Chapter - 66

4.3K 158 5
                                    

Dumaan ang mga araw at nagpatuloy ang aming shoot ng naturang dokyu.

Ang kuweba na nagsilbing kanlungan ng mga tao noong panahon ng giyera ay amin muling narating. Malaki na ang ipinagbago ng lugar marami ng mga naninirahan sa lugar na dinaanan namin. Iyon ay dahil sa mga bago at maayos na kalsada patungo roon kaya madali na itong marating ng mga tao.

Sa kuweba at sa bahaging masukal pa ay doon kumuha ng mga eksena. Walang masyadong dialogue dahil ipinakita lang kung ano ang naging buhay ng mga tao doon pati ang Heneral kung saan kinupkop siya nina mang esteban.

Ang pagkuha ng eksena sa bundok kung saan ang mga gerilya ay kinunan sa isang baryo na lang na malapit sa bayan ng Bercelona. Isang lugar na mistulang kabundukan pa rin. May malapit na ilog at doon na rin kinunan ang pagliligtas namin kay Heneral Sanzumaru.

Bigay na bigay ang kaibigan ko sa akting niya, napaka natural ng kanyang ginawa na parang sa panahong kami ay nagtime travel.

Dumating din ang kaarawan ni Tita Deling ng Nov. 30 kaya nagmistulang fiesta dahil naghanda si Tita sa bahay niya at ang producer ay nagpadeliver pa ng ibat-ibang pagkain.

Ang mga eksena sa dagat na aming paglalakbay kung saan kasama ang Heneral ay nakunan na rin. Ang mga eksenang kasama kami ng Heneral sa bayan bago ito traydorin ni Satoshi ay nakunan na rin. Mga maiikling eksena na mahalaga sa dokyu. Napakabilis ng team nina kiro sa pag edit ng mga eksena. Yung eksenang lumilikas na kami at nasalubong namin si Clemencia bago dumating ang mga hapones sa bayan ay hindi ako makapaniwalang ang ganda ng kuha sa naging paglalakbay namin. Kung titignan mo ang kuhang eksena ay parang napakarami ng taong lumilikas. Kinunan ito sa isang lugar na lupa pa ang kalsada na hindi naman sobrang haba dahil sa unahang bahagi lang ay sementado na. Pero sa edited video ay nagmistilulang napakalayo na ng nilakbay ng mga tao.

Ang mga kuha sa loob ng munisipyo noon ay hindi na sa bagong munisipyo ngayon kinunan. Naghanap sila ng sinaunang bahay at ang loob nito ang ginawang parang munisipyo noon. 

Ang mga eksenang labanan ng mga gerilya at hapones ay hindi kami kasama. Pero sa huling eksena na gabi kukunan ay kasama na kami iyon ang gabing mamamatay na ang Heneral.

Limang araw na lang at Dec 7 na pero sabi ni Kiro ipapalabas daw ito sa Japan ay Dec 9 sabado ng gabi.

Ang huling gabi na kukunan ang mga eksenang labanan na ng mga gerilya at mga hapones ay parang bumalik ulit kami ni Theo sa nakaraan. Pumasok man kaming lahat sa lagusan na makabago na ang itsura ay palalabasin iyon luma at hindi maliwanag dahil sa teknolohiyang makabago nila sa pag gawa ng mga pelikula.

Nakakapagod ang gabing iyon na inabot na kami ng madaling araw sa dami ng eksena. Ibinigay namin lahat ng kakayahan namin sa pag arte lalo na sa parteng mamatay na si Sanzumaru. Kinausap ko ang direktor kasi walang dialogue ang Sanzumaru sa eksenang iyon basta lang nakahiga sa trak. Sabi ko parang hindi naman ganoon po nangyari. Sinabi ko na lang na sa kuwento ni lola base sa mga nakaligtas ay agaw buhay ang heneral habang kinakausap ng dalawang kaibigan niya. Madamdaming pamamaalam daw ang naganap. Sabi ko mas mabuting lagyan natin ng dramatic ang death scene niya which is sa katotohanan ay sobrang sakit sa dibdib namin ang nangyari ng malagutan ng hininga ang heneral. Gumawa ako ng maikling dialogue ng artistang sanzumaru na siya naman talagang sinabi nito noon. Prinaktis ng prinaktis niya kahit bulol na tagalog hanggang nakuha din. Ang sinabi ko noon ay siyang sinabi ko rin habang tuloy kami Theo sa pag iyak at umaandar ang trak.

Pinalakpakan kami ng direktor dahil sa magandang eksena na ginawa namin.

Sa harap ng Hacienda Honrado ay doon na ang peak ng mga barilan at pagsabog na eksena. Bigay na bigay din sa mga eksena ang mag asawang Harold at Liza. Pati ang mga extrang gerilya.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon