Nagising ako sa kinaumagahan dahil sa ingay ni Theo. Alas dos na natapos ang usapan naming tatlo nina kiro. Ang pagpupumilit niya sa aming lumabas sa gagawin niyang dokyu ay napagtagumpayan. Iyon ay dahil sa kaibigan kong tila nasabik sa sinabi ni Kiro.
Feeling artista na agad siya kagabi. Maraming itinanong kay kiro at nalaman namin na sa Japan mismo ay may ginagawa ng shoot ang ibang team. Iyon ang panahon kung saan bata pa si Heneral Sanzumaru.
Buhay ni Heneral mula pagkabata hanggang sa ito ay naging sundalo at Heneral. Lalong kinilig si Theo ng ipakita niya sa amin ang larawan ng gaganap na Heneral Sanzumaru. Isa daw itong sikat ding artista sa Japan.
Guwapo ang artista at sabi ni Kiro ay may lahi din daw itong Pilipino katulad ng Heneral. Nabigla ako dahil alam na ng Japan na may lahing Pilipino pala ang Heneral. Iyon ay dahil sa masusing research ng team nina kiro. May media na darating daw para din magcover sa pagkakatagpo sa naging libingan ng Heneral. Isang tv station na tutulong sa shoot nila. Partner dito sa Philippines kaya malamang maaring maipalabas din sa bansa.
Gusto daw ng Producer na bagamat dokyu ay magmistula itong parang movie. May narration, interview sa mga taong involve at ang pagsasadula nito.
Kaya sa huli ay umuo na kami. Hindi agad nakatulog si Theo na inaalala pa ang mga panahong kasama namin si Sanzumaru. Mga kuwentuhan naming tatlo at mga pangyayaring kasama namin ito. Ang mga bagay na iyon ay mahalaga sa pagsasadula ng katotohanan, pero hindi namin magagawa dahil....walang may alam na nakasama namin ito dahil sa time travel naming naranasan.
Kaya lahat na maaring maging laman ng ipapalabas na aabot daw ng 1 1/2 hours ay pawang base sa kuwento ni Lola Socorro na lang at ang naiwang diary ni Heneral Sanzumaru.
Gusto pa naman ni Kiro eksenang naganap sa huling labanan na buhay pa ito. Ang paglusob sa bayan na paglakbay sa dagat at yung lagusan ay napaka cinematic daw niyon base na rin sa kuwento ni lola na alam na alam naming magkaibigan ang lahat ng naganap kung alam lang nila.
Ang hirap....gusto na namin halos ikuwento ni Theo ang mga pangyayari kaya lang hindi maaari. Kung meron sanang nabubuhay pang gerilya o taong nakasama sa gabing iyon ay madali na lang. Pero mismong ang huling tao mismo na si Julian ay wala na rin.
" Frend bangon ka na....may breakfast na gumawa na ako."
" Ang aga mo namang gumising!"
" Ganyan talaga frend pag magiging artista na excited." Sabay tawa ni Theo na parang baliw na naglalakad-lakad sa kuwarto. May mga linya siyang sinasabi at humaharap sa salamin. Mga linya sa mga pelikula na nagviral kaya naiiling na lang ako.
Nag cr ako at sabay na kaming bumaba. Sa sala ay naroon si Kiro na abala na sa harap ng laptop niya. Binati ko at kumaway lang at ngumiti sa akin.
" Breakfast?" Alok ko dito. Ngunit later na lang daw dahil busy siya. Malamang mga taong pupunta sa bayan ngayon araw ang kinakausap niya sa net o maging sa cp. Alas sais pa lang at pupunta daw kami sa Mayor ng bayan para kausapin ito. Darating din ang apo ni Heneral Sanzumaru na sa Maynila na nakatira. Naka set na ang pagdating nito umaga mismo sa Legazpi City Airport. Then tuloy ng Sorsogon City.
May mga media na local at ang team nila from Japan ay darating din dahil kagabi lang daw ay nasa Manila na. Namangha ako kay kiro ganun kabilis ang disposisyon niya para sa trabahong ginagawa. Natapos na rin daw niyang basahin ang laman ng diary ng Heneral at labis siyang namangha at nahabag na rin sa pinagdaanan nito noon dito sa bansa.
Kakausapin ko din si Harold na kung maari ay samahan kami gamit ang van nila para sa gagawin namin sa araw na iyon. Sigurado namang papayag iyon dahil isa din si Harold sa mga nakita niyang maging artist sa shoot ng dokyu. Maging si Celine, Liza at Tantan ay isasama niya sa dokyu na sana daw pumayag. Si Julius ay kakausapin din daw niya para sa papel ni Julian. Nagulat ako ng sinabi ni Kiro na may nasulat si Heneral na pakiramdam niya ay pinagseselosan siya ni Julian dahil malapit sila ng babaeng kaibigan niya na napupusuan ng pinuno ng mga gerilya na si Julian. My God! Kinabahan ako mukhang balak ni kiro gawan ng eksena iyon. Naalala ko yung gabing iyon sa kuweba kung saan nagfriendly hug sa akin ang heneral at biglang sulpot ang nakasimangot na si Julian.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historická literaturaCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...