Isinandal ni Theo ang ulo sa sandigan ng upuan....tumanaw sa labas ng bintana kung saan madilim na madilim. Naglalakbay ang tren sa gitna ng kapatagan kung saan mga palayan. Maaaninag maski papaano ang mga bahay o dampa na nakatayo mismo sa gitna ng palayan o mismong malapit sa riles. Makikitang ang iba ay may parol na nakasabit sa bintana man o pinto. Mabagal ang takbo kaya nakikita nila ang mga taong nakatira na ang iba ay nasa labas ng bahay nakaupo at ang iba ay pamilyang nasa harap ng siga marahil dahil sa malamig ang gabi at para na rin maliwanag ang paligid....kung saan ilang mga araw pa ay babalutin na ng dilim, kalungkutan at pighati ang pang-araw-araw nilang pamumuhay.
" Malapit na pala ang pasko sa panahong ito." Malungkot at mahinang bulong ni Theo sa hangin na narinig din ng kaibigan. Kaya napatingin na lang sila sa labas ng bintana ng tren.
Habang mabagal na naglalakbay ang tren ay unti-unti na ring natatahimik ang loob nito, bagamat may ilang gising ay tahimik namang naguusap-usap. Hindi makatulog ang magkaibigan pati ang ilang mga kasama nila. Ang mga bata naman ay tulog na. Ang ina ng sanggol na si Patricia ay kalong pa rin ang anak. Nakasandig ang ulo sa may bintana ng tren nakatanaw sa malayo sa labas.
Dahil sa hindi makatulog ay palihim na kinuha ni Theo ang cp nya sa bag at kinalikot. Isinuot ang headset sa tenga.
" Umm ito na lang xmas songs sa playlist!" Saka muli itong isinilid sa bulsa ng bag na yakap niya.
Pumikit at ninamnam ang musika na walang nakakahalata dahil may kadiliman ang loob ng tren.
Unang kanta....pangalawa at sa pangatlo ay hindi na napigilan ni Theo na sumabay sa kanta na nananatiling nakapikit.
Sana Ngayong Pasko
Pasko na naman
Ngunit wala ka pa
Hanggang kailan kaya akoy
Maghihintay saiyoHindi gaanong kalakasan ang boses ni Theo pero sapat at malinaw itong naririnig ng lahat na malapit sa kanya. Kaya napalingon at napatingin sa kanya.
Bakit ba naman
Kailangang lumisan pa
Tanging hangad ko lang
Ay makapiling kaNatigilan si Almira sa narinig na kanta ni Theo. Isang kanta sa panahon nila na hindi pa naririnig sa panahong iyon. Gusto niyang pigilan ang kaibigan pero naisip nito na kanta lamang iyon. Na kung pakikinggan ang lamyos ng melodiya at liriko ay tila akma pa din sa panahong iyon
Sana ngayong pasko
Ay maalala mo pa rin ako
Hinahanap-hanap pag-ibig moNatigilan ang iba, nagising at napatingin sa pinanggagalingan ng tinig dahil sa ganda ng boses nito.
At kahit wala ka na ay nangangarap at umaasa pa rin ako,muling makita ka,
At makasama ka
Sa araw ng paskoNakaramdam ng lungkot ang ilan habang pinakikinggan ang naturang awitin. Tumayo pa ang ilang bata,kabataan na nakaupo para makita lang ang pagawit ni Theo na nananati pa ring nakapikit.
Pasko na naman
Ngunit wala ka pa
Hanggang kailan kaya akoy
Maghihintay saiyo
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Fiksi SejarahCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...