Ikinasal kami ni Julius buwan ng December sa Barcelona Church. Karamihan ay halos mga kakilala at kamag-anak nina Julius. Tumayo namang kamag-anak ko ang pamilya ni Tita Deling. Ang apo ni Sanzumaru na nakatira sa Manila ay naging ninong namin pati ang mayor ng bayan. Abay namin si Theo, Kiro, Celine at mga kaibigan at pinsan ni Julius.
May mga bisita akong mga kaibigan din at katrabaho mula sa Manila na tumuloy sa resort na malapit sa mansyon nina Julius. Halos sagot lahat ni Julius na inamin niya sa akin na ibinilin iyon ng lolo niya na kung sakaling kami magkatuluyan ay siya ang bahala.
Halos maluha ako pati na din si Julius s wedding vow namin. Ang bestfriend ko ay iyak din ng iyak sa masayang kabanata ng buhay ko.
.
.
.
.
Nalungkot si Theo dahil sa nagresign na ako sa work. Kailangan siyempre kasama ko na ang asawa ko. Naintindihan naman niya ako at kahit kailan hindi ko talaga siya ipagpapalit kahit kanino. Siya ang karamay ko sa mga pinagdaanan ko sa buhay ko.
.
.
.
.
.
After 3 yrs" Babe dahan-dahan baka."
Pagpuna sa akin ni Julius habang nasa groceries kami. 2 yrs old na ang panganay namin na si Jumira At 3 mos pregnant na naman ako. Due ko ay mga first wk ng Nov. 2020.
Nagbitiw na sa pagkapulis si Julius at isang negosyo ng pamilya sa Sorsogon City at Legazpi City ang ipinahawak sa kanya. Nakatira kami sa bahay na ipinamana sa akin dahil gusto iyon ng asawa ko.
Si Theo ay masaya sa buhay niya sa Japan. Dalawang taon na siyang nurse doon at alam ko na nakahanap na rin siya ng magmamahal sa kanya at walang iba kundi si Kiro.
Buhay pa rin si Lola Socorro na sobrang aliw sa mga bata. Dalawa na rin ang anak ni Harold na isa ng Nurse sa isang malaking Hospital sa Sorsogon City. Grade 2 na si Tantan at si Celine ay sa Manila na din nagtatrabaho at balak din mag-abroad.
Wala na akong mahihiling sa buhay ko. Sana lang habang buhay ko silang kapiling.
Ang aking asawa naman ay labis ang pag-aalaga sa akin at sa anak namin. Hindi niya hinahayaang hindi siya kasama kapag kami ay nagpupunta ng simbahan ng Barcelona. Hindi daw niya kakayaning mabuhay kung sakaling mangyari ulit sa akin o sa amin ng anak ko ang nangyari sa amin ng bestfriend ko.
May mga pagkakataong lumuluwas kami ng Manila dahil may sarili din kaming bahay doon.
Ang pangyayari sa aking buhay na mapunta sa ibang panahon ay mahirap paniwalaan pero ito ay nagbigay sa akin ng isang magandang daan para makita ko at maranasan ang dinanas ng mga tao noong digmaan. Walang maidudulot na maganda sa tao ang digmaan, lahat ay talo at walang panalo.
Ang pangyayari kay Heneral Sanzumaru ay isang pangyayari sa nakaraan na pinaniwalaan ng tao sa kasalukuyan. Dahil kay lola Socorro, sa amin ay naitama namin ang maling iyon.
Isang bagay ang aking natutunan na hindi mo mababago o maitatama ang isang maling nakaraan na kung sakaking ikaw ay mabigyang pagkakataong maglakbay doon, ngunit sa kasalukuyan o hinaharap ay maaari mo itong mabago o maitama.
Ang oras at panahon ay tumatakbo, nagbabago ang lahat. Pero may isang bagay na hindi mababago nito....ang aral na matututunan natin sa pagdaan nito.
-----------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Ficción históricaCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...