Chapter - 65

4.5K 143 17
                                    

" Bakit iha?......kaanak ba kita?" Tanong sa akin ng matanda. Hindi ako nakasagot agad pero kinausap na nito ang apo ng Heneral.

" Anak....kausapin mo siya....hindi nga pala niya ako maintindihan." Nakangiting sabi nito na nakatingin sa akin.

" Papa...naiintindihan ka po niya. Siya yung ikinukuwento ko sayo na nagbigay ng diary ni lolo kay Kiro at tumulong sa kanya na matunton si lola socorro na nangalaga ng diary. Marunong siya ng wika natin pati ang kanyang kaibigan. Naiintindihan po nila tayo." Paliwanag ng apo ni Sanzumaru. Lumapit kami sa matanda at nagmano kaming dalawa ni Theo. Napangiti ito sa amin.

" Maraming salamat sa inyong dalawa iha....iho....ito ang matagal ko ng hinihintay na pagkakataon na hindi ko nagawa noon ang hanapin ang aking ama at ang katotohanan sa nangyari sa kanya."

" Walang anuman po....halika na po....naroon po si lola socorro ang nabubuhay pa ring nakasama ng inyong ama noong digmaan."
Muli itong inalalayan ng apo ng heneral papasok sa looban ng lupain kung saan naroon ang tent na itinayo.

Habang naglalakad kami ay nagsimula na sa kanilang mga kailangang gawin ang media na nakapaligid doon. Hindi sila nagkakagulo maging ang mga tao na nag uusyuso.

Sa naging paguusap ni lola at anak ni Heneral Sanzumaru na ipinapaliwanag ng anak nito ay nakita ko ang pagpunas ng luha ng kanyang ama. Hindi ko man marinig ay alam ko kung ano ang mga sinasabi ni lola.

Hanggang sa sinabi ng Alkalde na magsisimula na ang paghukay. Nakita kong naghanda na ang grupo ni Kiro sa gagawin nilang pagkuha ng mga eksena sa lugar.

Nangunguna si Lola habang hila ni Harold ang wheelchair nito. Naglalakad lang ang lahat at inikot na namin ang mga puntod. Nalagpasan namin ang ilang maayos pa at ilang magaganda na sa aming palagay ay naalagaan. Nilagpasan namin ang murals. Pinahinto ni lola doon ang wheelchair....pinagmasdan niya ito ang mga pangalang naroon. Nakita ko ang mga pangalan ng mga nakilala namin ni Theo at isang araw ay madadagdagan na ulit iyon ang pangalang Julian Estacio.

Isang pangalan lang ng isang nakalibing doon ang wala....ang pangalan ng Heneral. Ang mga taong kasama namin ay abala sa pag-uusap marahil pinaguusapan nila ang mga pangalang naroon. Kumapit si Theo sa kamay ko nasa gilid namin si Julian.

" Nasasaktan ako frend....walang pangalan pala diyan ang nakalagay na General Sanzumaru Onoda.....wala man lang umalala sa kanya sa nakalipas na 76 yrs." Hindi ako kumibo....maging ako nakaramdam ng lungkot. Alam ko malaki din naitulong si Heneral sa kilusan....ang sakit isiping, pagkatapos siyang ilibing sa lugar na ito ay tuluyan ng inilibing sa limot ang alaala niya.

Nagpatuloy ang paglalakad namin at itinuro na ni lola Socorro ang isang tibag-tibag ng puntod. May mga lumot na nga sa mga bato at mga damo. May ilang metro ay ang puntod ni Maria at Delfin na maaayos ang itsura.

Nagusap-usap pa ang ilang kinauukulan at maging si Julian ay nakihalo dito bago simulan ang paghuhukay. Sinabi nito ang maaring pagkakakilanlan ng kalansay kung ito nga ang Heneral base sa mga sinabi ng lolo Julian niya ng ilibing ito.

Ilang metro ang layo namin ng magsimula ang paghuhukay. Sa unang bagsak ng maso sa mga bahaging sinemento ay pagbalik muli ng alaala sa akin ni Heneral Sanzumaru. Gumigiling ang kamera ng grupo nina kiro at ilang media. Hindi ako umaakting kundi totoo ang nararamdaman ko ng bumagsak muli ang aking luha. Napaakbay na yakap sa akin si Theo. Ayaw naming mag create ng kung anong isipin sa makakakita sa amin pero hindi namin mapigilan dahil bahagi kami ng nakaraan ni Heneral Sanzumaru.

Nakaakbay din sa anak ni Sanzumaru ang kanyang anak. Marahan nitong tinatapik tapik ang balikat ng ama na panaka-nakay nagpupunas ng luha.

( Please play the song. Ito po kasi ang napili kong akmang soundtrack sa eksenang ito.)

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon