" Huwag kang mawawala mamaya sa tagpuan natin Almira. Ito ang pagkakataong hinihintay ko ng matagal para makausap ka sa mga bagay na kailangan mong malaman sa nakaraan. Ako ang karugtong ng isang nakaraan."
" Ano bang pinagsasabi mo??!" Gulat na tanong ko dito na hindi ko pinahalata sa mga naroon. Ngunit biglang may sinabi si Lola Socorro.
" Iho.....napakaganda mong lalaki.....mas guwapo ka pa sa lolo Julian mo at mas bagay kayo iha." Sabay tingin sa akin ni lola socorro. Grabeng kaba ko....anong ibig niyang sabihin at yung sinabi ni Julius....may alam ba silang dalawa sa nangyari sa amin ng bestfriend ko?!
" Bakit nyo naman po nasabi na mas bagay si Ms. Almira kay Mr. Julius kesa sa lolo niya lola?" Tanong ng isang press.
" Pasensya na iho....nagkamali lang ako. Kahawig kasi at kapangalan ni Almira ang babaeng napupusuan ni Señor Julian noon. Ang lungkot ng pangyayaring iyon ng gabing mamatay si Heneral Sanzumaru ay marahil napatay din si Ate Almira at kaibigan nito. Hindi na natagpuan ang bangkay nilang dalawa. Malaki ang ginampanang papel ni Ate Almira sa buhay ng Heneral dahil ito ang nagsalba sa buhay ng heneral sa pangalawang pagkakataon ngunit hindi na nito nakayanan ayon sa salaysay ng mga nakaligtas noon." Ang sagot ni lola sa press. Nakahinga ako ng maluwag dahil walang alam si lola.
Nagpatuloy ang press conference at naitanong na din kay Julius mga bagay tungkol sa lolo nito. Gusto ng media na may makausap na anak din ni Julian pero ito ay tinanggihan ni Julius. Hayaan na lang daw muna sila sa pagluluksa dahil hindi naman nila ipagdadamot mga bagay sa buhay ni Julian noon.
Matapos ang press con ay isa-isang nag-alisan na ang press. Muling nag-usap si Lola Socorro at ang apo ng Heneral. Ang grupo naman ni Kiro na naging abala sa pagkuha ng footages ay naging abala na din sa plano sa dokyu. Kumausap sila ng opisyal ng bayan na humihingi ng tulong para sa mga lugar na kukunan at mga taong kasali sa naturang palabas.
Kinausap si Kiro ng isang in charge para sa mga gaganap at sinabi dito na kasali kami ni Theo, Harold at pamilya nito na siyang mahalaga sa dokyu. Hindi pa pumayag si Julius na gumanap na Julian...pag iisipan pa daw niya ito. Nalaman din namin na nasa Sorsogon City na ang gaganap na Sanzumaru sa hotel na tinutuluyan nito.
Hapon na ng magpasya kaming umuwi....si Kiro ay sumama sa grupo nila pabalik ng Sorsogon City. Sa pagtungo namin ng parking ay naroon din si Julius pasakay na din sa kotse nito. Nang makasakay kami ng van ay tumunog ang cp ko...may txt ito na agad kong binasa....
" See you tonight babe! - Juls."
Huli na para itago ito kay Theo na katabi ko. Nabasa niya ito na agad nagsalita na agad kong pinatigil.
" Mamaya sasabihin ko pagdating sa bahay!"
.
.
.
Hindi na kami ng kaibigan ko tumuloy sa bahay ni lola socorro. Hapon na rin at nagpaalam kaming magpapahinga na muna. Kaya agad na akong inusisa ni Theo papasok pa lang ng pinto." Anong ibig sabihin ng txt na yun frend?! Si Julius yun noh!" Entrada agad nito pagkasalampak sa sofa. Tumuloy ako sa kitchen at hindi ko muna siya sinagot. Kumuha ako ng dalawang juice in can sa ref at ibinato ko kay Theo.
" My God! Hindi mo ako masagot! Kagabi lang kayo nagkausap babe na agad tawag sayo! Boyfriend mo na yun noh?! Malandi ka pa sa akin frend my God maglolo ang nahumaling sayo! Ang bangis naman talaga ng mala- lambat mong buhok sa haba!"
" Umayos ka ang bunganga mo parang pintuan na ng lagusan sa bayan na laging nakabukas na ngayon! May makarinig sayo! Hindi ko boyfriend yun! May saltik din yata! Naiinis nga ako eh!"
" Pakiyems ka pa diyan! Walang hihinding maging boyfriend ang taong yun noh! Bukod sa hot na guwapo pa at mayaman ang pamilya!"
" Umayos ka nga! Wala akong interes sa yaman nila. Ok na sa akin na guwapo at hot siya noh!" Sabay halakhak ko kaya pati ang baliw kong kaibigan humalakhak na parang nang-aasar.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Ficción históricaCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...