" Humanda kayo kung kausapin kayo ng mga hapon! May checkpoint daw papasok ng sentro at may mga hapong sundalo at isang Pilipino ang nagsisilbing interpreter nila para mag-interoga sa mga pumapasok at lumalabas!" Paliwanag ni Mang Antonio sa mga kasama.
" Enebeyen frend....pang Ms. U ang peg may interpreter pa!"
" Bakit natatakot ka?!"
" Remember frend......watashitachi wa nihongo o bengkyō shimashita! ( Nag-aral tayo ng Japanese language!)." Sagot ni Theo sa kaibigan.
" E~Tsu! Nai Anata! ( Eh! di ikaw na!)" Sagot din ni Almira sa kaibigan.
Ilang minuto lang ay narating na nga nila ang sentro at bago makapasok ay nakita nilang may ilang nakapilang tao na kinakausap ng mga hapon katabi nito ang isang lalaki na nasa mga tatlumpo ang edad. Sa kabilang panig naman ay iniinpeksyon ang mga paragos, kalesa o sasakyan bago tuluyang makapasok.
Ang higit nakapagbigay pansin sa magkaibigang Almira at Theo ay yumuyuko muna ang mga tao sa harap ng mga hapones. Kapag mga matatanda naman ang kausap ay yumuyuko ang mga hapones.
" Hmmmm pagbigay galang ba yun ginagawa ng mga dyupanes sa mga lola at lolo?"
" Oo....magagalang naman daw talaga ang mga naunang dumating na mga sundalong hapones sa ating mga bansa lalo na sa matatanda." Sagot ni Almira sa kaibigan.
" Mukha nga frend....ngumingiti pa ang mga dyupanes na iba. Samantalang yang interpreter nila kung makaasta tignan mo akala niya General siya! Ang sarap tiyaniin ng buhok sa ilong!"
Unti-unting umabot sa unahan ng pila ang magkaibigan. Kampanteng sumagot si Mang Esteban,Mang Antonio Francisco. Nasa pila na rin ang iba nilang kasamahan sa likod ng ibang tao. Kinuha na rin nila ang kalesa matapos itong palagpasin sa checkpoint.
Nauna si Theo kay Almira. Kaya Tinanong siya ng isang hapones na matiim na nakatingin sa kanya.
" Anataharedesu ka?!Furusato no shōnendesu ka?! ( Sino ka?! Tagarito ka din ba sa bayang ito?!" Tanong ng sundalong hapones kay Theo. Lumapit bahagya ang interpreter.
" Hindi kita kailangan kuya! Kaya ko toh noh! Huwag kang umepal!" Tugon ni Theo sa may katabaang lalaki at bansot. Kumunot ang noo nito na tila may galit kay Theo.
" Magbigay galang ka sa kanila!" Tanging nasabi na lang ng lalaki kay Theo.
Humakbang paatras ng konti si Theo at Almira at yumuko bilang pagbibigay galang.
" Anata ni kon'nichiwa! ( Magandang hapon sa inyo!)" Pagbati ni Theo at Almira sa apat na hapon na naroon. Napangiti ng bahagya ang mga ito at nagpatuloy si Theo sa pagsasalita.
" Shinshi no heishi wa i. Watashitachiha dōryodeshita. Watasi wa Theodorro Mediavillo, kore wa watashi no tsuma Almira Mediavillo. ( Opo mga ginoong sundalo. Kasamahan po namin sila.) Sabay turo kina mang Esteban na hinihintay sila. ( Ako si Theodorro Mediavillo at ito naman ang aking kabiyak na si Almira Mediavillo.) Naubo naman sa pagkabigla si Almira sa sinabi ng kaibigan.
" Sugodeishu! Watashitachiha, anata ga Pilipino go watashitachi o benkyō shitaideshu! ( Kahanga-hanga! Gusto namin matutunan ninyo mga Pilipino ang wika namin!" Sagot ng nakangiting hapon.
" Hai! (Opo!)" Sagot ng magkaibigan na nakayuko pa rin.
" Anata to kekkon?! ( Mag-asawa kayo?!) Tanong ng isa pang hapon.
" Ay hindi! Tayo ang mag-asawa! Bingi lang kuya kasasabi ko lang ah!" Nabigla si Theo sa nasabi kaya kinurot siya sa tagiliran ng palihim ni Almira. Buti na lang hindi narinig ng interpreter ng hapones dahil may kausap ito.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Ficção HistóricaCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...