Chapter - 22

6.4K 189 31
                                    

Ngunit wala pa mang isang oras silang naglalakbay ay muling narinig ang mga ugong ng eroplano na paparating. Agad kumubli ang lahat sa mga gilid ng naglalakihang puno ng mga Pili para hindi sila makita ng mga nasa itaas kung sakaling dumungaw ang mga ito. Batid nilang eroplano ng hapon ang mga nakita nilang eroplano dahil sa tunog nito at ang bandila na makikita sa gilid nito na makikita kahit nasa baba ka.......hindi karamihan ang dumaang eroplano sa taas ng mga pinagkublihan nilang mga puno....at ng mawala na ang mga ito sa kanilang paningin ay nakarinig sila ng mga tila bomba kahit hindi ito kalakasan sa pandinig ng lahat mula sa kalayuan na sumabog. Natigilan ang lahat......at may mga kalalakihang umakyat sa mga matataas na puno para makita ang nasa kapatagang bahagi ng lugar. Ngunit nakita nila ay usok na lang na maitim na nanggagaling sa di nila matantiyang lugar kung saang bahagi ito.

Dahil sa nakita ay agad bumaba ang mga umakyat at ibinalita sa mga tao ang kanilang nasaksihan, kaya muling ipinagpatuloy ng lahat ang paglalakbay. Naging mabilis na ang pagkilos ng lahat dahil sa pangamba, pag-aalala sa nangyayari, at higit sa lahat pag-aalala sa mga mahal sa buhay na hindi nila nakasama.

Makalipas ang halos apat na oras ay narating na nila ang naturang lugar na sinasabi ni Lolo Agusto mas masusukal na ang kagubatan at mas matataas ang mga puno at mayayabong.

Makalipas ang halos apat na oras ay narating na nila ang naturang lugar na sinasabi ni Lolo Agusto mas masusukal na ang kagubatan at mas matataas ang mga puno at mayayabong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Nandito na tayo!" Sigaw ni Lolo Agusto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Nandito na tayo!" Sigaw ni Lolo Agusto. May mga tao na ding sumalubong sa kanila na doon na naninirahan sa lugar. Tinulungan ng mga ito ang mga dumating na hapong-hapo na sa paglalakbay. May kataasan na ang lupang tinatahak ng lahat kaya nahihirapan na rin ang mga paragos na umuusad. Tulong-tulong ang lahat hanggang sa bumungad na sa kanila ang isang munting komunidad sa gitna liblib na bahaging iyon ng kagubatan sa ilalim ng naglalakihang puno. Maliliit lamang ang mga bahay kubo na naroon na hindi agad mapapansin ng mga tao sa sa dahilang mayayabong ang mga halamang nakapalibot sa mga ito.

Nagpahinga ang lahat ng ilang saglit at nagsimulang mananghalian na nagbibigayan pa rin kung ano ang meron sa kanila.

" May bukal dito na mapagkukuhanan ng maiinom na tubig, malinis at malamig. Makikita nyo din ang isang talon at maari kayong magtampisaw hanggang gusto ninyo! Sumunod sa akin ang gustong makita ang lugar na iyon!" Sigaw ng isang anak ni lolo Agusto na doon naninirahan. Agad na tumayo ang ilang kalalakihan at sumunod na din ang magkaibigang Almira at Theo.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon