" Nakakatakot naman frend bigla na lang siyang umeksena...parang alam niyang pinaguusapan natin siya. Tignan mo naka pamaypay pang nakamasid dito! Lolang istrikto lang ang peg!"
" Shhhhh! Ang ingay mo! Mukhang mabait naman siya kaya lang iba yung tingin niya talaga kanina. Hindi ko mafigure-out kung ano."
" Pero frend tingin ko kay lola ay parang inoobserbahan tayo. Para bang kinikilala tayo. Ang weird nga lang na alam know nya nemsung natin."
" Ano ka ba! Baka narinig lang niya. Di ba nga sabi ni tita ay matalas pa memorya niya."
" Yun na nga frend....paano niya nasabing matagal na niya tayong huling nakita eh ngayon pa lang natin siya nakita! Frend ang weird saan at kelan niya tayo nakita."
" Hayyy naku! Huwag na nga nating isipin yun! Mabuti pa matulog na tayo dahil bukas maaga tayo dun sa breakwater nakita ko sa harap nung simbahan na may ruins. Manood tayo ng sunrise."
" Hayyyy mabuti pa nga frend."
.
.
.
.
.
.
Lola Socorro's POVTheodoro....Almira....kayo nga ba yan???. Matagal ng panahon pero sariwa sa alaala ko ng una ko kayong makita. Panahon ng karimlan, trahedya,pasakit,kawalan ng pag-asa ng bansang ito. Hindi ko man lubos maintindihan bakit kapangalan at kahawig nyo ang dati kong mga kakilala.......hahayaan ko na lang ba na ibaon ng tuluyan ang alaala ng nakaraan? Marahil nagkataon lang na kapangalan at kahawig ninyo ang kilala kong Theodoro at Almira ay para tuluyan ko ng ibaon sa limot ang alaalang iyon ng nakaraan dahil iba na ang kasalukuyan.
Kinaumagahan naunang nagising si Almira sa kaibigan. Tinungo niya ang bintana at dumungaw dito. Nakita niyang palabas ng bakuran sa kabilang bahay si Celine. Agad niyang natantya na papunta ito sa kanila dahil tumingin ito sa gate ng bahay na tinuluyan nilang magkaibigan. Agad na niyang niyugyog si Theo para gumising.
" Tinanghali na tayo ng gising bakla! Alas syete na, wala na tayong aabutang sunrise!" Natatawang pahayag ni Almira kay Theo.
Pupungas-pungas naman na nagising ito at saka nauna ng bumaba si Almira kasabay ng mahinang pagkatok ni celine sa maindoor. Kaagad naman itong binuksan ni Almira.
" Celine ang aga yata natin?"
" Pinapasabi po ni Mama na sa bahay na po kayo mag-almusal."
" Naku huwag na celine....pakisabi kay tita na may dala rin kaming maluluto."
" Naku! Ate sabi nya doon talaga kayo mag-almusal. Huwag na kayong magluto nakahanda na ang almusal natin."
Sandaling nag-isip si Almira.
" Sige na nga...susunod na lang kami kamo doon, kagigising lang kasi namin."
" Sige ate.....sunod kayo." At muling bumalik si celine sa kabilang bahay.
.
.
.
.
Pagkatapos makapag-ayos ng magkaibigan ay agad na nilang tinungo ang bahay nina aling deling. Sa almusal ay ginanahan ang dalawa dahil tsampurado at may tuyo at daing na kilala ang lugar dahil malapit ito sa dagat." Iha.....saan nyo pala balak pumunta ngayon araw? Madaming maaring puntahan dito, sabihin nyo lang at pasasamahan ko kayo kay Harold. Huwag kayong mag-alala may trysikel at van kami para magamit ninyo."
" Naku tita.....huwag na po kayong mag-abala. Kaya na po naming dalawa ni Theo na gumala. Nakarating nga po kami ng maayos dito. Kaya makakapamasyal kami na hindi maliligaw."
" Sigurado kayo?"
" Opo....pagkatapos po naming mag-almusal ay gagayak na kami para makapaglibot."
" Gusto nyo bang pumunta sa rizal beach sa Gubat Sorsogon? Maganda dun, white beach malapit lang....may sasakyan sa sentro papunta doon."
" Bet ko yan Tita! Nakahanda na nga two piece ko eh!" Sagot ni Theo. Kaya napangiti na lang si Aling deling.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Fiksi SejarahCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...