Matapos lumikas ni Pangulong Manuel L. Quezon at kanyang Gabinite patungong Amerika at pati na rin si Heneral Douglas Mc Arthur. Iniwan niya kay Heneral Jonathan Wainright ang pamamahala sa natitirang mga hukbong Pilipino at Amerikano na patuloy na nakikipaglaban sa mga hukbong hapones.
Sa isla ng corregidor ay patuloy na binobomba ito ng mga hapones dahil ito ang huling puwersa ng tanggulan ng bansa na umatras mula sa Maynila at Bataan.
Ang ibang nakasama sa death march ay dinala sa concentration camp sa Capaz Tarlac. Halos umabot ng sampung libong sundalo ang namatay sa death march. Karamihan sa kanila ay mga sugatan, may mga sakit at sa gutom at pagkauhaw namatay. Ang iba naman ay pinatay na lamang sa daan ng mga hapones na sundalo. Tanging mga mamamayan o mga sibilyan ang nagbibigay ng pagkain at inumin sa mga bayang nadadaanan ng mga sundalo. Ngunit hindi naging sapat iyon.
May 6, 1942 ay tuluyan ng sumuko ang mga hukbong natitira ng bansa sa Isla ng Corregidor. Tinawag itong THE FALL OF CORREGIDOR. Iyon ang naging simula ng tuluyang pananakop na ng mga Hapones sa Pilipinas kung saan ang itatayo nilang pamahalaan ang magiging bagong gobyerno ng bansa.
------------------------------------------------------" Bilis malapit na tayo! Buti na lang may buwan at natatandaan ko itong lugar." Ang banggit ng nangungunang si mang esteban sa kasama niyang dalawang lalaki. Ang dalawa ay may hawak na sulo na makikitang naglalakad sa gitna ng kakahuyan.
Ilang lakaran pa at natanaw na ni Mang Esteban ang kubo sa kabilang ibayo ng ilog. Tumawid sila sa mga batong malalapad at agad na silang nakita ni Delfin na agad lumabas sa pinagkublihan nito.
" Delfin nasaan na sila, yung Heneral na hapones kumusta ang lagay?!" Usisa ni Mang Esteban habang papalapit sila sa kubo.
" Nasa loob po sila. Hindi ko masabi kung maayos ang lagay niya. Hindi pa rin siya gumigising pero inaapoy siya ng lagnat kaya ginagawa lahat ni Almira at Theo ang magagawa nila."
Mula sa loob ay sumilip sa siwang ng pinto si Maria. Nakahinga ito ng maluwag at binuksan na niya ang pinto at pinasunod ang magkaibigan. Muli namang inilawan ni Theo ang gasera ng dala niyang posporo.
" Kuya! Tiyo!" Ang bungad agad ni Maria sa dalawang lalaki na kanyang panganay na kapatid at tiyuhin.
" Maria! Maayos lang ba ang lagay mo?!" Bungad ng kapatid ni Maria na si Abel.
" Maayos lang ako kuya! Pabalik na sana ako sa atin. Si Papay ano na ang lagay niya?!"
" Huwag ka nang mag-alala dahil maayos na si Papay. Nag-alala nga siya sayo kaya pinasama kami ni tiyo kay Tiyo Esteban."
" Alam ninyo kung sinong narito pang iba kuya.?!"
" Oo...sinabi ni Tiyo Esteban kay papay ang nangyari sa Heneral na may hawak sa bayan natin. Naroon itong si Tiyo sa bahay ng dumating si Tiyo Esteban." Tugon ni Abel sa kapatid. Sumagot naman ang tiyuhin nila.
" Maria....wala na ang pinsan mong si Alicia. Kasama itong napatay sa engkuwentro ng mga hapon at gerilya. Usap-usapan na nasa sasakyang ng Heneral na si Sanzumaru ang ate alicia mo dahil pupuntahan daw nito ang kaibigan ng heneral na tagapagsalin ng wika nila sa bayan ng Casiguran. Pero nagkaroon ng engkuwentro."
" Ano ho?! Bakit sangkot dito si Ate Alicia sa nangyari sa Heneral?!"
" Pinagtrabahong sapilitan sa hacienda Honrado ang ate mo at ilang kababaihan. Ayon sa mga taong nakasaksi. Si Clemencia ang kumaladkad kay Alicia kaninang umaga at isinama ito nung Hugo daw ang pangalan."
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...