SPECIAL CHAPTER - Dagdag Kaalaman

8.1K 219 158
                                    

Ang special chapter na ito ay para po sa inyong lahat na nagmahal at tumangkilik sa kuwentong ito. Maraming salamat lalo na sa mga estudyanteng nag-aaral ng history. Masaya ako na may natutunan kayo sa pagbabasa nito. Tandaan po natin na kailanman ang nakaraan ay nakaraan na. Hindi na ito mababago. Pero ang aral nito ay ating tatandaan, ang mga mali sa nakaraan ay nangyari na, kaya nga may kasalukuyan at hinaharap para ito ay ating pagnilay-nilayan para hindi na ulit maulit ang masamang dulot nito sa atin.
============================

Sa halos mahigit tatlong taon ng ang mga Hapones ay narito sa bansang Pilipinas ay hindi talaga nila lubusang nasakop ang buong kapuluan dahil sa mga gerilya sa iba-ibang panig ng kapuluan.

Naging agresibo ang mga opensiba ng mga gerilya matapos sumuko ang mga sundalong Amerkano at Pilipino sa mga Hapones.

Naitatag ang mga pahayagang gerilya.

Sa 48 na lalawigan noon ay 12 lamang na lalawigan ang kanilang nasakop

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa 48 na lalawigan noon ay 12 lamang na lalawigan ang kanilang nasakop.

Sa panahong sakop tayo ng mga hapon ay pinilit pa ring mamuhay ng normal ng mga Pilipino bagamat may banta ng panganib sa kanilang buhay. Nagsagawa sila ng mga propaganda na makakabuti sa mga Pilipino at negatibong propaganda sa mga Amerikano. Hindi naman napagtagumpayan iyon ng mga hapones dahil masama ang tingin sa kanila ng mga Pilipino sa ginawa nilang pananakop sa bansa.

Sa panahong iyon ay lumalaganap na ang kahirapan sa ilang bahagi ng kapuluan dahil sa pagtigil ng mga manggagawa at magsasaka sa pagtatrabaho sa takot na maging biktima ng mga hapones sa kanilang kalupitan.

Pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin dahil sa kakulangan ng suplay ng mga pangunahing pangangailangan. Sa madaling salita laganap ang kahirapan at kagutuman.

Bagamat sakop tayo ng mga hapon ay may mga bagay na maganda namang naidulot ito sa mga Pilipino tulad ng....

Sa loob ng tatlong taong pananatili ng mga hapones sa bansa ang ating pamahalaan ay tinawag na govt in-exile dahil ang pangulong si Manuel L

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa loob ng tatlong taong pananatili ng mga hapones sa bansa ang ating pamahalaan ay tinawag na govt in-exile dahil ang pangulong si Manuel L. Quezon ay nasa Amerika. Doon niya pinagpaplanuhan ang pagpapalaya sa mga Pilipino sa tulong ng pamahalaan ng Amerika.

Ngunit ang pagpapalaya sa mga Pilipino ay hindi na nasilayan ng Pangulong Manuel L. Quezon sa dahilang pumanaw siya sa Amerika noong August 1, 1944 sa Saranac Lake, New York, United States sa edad na 65. Ipinanganak siya noong August 19, 1878 sa probinsiya ng Baler Aurora.

Nagtagal ang pananakop ng hapon ng ilang taon sa Pilipinas kung saan ang buong bansa ay balot ng pighati, pagdurusa, pait at sakit na dulot ng digmaan.

Oktubre 1944 ng muling magsimula ang digmaang pagpapalaya sa mga Pilipino sa kamay ng mga mapang-aping mananakop na Hapon. Dumaong sa Tangway Leyte si General Douglas Mc Arthur kasama ang kanyang hukbo para sa pangakong pagbabalik at pagpapalaya sa mga Pilipino. Sa mga panahong yaon ay humihina na ang puwersang hapon sa kadahilanang ang mga hindi naging POWs ay nanatili sa mga bundok at sumapi sa mga grupong may layunin din mapalaya ang mga Pilipino at isa na doon ang mga Gerilya.

Sa panahong iyon ay ay mas lalong naging malupit ang mga hapones lalo na sa Maynila. Suicidal na ang paraan ng kanilang pakikipaglaban kaya maraming sibilyan ang namatay. Nagkalat ang mga bangkay sa kalsada, nasunog ang halos buong kamaynilaan. Ang Maynila ay itinuring na pangalawa sa most devastated city during world war two. Una dito ang Warsaw, Poland na sinakop ng Germany sa panahon ni Adolf Hitler.

Sa pinagsanib na pagtutulungan ng mga pilipino amerikanong sundalo at mga gerilya at iba pang hukbo ay tuluyang napalaya ang mga Pilipino sa kamay ng mga Hapones noong 1945.

Sa panahong iyon ay naiwan sa mga Pilipino ang tanawing kalunos lunos na dulot ng digmaan. Mga gibang gusali, mga sirang bahay at libo- libong taong namatay. Naiwan ang pighating dulot ng digmaan ng dalawang bansang hapon at amerikano na pilipino ang lubos na nakaranas ng dusa. Mga pamilyang nagkawalay at hindi na nabuo pa. Mga ama at ina na hindi na nayakap ang kanilang mga mahal sa buhay, mga batang nawalan ng pamilyang gagabay sa kanila at higit sa lahat ang mga hindi na nasilayan pa ang kalayaan pagkatapos ng digmaan.

Sumuko ang bansang Japan sa Amerika matapos bombahin ang Hiroshima at Nagasaki sa Japan noong August 06, 1945.

Tunay ngang walang dulot na maganda ang digmaan sa bawat panig. Lahat magdurusa sa magiging kalalabasan nito sa huli.

Sa kasalukuyan......ang dating bansang sumakop sa ating bansa ay isang bansang matatag ang ekonomiya noon pa man at hanggang ngayon, isang bansang walang pag-aalinlangang tumutulong sa ating bansa kapag tayo ay nakakaranas ng mga kalamidad. Isang bansa na bukas para sa mga Pilipinong nais magtrabaho at manirahan sa kanilang bansa, isang bansa na malaki ang paggalang sa ating kultura at tradisyon.

Tunay ngang ang kaaway ay maaring maging kaibigan at ang kaibigan ay maaring maging kaaway.

Lahat sa mundo ay nagbabago.....ang kasalukuyang nangyayari sa ating buhay ay maaring magbago para sa hinaharap. Maari ding magbago ang ating kasalukuyan dahil sa nakaraang may kinalaman sa ating buhay....ngunit ang nakaraan kahit kailan ay hindi na maaring baguhin, magsisilbi na lamang itong isang kaganapan na makapagbibigay sa atin ng aral sa kasalukuyan para sa hinaharap.
============================

092617

xristianbryan25

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon