Chapter - 13

7.4K 205 55
                                    

Agad narating nina mang esteban ang lugar kung saan nakahimpil ang isang mini-bus at halos mapuno na ito ng pasahero. Agad silang tumakbo at pinapasok ni mang esteban sa loob si aling trinidad, lucio at socorro. Sumampa agad sa bubong si Francisco at agad hindi na nag-atubi ang magkaibigang Almira at Theo. Maging sila ay sa bubong na sumakay katulad ng ibang pasahero. Lahat ng gamit nila ay sa bubong na nila inilagay at ilang saglit lang ay nagmadali na ring sumampa sa bubong si mang esteban.

Naging mabilis ang pag-alis ng naturang sasakyan dahil sa panaka-nakay nakikita nila ang mga sunod-sunod na pagpapakita ng mga eroplanong pandigma ng mga hapon. Kaya karamihan ay nangangamba bagamat wala pang mga sundalong hapon na makikita sa kalupaan.

" Mang Esteban....sa Sorsogon po ba ay hindi delikado doon?" Tanong ni Almira.

" Walang kasiguruhan iha....ang bayan namin ay malapit sa dagat...ayon sa balitang narinig natin kanina lamang ay dumaong na ang mga hukbong hapon sa mga baybaying lalawigan sa norte ng luzon. Kaya nangangamba ako na baka sa pagdating natin sa Barcelona ay sakop na ito ng hapon."

" BARCELONA?!!" Sabay na tanong ng magkaibigan na napalakas pa ang boses.

" Oo Barcelona ....nakapunta na ba kayo doon iho...iha?"

" Ay hindi pa po...ito po ang first time namin kung sakali."

" Ah....unang pagkakataon nyo pa lang pala....maganda doon kaya nangangamba ako na masira iyon ng mga hapon dahil sa giyera."

Nagkatinginan na lang ang magkaibigan ng makahulugan. Kaya nagtanong na lang muli si Theo.

" Ano po ba ang alam ninyong mga bagay na ikinakatakot sa giyerang ito tungkol sa pananakop ng hapon?"

Huminga ng malalim si Mang Esteban habang nakatingin sa kawalan at ninanamnam ang tama ng malamig na hangin sa kanyang mukha dulot ng pagsakay sa bubong ng sasakyan.

" Sa ngayon hindi ko alam kung anong gusto ng mga hapon kung bakit nila tayo sinasakop. Ang pagkalaalam ko ayon sa mga balita ay hindi sila magkasundo ng Amerika. Bagamat may sarili tayong gobyerno ay makikita nyo naman ang malaking impluwensiya ng amerkano sa ating pamahalaan at pamumuhay. Kaya marahil gusto tayong sakupin nila sa dahilang gusto nilang ipakita sa amerika na malakas sila."

" Marahil ganun na nga po....kung sino ang mas powerfull ay siyang mangingibabaw....ang saklap lang damay tayo." Tugon ni Theo.

" Nangangamba ako katulad ng pangamba ng lahat ng tao sa maaring gawin ng mga hapon sa atin katulad ng ginawa nila sa Nanjing isang probinsiya sa Tsina nitong mga nakaraang mga taon."

" Ano po bang nangyari doon?"

" Sinakop nila ang Nanjing Tsina sa madugong paraan noong mga Disyembre 1937-1938. Maraming pinatay na mga mamamayan at mga sundalo doon. Ginahasa ang mga kababaihan, pinatay ang mga matatanda,mga kalalakihan at mga bata. Malupit sila ayon sa balita ay halos daang libong katao ang namatay sa lugar na iyon."

" Dioskuupuuu huwag sanang mangyari iyon sa atin! Nakakatakot!"

" Nakakatakot nga ang mga bagay na iyon iha...wala tayong laban sa hapon...wala ding kasiguruhan kung hanggang saan tayo maaring ipagtanggol ng mga sundalo natin at kung tutulungan ba tayo ng mga amerikano. Malakas ang puwersa ng hapon at malupit ang mga balitang nabuo sa kanila nitong nakaraang mga taon."

" Ang importante po sa ngayon mang esteban ay maging handa tayo...tulad po ng sinabi ko kay Patricia ay ganun din ang ating gawin pagdating natin sa bayan ninyo."

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon