Chapter - 57

4.1K 146 24
                                    

Almira's POV

Sa pagbabalik namin ng kaibigan ko sa aming panahon ay marami akong bagay na namimiss sa nakaraang panahon. Ang dating kasimplehan ng bayan, ang bundok, ang mga kasiyahan namin doon sa kabila ng takot sa giyera at higit sa lahat ang mga tao.

Wala na pala silang lahat at ang pinakahuling nabubuhay na nakasama namin ay si lola Socorro na lang.

Si Maria, Delfin, ang pamilya Madronio, Estuye at ang iba pa. Ang sakit isiping ang mga pangyayari sa gabing iyon na huli naming nakasama sila ay mananatili sa aming alaala.

Si Julian....hinanap kaya niya talaga ako? Nawala kaya ako ng tuluyan sa kanyang puso at isipan sa panahong wala na ako sa tabi niya.

Hindi ko alam.....pero tama lang ang aking ginawa na hindi ako nagpadala sa aking nararamdaman sa kanya. Dahil hindi tama....hindi tamang lokohin siya at paniwalaing ako ay kasama niyang nabuhay sa panahong iyon. Ang tama ay mabuhay siya ang mga tao sa panahong iyon na akma sa itinakdang tadhana sa kanila.

Ngayong wala na rin si Julian at nagkataong sa pagbabalik pa namin ay alam kong ito ang tadhana namin. Halos walong buwan kaming nanatili sa Barcelona sa nakaraan pero sa kasalukuyan ay pangatlong araw pa lang namin.
.
.
.
Sa pagpasok namin ni Theo sa bahay na ipinamana sa akin ay nakita ko sa sofa ang dalawang backbag. Sobrang dumi nito at talagang kumupas at may mga punit at sira na.

Nagkatinginan kami ni Theo at aming kinuha ang mga ito. Walang nagbukas marahil ng dinala ito dito kaya hindi nila nakita ang mga bagay na dala namin mula sa nakaraan. Lalo na ang ilang gamot na aking inilagay mula sa infirmary ng mga Hapones. Si Theo ay tahimik na kinuha ang pouch niya sa loob na nilagyan niya ng mahalagang gamit niya. Ang wallet,mga atm,id's at ang kanyang cp.

Agad nitong pinunasan ang cp niya. At kinuha ang charger na nasa kuwarto. Pagbalik ay agad niya itong chinarge. Kumuha ng drinks sa ref at muling binalikan ang cp niya at ini-on.

Habang inaayos ko din ang mga gamit ko ay nakita kong napahikbi si Theo na tutop ang kanyang bibig. Nilapitan ko ito at nakita ko ang mga selfie pictures namin. At ilang palihim na kuha niya sa mga taong nakasama namin. May mga video din na hindi alam nina socorro, julio at mga bata na kinukuhanan sila ni Theo. Ito yung umaakyat sila sa mga punong narito sa kinatitirikan ng bahay na ipinamana sa akin.

Hinaplos ko sa likod si Theo....alam ko ang nararamdaman nito.

" Frend....nami-miss ko sila grabeh! Nakakaloka ang nangyari sa atin pero sobrang napamahal na sila sa akin sa totoo lang."

" Alam ko.....hindi biro ang walong buwan natin sa panahong iyon at sa pagbalik natin ay 76 yrs na ang lumipas."

Tugon ko rito at ipinagpatuloy ko rin ginagawa ko. Nahagilap ko din cp ko at aking kinuha ang charger ko. Alam ko na ako man ay may mga kuhang palihim sa nakaraang panahon lalo na ang pasko sa bundok.

Makaraang ma charge ng ilang minuto ay ini-on ko na ito. Hindi nga ako nagkamali....naroon pa rin ang video na kuha ko sa gabi ng bisperas ng pasko sa kuweba. Tumabi sa akin si Theo ng makitang may pinapanood ako at marinig na nagkakasayahang tao.

" Oh my Gossshh! Grabe nakakuha ka pala niyan frend! My God sina, Julian, Delfin kasama mga kasamahan natin noong naginuman sila nyan! Naku si Maria ayan siya! Grabe maganda talaga ang lola maria mo!" Biro ni Theo.

" Tignan mo si Delfin....nakatitig kay maria....huli ko siya sa video!"

" Nang-aasar ka frend! Pero alam mo gustuhin ko man si Delfin at sundin ang nararamdaman ko ay talo pa rin ako sa huli. Hindi na nga ako babae,magkaiba pa ang aming panahon." Malungkot na sabi ni Theo.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon