Nang naglalakad na ang lahat pabalik sa kanilang mga sinakyan ay biglang isang batang lalake ang humahangos ang dumating.
" Papayyyyy! Papayyyy! Si Mamay mangangaki na! Maguli ka na nguna!" Pagtawag nito sa ama na kapatid na panganay ni Maria.
Sa narinig ay nahinto din ang lahat sa paglalakad.
" Papayyyy wala sa bahay nila su nagpapaaki pinaduman ako ni lola!" ( papa wala sa bahay nila ang kumadrona, pinapunta ako ni lola doon!)
Tumakbo na ang kapatid ni Maria. Nagtanong naman si Almira.
" Ano daw po iyon mang esteban?"
" Manganganak na daw ang asawa ng kapatid ni Maria...kaso walang magpapaanak."
Nagkatinginan ang magkaibigan at nagkangitian. Sabay takbo sa kalesang sinakyan nila at kinuha ang emergency kit na dala nila. Saka humangos na nagpasama na sa tinitirhan ng kapatid ni maria. Nagsisunuran naman ang lahat sa magkaibigan.
Agad nag-utos si Almira sa mga naroon na magpainit ng tubig. Pinaalis ang mga taong naroon at nag-uusyoso. Tanging ang ina ng manganganak siya at si Theo ang nasa loob. Nalaman din nila na pang apat na ang ipapanganak nito kaya maaring hindi na sila mahirapang magpaanak dito. Nurse man silang dalawang magkaibigan ay kaya nilang magpaanak na ilang pagkakataon ay nakaranas na silang magpaanak kaya hindi na bago sa kanila ang magpaanak. Kulang man sa kagamitan at gamot ay kakayananin nila.
Agad kinapa ni Almira ang tiyan ng ginang. Pumutok na rin panubigan nito kaya anumang oras ay manganganak na ito base sa nakikita nilang kalagayan nito.
Ilang sandali lang ay lumabas na nga ang ulo ng bata at agad na itong pinagtulungan ng magkaibigan. Hanggang sa tuluyan ng nailuwal na maluwalhati ng naturang ginang ang isang sanggol na lalaki. Maayos na ginawa ng magkaibigan ang nararapat na gawin at ng malinis ang sanggol ay agad na itong itinabi sa medyo mahina pang ina na nakangiti ng hinawakan ang kanyang sanggol. Tuwang-tuwa ang lahat lalo na ang pamilya ni Maria sa tulong ng magkaibigan. Nangako pa ang ama ng naturang sanggol na magiging ninong at ninang ang magkaibigan na sinangayunan naman nila.
Binigyan din nila ang naturang ina ng payo ukol sa bagong panganak. Hindi din nila masabi sa mga ito ang mga pinagaralan nila sa future na mga dapat at mga paniniwalang alam nilang mali pero sa panahong iyon ay tama base na rin sa makalumang kaugalian pa rin.
Iniwan din nila ng gatas na pang sanggol ang ina nito.
" Tanggapin mo na iyan para malusog si baby......nabili pa namin iyan sa Maynila. Hindi nga kami nagkamali na may gagamit sa gatas na iyan. Alagaan mong mabuti ang anak mo." Tugon ni Almira sa ginang.
Sa pag-alis nila sa baryong iyon ay pinabaunan pa sila ng mga magulang ni Maria ng mga prutas na makukuha sa lugar na iyon.
Ala-una ng hapon ng muling nagpatuloy ang kanilang paglalakbay at pagkalipas ng tatlong Oras ay narating na nila ang Bayan ng bulusan.....muling naglakbay at magtatakip-silim na ng marating nila ang isang liblib na baryo kung saan naroon ang lupaing sinasaka ni Lolo Agusto.
Makikita sa lugar na iyon ang ilang mga nakatirik na mga kubo na marahil ay tahanan ng mga magsasakang tauhan ni Lolo Agusto. Sinalubong sila ng ilang mga taong naroon at tumuloy na sila sa lugar kung saan naroon ang bahay ni Lolo Agusto. Malaki ito at istilong bahay kubo. May dalawang palapag na anahaw ang bubong may malalaking bintana na tinutukod. Agad lumabas doon ang anak nito na doon din nakatira, mga bata na agad nagmano sa lolo nila. May bahay din sa kalayuan na makikitang may mga lumabas na nakatira. Agad namang tinawag ng mga ito ang pamilya ni mang esteban. Mga anak din at mga apo ni lolo augusto. May mga bata pa at mga dalaga at binata na rin. Agad nagyakapan ang magpipinsan na sabik makita ang isat-isa. Ang mga pamilya ng mga taong kasama ni mang esteban na lumikas ay agad naghanap ng lugar na maari nilang pahingahan sa lugar na iyon sa ilalim ng mga naglalakihang puno ng pili at iba pang puno. Sa di kalayuan ay makikita din ang niyugan. Ang ibang mga tao ay pinatuloy naman pansamantala ng mga taong naninirahan sa lugar. May mga kubol din na pahingahan sa lugar na napuwestuhan na rin ng mga tao sa dahilang sinabi ni lolo victorino na doon na muna sila magpapalipas ng gabi sa dahilang mapanganib at delikadong maglakbay sa gabi.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...