Chapter - 62

4.2K 154 60
                                    

Hanggang sa narating ko muli ang lugar kung saan bumagsak ang katawan ni Heneral Sanzumaru matapos itong mabaril dahil sa pagligtas sa akin.

Muli na namang nanariwa sa akin ang alaala. Pumihit ako paharap sa munisipyo kung saan nasa likod ko ang kalsada. Hanggang sa may nagsalita sa likod ko mahina lang ito na halos bulong lamang pero parang bomba sa lakas ang sinabi ng tinig na iyon para kumabog ang aking dibdib.

" Naaalala mo ba kung anong nangyari kay Heneral Sanzumaru sa lugar na ito? At kung paano ka niya iniligtas?"

Pumihit akong paharap at nagulat ako sa taong nagsalita.

" IKAW?!"

" Ako nga." Nakangiting sagot ni Julius.

" Ano bang sinasabi mo?!"

" Biro lang....kapangalan mo kasi ang first love ni lolo na kursunada daw yata nung Heneral na hapones sa kuwento niya sa akin noon.

" Grabe ka naman! May asawa kaya si Sanzumaru at saka mabait talaga yun!"

" Hmmmm.....bakit parang ipinagtatanggol mo siya....saka kilala mo ba siya ng personal???" Nawindang na ako sa mga katanungan nito sa akin.

" Alam mo kasi kaya alam ko dahil naikuwento sa akin ni lola Socorro noh!"

" Ah....bakit ka nga pala narito?" Tanong nito ulit sa akin.

" Wala ka na dun noh!" Pagsusungit ko dito. Kaya tumalikod na ako. Ngunit biglang sumagi sa isip ko na kakailanganin pala siya ni Kiro kaya medyo pinakalma ko ang aking sarili, ngumiti at muling humarap sa kanya na naka cross arms at ngiti pa rin sa akin. Nakakainis pogi na nga pa cute pa!

" Hmmm....ikaw nga pala bakit ka narito?" Tanong ko sa kanya.

" Inaayos ko ang mga requirements na kakailanganin sa paglilibing sa bayan na ito ni lolo. Sabi naman ni Mayor sa araw ng libing ni lolo at hapon naman yun ay kung pupuwede daw dalhin na sa Simbahan ng Barcelona ang labi ni lolo para makita din ng mga mamamayan ito sa huling pagkakataon."

" Ganun ba....lika samahan na kita." Bigla akong humawak sa kamay niya at hinila. Natawa pa ako dahil sa pagkagulat nitong napatingin sa akin.

" Teka.....wala ka bang gagawin ngayon?"

" Nandito sina Kiro at Theo. May kailangan kasi kaming asikasuhin na importante, tinutulungan namin si kiro. Si Harold ayun kasama din namin."

" Anong bagay ba yun?"

Habang naglalakad ay ikinuwento ko ng pahapyaw ang iba, pero hindi ko pa sinasabing kailangan din siya ni Kiro sa project nito.

Nagtanong pa siya kung bakit may mga media. Kaya nadagdagan pa mga nalalaman niya. Pati ang pagdating ng isang apo ni Heneral Sanzumaru, at ang mga taong may partisipasyon sa pangyayaring ito kung saan malalaman na ng bansang Japan ang katotohanan sa buhay ng Heneral noong narito ito sa bansa.

" Kaya pala tinawagan ako ni Hepe na magreport sa station after ng appointment ko kay mayor! May mga bisita palang darating sa bayan!"

" Korek! Kaya nga may mga media para mag cover ng mga mangyayari today dito sa magiging takbo ng usapan sa pagbabalik ng labi ng Heneral sa kanyang bansa."

" Alam ko naman kung saan nakalibing ang hapones na iyon. Sinabi sa akin ni lolo noon pero ni minsan hindi ko iyon napuntahan. Siya daw kasi noon ang nanguna sa pagpapalibing sa mga gerilyang kasama niya na nasawi pati ang heneral na iyon." Sagot muli ni Julius. Hindi na ako dumagdag pa sa sinasabi niya dahil alam ko naman na kung saan naroon ang libingan.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon