Chapter - 33

5.2K 155 36
                                    

Halos madaling araw na ng makarating sila sa dalampasigan ng Barcelona....sa tagong bahagi ay doon sila umahon ng maingat dahil mula sa kalayuan ay nakita nilang may patrol boat ng mga hapones na nasa dalalampasigan.

Lumitaw namang bigla si Lando sa pinagkukublihan nito at agad na silang tinulungan. Mabilis na naglakad patungo sa masukal na bahagi ng lugar na iyon.

Almira's POV

Ilang beses na naming ginawa ang bagay na ito. Ang makipagtaguan sa mga hapones. Nalagpasan namin ang nauna pero hindi maalis ang kaba ko. Para kaming nakikipag-patintero kay kamatayan. Walang kasiguruhan sa maaring mangyari sa amin. Bagamat may ginawa ng kalupitan ang ilang hapones sa bayang ito ay di masasabing malala na kumpara sa mga kuwento ng mga taong nakaranas sa hinaharap. Marahil maaga pa ang lahat...nagsisimula pa lang... At kung hanggang saan kami dadalhin ng aking kaibigan ay hindi ko alam.

Maingat ngunit mabibilis ang mga hakbang namin. Alerto sa dilim na aming tinatahak pabalik sa bahay ni lola conchita. Itinago na ng bangkero ang kanyang bangka sa masukal na bahagi at tinakpan ng kung anong mga bagay para hindi ito makita kung may madaan doong nag-iikot na mga hapones. Mabuti na lang at medyo malakas na ang hampas ng alon sa dalampasigan para tuluyang mabura ang mga marka ng paa namin.

Hindi kami gumamit na ng ilaw dahil sumisilip sa pagitan ng mga punong dinadaanan namin ang liwanag ng hindi pa namang buong buwan.

Pareho naming bitbit ni Theo ang backbag namin na naglalaman ng mga mahalagang gamit. Bitbit ni theo ang isang malaking tampipi na pinaglagyan ng damit namin.

Nangunguna sa paglalakad si mang esteban at lando kasunod ang anak na si Francisco. Nasa unahan ko si Maria habang yakap niya ang kanyang tampipi na naglalaman din ng personal niyang gamit. Halos kasabay niya si Theo sa paglalakad. Nasa likod ko ang tatlong kasama pa namin. Humiwalay na ang bangkero at anak nito.

Biglang natapilok si Maria at agad itong inalalayan ng kaibigan ko. Kinuha niya ang tampipi ni maria at pinabitbit kay lando. Ang kanang kamay ni maria ay isinukbit ni Theo sa likuran niya para makakapit ang nahirapang maglakad na si Maria.

Napangiti ako...tunay na gentleman talaga ang bestfriend ko kahit iba siya sa mga kalalakihan. Nasa kanang braso niya ang tampipi na bitbit pa rin niya at ang kanang kamay ay nasa bewang ni Maria para tulungang makalakad ito. Kahit madilim ay nakikita ko ang pag-aalala sa mukha ni Theo.

Makalipas ang kinse minutos na paglalakad ay nasa likod na kami halos ng lupang kinatiturikan ng bahay ni lola conchita. Tanaw na namin ito. Mababang bakod na kawayan lang ang bakod nito kung saan may bahaging tinanggal na ng una kaming dumaan kasama si Julian.

Maingat kaming nakapasok sa likod ng pinto kung saan naroon na si Mang Antonio at Lola Conchita.

Nang makapasok ay agad kaming uminom ng tubig na nasa tapayan. Malamig ito na parang galing sa ref. Agad naghanda ng kapeng bigas si lola conchita mula sa thermos at isa-isa kaming binigyan. Sa sala ng bahay ay doon inalalayan ni Theo si Maria. Pinaupo ngunit nagpipilit na tumayo dahil marahil nahihiya sa kaibigan ko.

Nabigla pa ito ng tanggalin ni Theo ang bakya niyang suot at hawakan ang paa.

" Nalinsad lang ugat sa paa mo maria....mamaga itong lalo kung igagalaw mo. Hayaan mo na akong gamutin ko iyan dahil kering-keri ko yan." Sabi ng kaibigan ko at hinalungkat agad ang bag niya at may pouch doon na kinuha. Naglalaman pala ng katinko, white flower at maliit na boteng efficassent. Hindi niya inilabas ang iba. Tanging efficassent oil lang. Dalawang buhos sa paa ni maria ay agad na niya itong hinilot. Nang matapos ay binalutan niya ng isang manipis na towel na hiningi niya kay lola conchita. Nagpasalamat naman ang nahihiya at hindi makatinging si maria sa mukha ng kaibigan ko. May something sa vintage girl na ito na ikinangiti ko.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon