Chapter - 42

4.8K 132 8
                                    

Dumaan ang ilang araw at may inihatid na balita si Hugo kay Sanzumaru. May kasama itong isang babae at sinasabi nito sa bayan ng Casiguran ay nakita daw doon si Almira at Theo. Kaya bago matapos ang araw ay nagpasya si Sanzumaru na puntahan ang nasabing lugar kung saan nakita ang magkaibigan.

Agad sinabihan nito ang kanyang pinagkakatiwalaang tauhan na kasa-kasama kapag may lakad. Sakay ng sasakyan kasama ang lima pang hapones na sundalo ay tinungo nila ang naturang bayan bago matapos ang araw.

Nang araw ding iyon ay nakarating na sa kuta nina Julian ang isang lalaking kaanib nila na trabahador sa Hacienda Honrado.

Agad nitong hinanap at kinausap si Julian at mga kasamahan nito. Iniulat nito ang mga nagaganap sa bayan lalo na ang mga ginagawa ng mag-amang Honrado.

Labis na ikinagimbal ni Julian at ng kanyang mga kasama ay ang sinabi nitong pagmamalabis ng mag-amang Honrado at si Satoshi kasama ang ilang mga sundalong hapones.

" Sukdulan talaga sa kasamaan ang Don Honrado na iyan! Kinukunsinti niya ang kademonyohan ni Satoshi at mga sundalong nasa hacienda nakatalaga! Yung tatlong dalagita na ginahasa at pinatay ay galing iyon sa isang isla na pinuntahan ng mga hapones! Ginahasa nila sa garrison nila sa Hacienda at pinatay saka itinapon sa dagat ngunit natagpuan pa rin sa pampang. Hindi talaga papayagan ng diyos na maitago nila ang kahayupan nila!"

" Sinong pamilya ng mga bata iyon?!" Matiim na tanong ni Mang Esteban.

" Wala pong kumuha sa bangkay ng tatlong dalagita. Balita ay pinatay ang pamilya nila at yung iba ay sa takot tumakas kung saan. Ipinalibing na lang mga taong nakakita sa bangkay." Muling sagot ng lalaking kasamahan ng kilusan na trabahador sa hacienda.

" Bakit may mga balitang mabuting Heneral daw yung Sanzumaru! Kung may mga nangyayaring karumaldumal na gawain ang mga hapones?!" Galit na tanong ni Julian.

" Sa ngayon.....maayos sa bayan....walang nangyayaring hindi kanais-nais. Pero sa hacienda sa kampo.....may kademonyohang ginagawa ang ilang hapones!"

" Anong ibig mong sabihin?!"

" May mga gabing nagdaan na may dinalang mga babae doon ang mga hapones! Mga edad katorse pataas. Hindi ko kilala ang mga bata pero sa tingin ko mga tagadito din sa Barcelona o kalapit bayan! Ginahasa sila ng mga hapon....hindi kaya ng konsensya ko na makakita at makarinig ng mga iyak at pagmamakaawa ng mga bata. Halos pinilahan sila ng mga hapones ng mga sumunod na mga araw o gabi man! Demonyo sila Julian demonyo lalo na ang mag-amang Honrado dahil alam nilang may nangyayaring ganun sa Hacienda. Ang masaklap pa yung mga hinang-hina na at di nakayanan dahil binubugbog at hindi sila pinapakain ay namamatay na lang o tuluyang pinapatay ng mga Hapones na sundalo! Nakita ko pa kung saang parte ng lupain sa Hacienda inililibing ang mga napatay. Sa ngayon sa tingin ko mga lima ang inilibing nila doon! Wala kaming magawa dahik pati kami at ang mga pamilya naman namin ang kanilang pagdiskitahan!"

Napatayo si Julian at sumigaw. Bakas ang poot sa mukha nito at hawak ang isang balisong ay iniitsa niya ito sa isang puno sa galit. Maging ang mga kasamahan niya ay labis ang poot na nararamdaman sa mga kalaban at sa kapwa Pilipinong mag amang Honrado at ilang mga taong sumusuporta dito at sa mga hapones.

" Kailangan maghanda na talaga tayo sa paglusob sa garrison sa bayan at sa hacienda! Ang ibang gerilyang kilusan na nasa ibang bayan ay ating kailangan na ring makausap sa mga bagay na ito dahil hindi na maganda ang nangyayari! Gawain na ito ng mga demonyo!"

" Isa pang balita ko julian ay pinag-uusapan ng mag-amang Honrado na hindi sila makakapayag na makabalik kayong mga kilala sa bayan. Hindi nila alam na buhay ka at ang pamilya ng dating alkalde ay kanilang hinahanap pati ang mga pamilyang malapit sa inyo at sa dating alkalde! May sinabi na may plano si Clemencia para tuluyan ng ang pamilya nila ang kilalanin at magmayari ng mga bagay na iniwan ng mga kilalang pamilya. Pero hindi pa sila makagalaw dahil gusto nila mapatay at mawala ang mga pamilyang kumalaban sa kanila!"

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon