" Isang mayamang negosyante ang pamilyang iyan. Si Don Honrado Santiago at ang nag-iisa niyang anak na si Senyorita Clemencia. Abusado ang pamilyang iyan, pahirap sa mga tauhan nila sa mga negosyo at hacienda. Lahi sila ng mga una pang kastilang mayayaman na nanirahan sa lugar na ito noon."
" Halata naman po! The way she looks my gosssh! Akala naman niya ikinaganda niya ang pagtaas ng kilay niya! Second floor lang ang taas ng kilay niya eh sa akin tignan mo mang esteban....Fifth Floor yan!"
Natawa na lang si Mang Esteban sa anyo ni Theo na naka-cross arms pa na nakataas ang kilay.
" Mapagbiro ka talaga Theodorro."
" Theo or Thea po mang steve! Awra po ang tawag dito! Tuturuan po kita nito one of this day!" Nakangiting turan ni Theo.
" Steve?!"
" Para naman po sosyalin ang name nyo."
Natawa na nailing na lang si mang esteban.
" Buweno tayo na at mukhang mag-uumpisa na ang pulong."
Tinungo nina mang esteban ang gilid ng parke kung saan may mga punong Pili. Mayayabong ang mga dahon nito sapat para makapagbigay lilim sa mga tao. Nakaupo naman sa benches na mga sementado ang ilang mga kapitan ng baranggay at ang pamilya ng Alkalde ay nasa bahaging gilid kung saan nagsisimula ng magsalita ito. Walang entablado kaya karamihan ng taong naroon ay naupo sa pinong damuhan.
Sa kabilang panig naman ay ang ilang masasabing kilala marahil sa bayan na iyon dahil sa itsura ng mga ito sa pananamit ng karaniwang mga mamamayan. Naroon din ang negosyanteng si Don Honrado at anak nitong Clemencia na may mga tagapayong at tagapaypay pa. Ang mapapansin pa na naroon ay ang dalawang dayuhan na kung pagmamasdan ay Hapones ang mga ito.
" Mang Esteban mukhang hapon po yung isang iyon?"
" Sa tingin ko nga rin....maaring isang negosyante ang hapon na yan dito sa Barcelona." Hindi na lang umimik si Almira. Ngunit pakiramdam niya ay may kakaiba. Nakita niyang nag-uusap si Don Honrado at ang Hapon na nagtatawanan habang nagsasalita ang alkalde ng bayan.
" Ampotahh ni madam claudia frend tignan mo! Feel na feel talaga niya ang senyorita peg! May hawak namang pamaypay hindi pa niya gamitin at yung kasamang maid pa niya gumagawa! Sarap ahitin ng kanang kilay!" Nangangalaiting puna ni Theo.
" Hayaan mo na....mga noble families ang mga iyan sa panahong ito. Mga untouchable daw ayon sa nabasa ko ang mga taong nabibilang sa alta sa panahong ito dahil dala pa rin nila ang ugali ng mga ninuno nila noong panahon ng kastila."
" Masama talaga ang vibes ko sa madam claudia na iyan! Pero doon sa anak ni Alkalde.....hmmmmm iba ang vibes ko....nerdy pero hot looking sya lalo dito sa malapitan. Sa tingin ko frend iyan ang magiging boyfie ko sa panahong ito."
" Assumerang bakla! Ayan ka na naman! Bigo ka na nga kay Harold tapos malamang kay Julian, tapos heto may isa ka na naman agad na prospect!"
" Walang pakialaman frend! Huwag ka ng maingay at magsasalita na ang aking magiging ama."
Natawa na lang si Almira ng makitang magsisimula ng magsalita ang alkalde.
Katulad ng inasahan ng lahat ay tungkol sa nangyayari pananakop ng hapon ang paksa ng usapan. Pinakiusapan ng Alkalde na maging mahinahon ngunit maging handa sa mga bagay na maaring mangyari kapag nakarating sa lugar nila ang hukbong sundalo ng bansang Japan.
" Mga kababayan.....hindi ko alam ang kahihinatnan ng bayan natin laban sa nakaambang pananakop ng mga hapon. Pero may nakarating na sa aking balita na ang mga hukbong sundalo ng ating bansa na nakabase sa mga kampo sa Legazpi at Sorsogon ay nabigyan na ng hudyat para magtungo sa mga lugar na maaring sakupin agad ng mga hapon. Maaring dumating ngayon araw o sa mga sunod na araw ang mga hukbong tagapagtanggol kung sakali maghasik ng kasamaan ang mga Hapon sa mamamayan ng bayang ito."
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...