si Celine at si liza na naka-uniporme pa ng guro.

" Papa!...ay andito na po ulit kayo?" Tanong nito sa magkaibigan.

Ngumiti lang ang dalawa at pinisil ang pisngi ng bata. Lumapit dahan-dahan kay Lola Socorro na nakatingin sa kanila.
Hindi maipaliwanag ng magkaibigan ang nararamdaman kaya napayakap ito sa matanda na nagtaka, maging ang ibang mga kasama nila.

" Alam nyo iho...iha.....para talaga kayong ang Ate Almira at Kuya Theodorro ko noon....tapos kapangalan nyo pa."

Napangiti ang magkaibigan sa tinuran ng matanda.

" Pareho ba silang maganda lola?" Birong tanong ni Theo.

" Si Ate Almira magandang babae...si kuya Theodorro ay guwapo...kaya lang katulad mo binabae din siya."

Natawang bahagya ang mga nakarinig lalo na si Harold.

" Ano po bang nangyari sa kanila?" Tanong ni Almira.

" Hindi ko na alam iha.....napakatagal ng panahon iyon. Hindi pa man tapos ang giyera ay naririnig ko sa mga kasama namin noon sa bundok na bigla na lang nawala ang dalawa....ang iba ang sabi ay napatay sila ng mga hapones sa Hacienda noon at hindi na nakuha ang mga katawan. Yung si Ate Maria at Kuya Delfin lang at ibang nasawi ang tanging nadala ni Kuya Julian noon daw sa pagtakas."

" Mama....tama ng kuwento....hindi naman nila kilala ang mga iyon." Pagsali ni Aling Adela sa usapan.

" Ok lang po Tita. Masaya namang magkuwento si Lola ng kanyang nakaraan." Nakangiting sabi ni Almira dito.

" Pagpasensyahan mo na si mama Almira. Pag karanasan niya noong panahon ng giyera ay ganado iyang magkuwento talaga."

" Mama pasok na kayo nakahanda ng tanghalian." Pagyaya ni Celine para sa tanghalian. Tinungo naman ni Almira at Theo ang wheelchair ni lola socorro at tinulungan itong makalipat ng upo para dalhin sa hapag. Napangiti naman ang pamilya ng matanda.

Bumulong pa si Theo sa matanda.

" Lola Socorro....mamaya kuwentuhan ulit tayo ha." Tila naman nasiyahan ang matanda sa narinig.

Sa hapag ay naging masaya ang tanghalian nila. Hindi na inusisa pa ng pamilya ang nangyari sa magkaibigan bagamat may pagtataka pa rin.

Pagkatapos ng tanghalian ay pumasok na sa school ang asawa ni Harold na si liza. Inihatid niya ito kasama ang kapatid pa niyang si Celine. Naiwan sa bahay si Aling Adela na nag-aalaga kay Tan-tan.

Sa balkonahe ay muling naupo si Lola Socorro sa tumba-tumba nito dahil mahangin ang bahaging iyon ng bahay. Bahagyang nakaramdam ng kalungkutan ang matanda ng ibalita ni Aling Adela na pumanaw na ang kaibigan ng pamilya nito noong panahon na si Julian. Hindi na rin ikinabigla iyon ni Lola Socorro dahil batid niyang darating ang panahon nito at maging siya.  Pinatulog naman ni Aling Adela ang apo kaya nagkaroon ng pagkakataong muling makakuwentuhan ng magkaibigan ang matanda.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon