Habang bumibiyahe ay sumisilip silip sa dalawa sa loob ang batang si Tantan kaya napapangiting kinakawayan ito ni Almira. Hanggang sa napatingin si Almira sa isang malaking lumang simbahan na nasa kanang bahagi ng kalsada nakaharap sa dagat. May park sa harap nito at sa kalsadang kaharap ay may mga ruins. May kung anong pakiramdam siyang naramdaman na parang hinihigop siya nito. Nakalagpas na ay idinukwang pa rin niya ang ulo sa labas habang papalayo ay tinititigan pa rin niya ito.
" Simbahan lang yun bakla! Kung makatitig ka parang ngayon ka lang nakakita ng ganung klaseng simbahan! Sa social media, mga videos sa youtube sa mga palabas sa tv ang dami!"
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...