" Frend bukas na vacation ulit natin." Untag sa akin ni Theo.
" Oo nga....sigurado masaya ito kasi fiesta doon, sira ang diet natin nito sigurado bakla!"
" Nakakatuwa ano....pagkatapos ng lahat ng adventures natin na nakakatrauma at nakakabaliw heto tayo babalik tayo ulit doon."
" Maganda naman kasi doon. Huwag mo ng isipin yung nangyari hindi na siguro mauulit pa iyon noh!" Sabi ko kay Theo habang papasok kami ng elevator kung saan nagkataong kami lang ang pasahero.
" Pero ano nga kung maulit iyon noh!" Sabay sara na ng elevator. " Biglang umalog ang elevator...nagulat kami ng kaibigan ko. Pero saglit lang iyon at tumuloy na pataas. " Ano kaya frend sa pagbukas ng pinto ng elevator na ito nasa future na tayo, tapos nagkaroon ng virus sa buong mundo at naging mutant ang mga tao. Tapos ikaw naging anim boobs mo! My goossshhh I kennat!"
" Tse! Eh yung mga boys naman imbes na isa lang ang pototoy nila naging anim! Ano ngayon sayo?!"
" Oh my gossssshhhh! Ang saya-saya! Tiba-tiba ang mga beki sa future!" Sabay tawa namin ni Theo. Ngunit biglang umalog ulit ang elevator at namatay ang ilaw. Kaya sabay kaming napasigaw at upo sa lapag. Ilang segundo muling umilaw at umandar ang elevator na nakaupo pa rin kami sa lapag. Pagbukas ng pinto ay napasigaw kami ulit sa gulat.
Isang babae at lalaki ang naka futuristic na damit na silver na hapit sa katawan ang nasa harap namin at may weapon na di namin mawari kung ano.
" My God frend! Nasa star wars era na yata tayo!"
" Baliw! Tumayo ka na diyan!"
" Sorry po kung nagulat kayo sa amin. Nagulat din kasi kami sa sigaw ninyo at saka nasa lapag kayo." Paghingi ng paumanhin ng binatilyo.
" Ok lang, nagulat kasi kami ng mamatay ang ilaw at umuga ang elwvator. Kayo bakit ganyan ang suot ninyo? May party ba?" Natatawang sumagot ang dalagita.
" Wala po ate....sasali po kasi kami sa Cosplay sa mall na malapit dito. Eh kagabi po dinala dito sa hospital si lolo kaya dumalaw muna kami."
" Ganun ba....o sige....mauna na kami at late na. Kayo rin..enjoy sa cosplaying sana mapili kayo at manalo."
" Salamat po...bye ate, kuya."
Habang naglalakad kami ni Theo ay sabay na lang kami na napahalakhak sa kapraningan namin.
.
.
.
Kinabukasan ay sinalubong na namin si Kiro sa Airport. Dala na namin ni Theo ang mga bagahe namin dahil tutuloy kaming tatlo sa T3 to Legazpi City Airport.Alas 8 ay dumating si Kiro at 11:30 ang flight namin. Sa T3 ay nakapagkuwentuhan pa kami ng matagal at doon na rin kami naglunch.
Nakarating kami ng Legazpi Airport ng 12:25 kung saan naghihintay na sa amin si Julius.
Agad itong yumakap at humalik sa akin. Five mos na kami ni Julius at masaya kami sa estado ng relasyon namin. May mga bagay na kaming pinag-uusapan sa future namin at ang pamilya naman niya ay walang tutol sa relasyon namin kahit na ako ay ulila at mag-isa sa buhay.Isang bagay lang ang di ko pa naririnig sa kanya ang pagpapakasal namin. Hindi pa niya ako inaalok na kasal which is naiintindihan ko naman. May kanya- kanya pa kaming obligasyon sa trabaho na kailangang gawin. Siguro darating din iyon hindi naman ako nagmamadali. 24 pa lang naman ako
.
.
.
Bisperas ng fiesta sa Barcelona ang aming pagdating. Nakausap ko na rin si Tita Deling na ready na ang bahay ko para sa muling bakasyon namin.
.
.
.
After 2 hrs narating namin ang bayan ng barcelona. Fiesta ang athmosphere dahil sa nagaganap na civic and military parade. Makukulay ang mga nakasabit na banderitas at ang makikita ang perya at mga rides sa park na nagmistulang amusement park.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...