Chapter - 39

4.5K 141 46
                                    

Muli ko pong ipinaaalala sa lahat ng readers na ang lahat ng tauhan, mga pangyayari sa kanilang buhay ay pawang kathang isip ko lamang. Maging ang ilang lugar sa kuwentong ito ay kathang isip ko lamang.

Bagamat ang ilan ay may katotohanan sa mga lugar at mga pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas sa istoryang ito ang kabuuan ng mga nangyari sa mga tauhan ay fiction lamang.

Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
------------------------------------------------------

Dahil sa nangyayari sa bayan ay nagpasya si mang antonio na ilikas na din si lola conchita sa bundok kasama ang magkaibigang Almira at Theo na nagpasyang sumama na rin. Wala rin naman kasing balita pa kay Sanzumaru at mas mahalaga ang kaligtasan nila.
.
.
.
.
Sa liwanag ng buwan ay payapang naglalakbay ang dalawang bangka. Maingat ngunit mabilis ang pagsagwan ng bangkero. Nauuna ang bangkang malaki at medyo nahuhuli ang bangkang sinasakyan ng magkaibigan Almira at Theo.

Tahimik ang lahat.....alerto sa kanilang paligid dahil hindi pa sila lubusang nakakalayo sa dalampasigan. Hanggang sa tuluyan na silang nakalayo at saka lamang napanatag ang kanilang mga dibdib sa kaba.

May buwan at nagbibigay ito ng liwanag sa laot. Nakaupo lang sa tabla si Maria na yakap ang kanyang tampipi. Nasa tabi niya si Delfin na katulong ng bangkero sa pagsagwan. Magkatabi naman sa upuan si Almira at Julian. Nakaharap si Theo sa kanila at nasa likod nito ang bangkero.

" Papa Juls, Frend....makakabalik pa kaya tayo sa Bayan?" Pagbasag ni Theo ng katahimikan.

" Hindi ko masabi.....ang dami ng hindi magandang nangyayari at ang taong bayan ang nahihirapan sa ginagawa ng mga Hapones! Bagamat nagpaplano ang samahan na lumaban at ubusin ang mga hapones sa bayan ay sadyang mahihirapan kami. Wala pa kaming suporta na nakukuha sa labas o sa ibang samahan. Sa tingin ko nga pinabayaan na tayo ng mga Amerikano!" Sagot ni Julian.

" Hindi naman siguro....di ba nga ang lakas ng hukbo ng mga Hapones at ikinabigla ito ng lahat. Marahil nagpaplano o naghihintay din ng tamang pagkakataon ang ating hukbong tanggulan sa ibang parte ng bansa para muling mabawi ang kalayaan natin." Pahayag ni Almira....maging si Delfin ay sinangayunan si Almira. Mahirap nga ang kalagayan ng lahat sa ginawang pananakop ng mga Hapones. Hindi ito basta-basta at lahat ng sektor ng pamahalaan ay naapektuhan. Maraming natigil na negosyo, mga kalakalan at maging ang pag-aaral.

" Nakakainis naman!" Maktol ni Theo.

" Bakit?" Tanong ni Maria.

" Paano ako lang walang partner dito!" Sagot ni Theo.

" Anong ibig mong sabihin???" Muling tanong ni Maria.

" Nakikita mo ba yan! Si Frend may Papa Juls! At ikaw may Papa Delfs! Naiinis ako!" Natawa na lang si Julian at Delfin sa sinabi ni Theo. Medyo nahiya naman si Maria dahil maski papaano naiiintindihan na niya ang ibig tukuyin ni Theo. Ngunit alam niya sa sarili na kaibigan lang para sa kanya si Delfin. Bagamat nagpahiwatig na ito ng pag-ibig sa kanya ay sinabi naman niya ang totoo na kaibigan lang ang turing niya sa binata. May iba siyang napupusuan ngunit napaka-komplikado ng sitwasyon na hindi niya masabi.

Si Delfin naman ay umaasang balang araw ay matututuhan siyang mahalin ni Maria.

Katulad ni Delfin si Julian ay nagpahiwatig na rin ng pag-ibig kay Almira. Ngunit ito ay hindi pa masagot ng dalaga na siya ding naiintindihan ng binata. Pareho ang nasa isip ng dalawang binata na wala pa sa panahon ang pagmamahal na nararamdaman nila. Komplikado ang mga nangyayari at maraming dapat unahin na hindi para sa sarili kundi para sa lahat at para sa bayan.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon