Chapter - 48

3.8K 131 46
                                    

Ang nakaraang chapter po ay walang kinalaman sa tunay na buhay ng sinuman. Kung may pagkakahawig man po ang mga pangyayari sa tunay na buhay ay hindi sinasadya.

Pawang kathang isip lamang ni author ang mga kaganapan bagamat ang mga inilahad kong pangyayari sa mga tauhan ay may hawig sa mga taong nakaranas ng mga kalupitan ng mga dayuhang mananakop noong pangalawang digmaan.

Sa chapter na ito ay bigyang pansin din po natin ng pansin ang isang karakter na si Maria. Si Maria ay sumisimbolo ng isang Pilipina na nabuhay noon na nakaranas ng kalupitan ng mga Hapones. Mananatili lang ba siyang isang babaeng tatanggapin ang lahat ng pangyayari sa kanyang buhay o ipaglalaban ang mga kaapihang dinanas ng mga mahal sa buhay sa kamay ng mga mananakop.
------------------------------------------------------
Maria's POV

Pauwi ako ngayon sa aming baryo. Mahigit isang buwan ng hindi ako nakakauwi sa amin matapos sumama ako sa bundok sa komunidad na itinayo ni lolo Agusto. Iniligtas namin si Heneral Sanzumaru na isang hapones na biktima ng katrayduran ng kanyang sarili mismong hukbo.

Nakita ko na siya dati ng unang pumunta siya ng bahay ni lola conchita kasama ang dalawa kong kaibigan na si Almira at Theodorro. Mga Nars sila at napakalaking tulong ang nagagawa nila sa mga tao.

Hindi ko nga akalain na marunong ng wika ng mga hapones ang dalawa kaya pala malapit sa kanila si Heneral Sanzumaru.

Sa ngayon ay kasama ko ang magkaibigan para daw madalaw din ang pamilya ko. Kasama din namin si Delfin na aking kababata at matagal ng nanliligaw sa akin. Ngunit hindi ko maturuan ang aking puso sapagkat isang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Tangap naman niya ito at handa siyang maghintay.

Lingid sa kanila ay may napupusuan  ako na sa kabila ng kanyang pagkatao ay nagugustuhan ko siya. Ewan ko....hindi ko masabi o maamin sa kung sinuman na napupusuan ko si Theodorro noong unang nakita ko pa lamang siya. Ngunit aking ikinabigla na isa pala siyang binabae.

Ngunit ang lahat ng iyon ay hindi naging kabawasan sa nararamdaman ko sa kanya. Paghanga lang ba o pagmamahal  ito. Nalilito ako sa nararamdaman ko lalo pa at ang katotohanang hindi niya ako magugustuhan.

Napakuwela niya at hindi siya natatakot o nahihiyang aminin na humahanga siya o naguguwapuhan sa mga nakililala niyang lalaki. Hindi naman lumalagpas doon si Theodorro, hanggang sa pagiging totoo lang talaga ang sinasabi niya kapag may natitipuhan siya. Samantalang ako ay nanatiling hindi maamin ang nararamdaman. Pero sapat na iyon muna sa akin lalo pa at nasa panahon kami ng digmaan.

Si Almira naman ay alam kong may pagtingin din kay julian bagamat hindi niya sinasabi ito at si julian ay gayundin. Pero pakiramdam ko pinipigilan lang ni Almira ang kanyang damdamin tulad ko. Napapansin ko rin na minsan ay may kakaiba silang pinag-uusapan ni Theodorro. Hindi ko na lang pinapansin at baka masabihan pa akong nakikinig sa mga usapan ng iba, lalo pa at ako ay hindi nila kauri....isa lamang akong kasambahay at hindi na nakapag-aral sa kolehiyo.

Habang naglalakad kami ay humiwalay na sa amin ang grupo nina Julian na pabalik sa kuta ng mga gerilya. Kami naman ay patuloy na naglakad. Nahuhuli si Almira, Theo at Sanzumaru na naguusap sa wika ng mga Hapones. Katabi ko namang naglalakad si Delfin na bitbit ang aking tampipi dahil siya na daw magdadala. Nasa unahan namin ilang kalalakihan at kababaihan. Ang iba sa kanila ay tagaroon din sa baryo namin. Ang iba ay pinasama lang sa amin ni lolo agusto at mang esteban.

Payapa naman ang aming paglalakbay na alam kong makakarating kami sa baryo ng matiwasay.

Nasa lugar na kami kung saan dumarami na ang mga punong niyog ng makarinig kami ng mga putok ng baril at sigawan. Naisip ko agad ang pamilya ko at agad akong nagtatakbo. Sumunod naman ang lahat sa akin at nakita naming nagkakagulo, may mga binabaril, sinasaksak ng bayoneta, binubugbog ang mga hapones. Nagtatakbuhan ang lahat, bata, matanda babae at lalaki lahat nagsisigawan at takot na takot. Nagtago kami sa mga punong kahoy at batuhan.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon