" Papay......nakarating na dito ang mga sundalong hapon. Pero wala naman po silang ginagawa na hindi maganda sa mga tao. Nag-iikot sila sa buong bayan at nagmamartsa. Binomba po nila ang kampo ng mga sundalo sa centro ng Sorsogon at usap-usapan na maraming namatay na sundalong Pilipino. Sa munisipyo ay iwinawagayway nila ang bandilang hapon. Walang magawa ang alkalde at ang balita ko ay gusto ng mga hapon na magsilbi sa kanila ang alkalde para sa pagpapatupad ng kanilang bagong batas ng mga hapon na ipapatupad sa ating bansa. Ayaw ng alkade kaya si Don Honrado at ang mga kaibigan nitong mga hapon na ang kinakausap ng parang tinyente ng mga hapon."
" Hindi nga ako nagkamali! Magiging traydor sa mga Pilipino yang si Don Honrado!" Ang wika ni Mang Antonio. Nagulat naman sa narinig sa pagbabasa ng sulat ang magkaibigan
" Oh Nooo! Frend ang papa Julian ko!"
" Kilala nyo si Julian?!" Usisa ni Mang Antonio.
" Opo....nakilala po namin siya sa sinakyan namin papunta dito galing Legazpi." Tugon ni Almira.
" Mabait na bata iyon, maprinsipyo tulad ng kanyang ama, ngunit namatay sa isang sakit noong mga nakaraang taon. May tatlo pa siyang kapatid nasa ibang bansa ang isa, yung dalawa nasa Maynila. Isa sila sa maykaya sa bayang ito pero hindi nakikialam sa pulitikal na usapin ng bayan."
" Mang Antonio.....ano pong gagawin natin....kung totoo po ang balitang iyon na nambomba nga ang hapon sa kampo ng mga sundalo.....ano po ang gagawin ng otoridad sa ngayon?"
" Hindi ko alam iha....sa palagay ko nagpaplano din ang mga otoridad sa ginawang ito ng mga hapon. Sana lang ligtas si Julian kung sakaling naroon na siya sa kampong iyon. Maari ding wala na siya doon o ang mga kasamahan pa niya kung sa mga oras na ito ay inokupa na ito ng mga hapones."
Hindi kumibo si Almira napatingin siya kay Theo na kinakabahan din sa narinig.
" Sa ngayon ay ang pananatili na muna dito ang inyong isipin at pagkaabalahan. Nalalaman din naman natin ang nagaganap sa bayan kaya ipanatag ninyo ang inyong kalooban." Pakiusap ni lolo Agusto sa mga taong naroon.
Muling bumalik ang lahat sa kanilang mga ginagawa. Tinungo naman ng magkaibigan ang kubol na nakalaan sa kanila.
" Frend......anong gagawin natin? Si Papa Julian maari siyang naroon sa pambobombang iyon!"
" Kung isa siya sa mga namatay....wala naman tayong magagawa na eh....nangyari na."
" My God! Ano ba yang sinasabi mo?! Hindi ka nag-aalala sa nangyari?!"
" Teka nga Theodorro! Ano bang ibig mong sabihin, na maglupasay ako sa iyak malungkot sa nangyari?! Kakikilala ko pa lang ng tao....kung magsalita ka parang sinasabi mo may feelings agad ako dun sa tao!"
" Hindi ganun frend.....gusto kong sabihin kung nagaalala ka man lang ba!"
" Sinong hindi mag-aalala sa bagay na iyon?! Kung totoong nangyari iyon at may mga namatay hindi biro iyon. Pero anong gagawin ko natin....wala...wala tayong magagawa pa sa oras na ito. Kararating lang natin dito. Ni Hindi nga din natin alam kung ano mangyayari sa atin dito o sa mga taong narito!"
" Tama ka pero paano pag hindi na lang mga kampo ang bombahin nila at kung papatay na ng mga Pilipino ang mga hapones?!"
" Darating talaga ang panahong maguumpisa ng mang-abuso ng mga sibilyang Pilipino ang mga sundalong hapon. Pero sa pagkakaalam ko ang panahon ng pagdating nila ay wala pang pang-aabusong ginawa sila....siguro sa ibang lugar ay may nangyaring ganun. Mga sundalong Amerikano at Pilipino lang ang kanilang kinakalaban kapag ang mga ito ay lumaban sa kanila at hindi nagpakita ng pagsuko. Pero itong ginawa nilang pananakop ay maituturing na katrayduran. Kaya mahirap magtiwala sa mga darating na araw."
.
.
.
Sa pagdaan ng mga araw ay naging payapa ang buhay ng mga taong lumikas sa kabundukan. Ang magkaibigang Almira at Theo ay unti-unti na ring nakasanayan ang araw-araw na pamumuhay nila doon. Ang kanilang pagiging mga Nars ang naging napakalaking tulong sa mga taong kasama nila kapag nagkakaroon ng karamdaman. Malayo sa kabayanan ay ang mensaheng nanggagaling sa labas sa pamamagitan ng kalapati ay kanilang natatanggap. Nalalaman nila ang nangyayari sa pinanggalingang bayan kaya kahit malayo man ay nangangamba pa rin dahil sa mga kaibigan,kaanak na nandoon pa rin at nagpaiwan sa bayan.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Fiction HistoriqueCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...