" Mag-iingat kayo doon.....pasensya ka na mahal kung hindi na kita masasamahan. Anumang mangyari ay nangangako akong mabubuhay ako.....kung hindi man ako palaring mabuhay sa giyerang ito ay gusto kong kayo man lang ng ating anak ay buhay."
" Mahal......natatakot ako....hindi ko alam ang aking gagawin pag hindi ka nakabalik ng buhay." Pagtangis ng babaeng asawa.
" May obligasyon akong dapat tuparin.....bilang isang sundalo ay kailangan kong ipagtanggol ang ating bayan laban sa mga mananakop. Sanay itoy iyong maintindihan mahal.....kung sakaling wala na talaga ako at hindi na makabalik sa inyo ay huwag ninyong kakalimutan na mahal na mahal ko kayo ng ating anak."
Sa nakikitang kalungkutan ng magasawa ay hindi na napigilang muli ni Almira na pumatak ang kanyang mga luha. Maging ang pamilyang kumupkop sa kanilang magkaibigan ay pilit na pinapakalma ang babae na nagdadalamhati.
Hanggang sa muling tumunog ang tren at medyo gumalaw ito. Maririnig din ang mga silbato hudyat na aalis na ang tren. Bumaba na ang lalaki sa hagdan sa gilid ng tren at wala na itong nagawa kundi kumaway na lumuluha habang unti-unti umaandar ang tren kasabay ng walang tigil na pagdadatingan ng mga eroplanong pandigma ng hapon sa himpapawid.
.
.
.
.
.
Naging mabagal ang paglalakbay ng tren....punong-puno ito maging sa bubong. Walang nagawa ang pamunuan nito dahil sa dagsa ng taong lumilikas sa takot na madamay sa giyera. Sa loob ay mainit,masikip at maingay. Halo-halong ingay ang maririnig.Tahimik naman ang pamilya ni mang esteban na nakamasid lamang. Ang babaeng may sanggol ay lumuluha pa ring pinapadede ang anak nito.
Awang-awa si Almira kaya kinausap niya ito.
" Ilang buwan na siya?"
" Lima pa lang."
" Ah....ikaw boy ilang taon ka na?"
" Tatlo po ate...Hector po ang ngalan ko." Sagot nito na nakahawak sa bisig ng ina.
" Huwag ka ng umiyak misis... Makakaapekto iyan sa baby mo....kailangang magpakatatag ka."
" Hindi ko lang kasi mapigilang malungkot at matakot para sa aking asawa at sa amin ng mga anak ko. Nangangamba ako sa dadalhin ng giyerang ito sa amin."
Hindi nakasagot si Almira...batid niya kung ano ang mangyayari at dadanasin ng mga Pilipino.
" Tagasaan kayo?"
" Sa Camarines Norte kami. Doon kasi ang pamilya ko at sa aking palagay ay ligtas kami doon kung sakaling mas gumulo ang sitwasyon."
" Malayo pa pala....ito lang ang payo ko.... Lumayo kayo sa siyudad o sa bayan kung maari. Sa mga malalayong kabundukan kayo mamalagi."
" Bakit? Ang aking pamilya ay nasa bayan. Pag nanirahan kami sa kabundukan ay lubhang mahihirapan kami doon."
" Kung maari ay sundin mo ang aking sasabihin misis. Hindi natin alam ang kung anong dadalhin sa atin ng mga hapon....baka ito ay kalupitan, pagmamalabis at kamatayan kaya dapat handa tayo." Hindi naman umimik na ang babae.
Dalawang oras na ang nilakbay ng tren at nasa bahaging Muntinlupa na sila. Sa bawat daanang estasyon ay madaming pasahero na naghihintay pa ng ibang parating na tren. Ang kinalululanan nina almira ay hindi na huminto sa estayon....tuloy lang sa pagbyahe hanggang sa lagpas tanghali na kung saan nakaramdam ng gutom ang mga bata.
Inilabas ni Aling Trinidad ang pagkaing nasa balutan at pinagsaluhan ito ng tatlong bata. Pinainom din ng tubig na nasa galong plastik. Si Theo naman ay binulatlat ang nasa mga backbag niya kung saan may mga sitsirya,chocolate at inumin pa siyang nadala mula sa pinanggalingang panahon. Inalok niya ang mga bata pati ang anak ng babaeng may sanggol. Tuwang-tuwa ang mga ito na makakita ng ganoong pagkain sa unang pagkakataon. Maging ang mga kasama nitong magulang ay tila nagtaka din sa uri ng pagkain na dala nila. Dahil sa gutom ay di na nila nakuhang magtanong.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...