Chapter - 9

8.3K 224 78
                                    

Bago pa makahakbang ang bata ay nagulantang na lang sila sa tunog ng sirena na tila bumbero na umaalingawngaw sa paligid. Kung pakikinggan ito ay makakaramdam ka ng kaba sa lakas. Napatakbo ng mabilis ang bata. Makikita ding ang mga tao sa paligid ay nagkukumahog at nagtatakbuhan. Samantalang ang iba naman ay tila hindi gaanong nababahala.  Kasunod noon ang tunog sa himpapawid na sabay-sabay. Isang kakaibang tunog na lubos na kinatakutan ng mga tao sa panahong iyon. Mga tunog ng eroplanong makikitang napakarami sa himpapawid ng buong maynila.

" Dioskooolordddd! Frendddd! Tora-tora mga iyan! Fighter plane ng mga hapon!" Sabay yakap ni Theo kay almira na nakaramdam na rin ng sobrang kaba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Dioskooolordddd! Frendddd! Tora-tora mga iyan! Fighter plane ng mga hapon!" Sabay yakap ni Theo kay almira na nakaramdam na rin ng sobrang kaba.
.
.
.
.
Hindi nakagalaw sa kanilang kinatatayuan ang magkaibigan kung hindi pa sila tinawag ng ama ng batang nakausap nila.

" Iho! Iha! Hindi ba kayo aalis sa lugar na ito?! Magkakagiyera na mga eroplano ng hapon iyon at malamang maghulog na sila ng mga bomba dito sa Maynila!"

Agad na tumakbong palapit ang dalawa.

" Hindi po kami tagadito!"

" Tagasaan ba kayo?!"

" Malayo po mahabang Istorya! Puwede po bang sumama na lang po kami sa inyo kung saan kayo pupunta?!"

Natigilan naman ang hindi katandaang lalaki at saka nagdesisyon.

" Pasakay kami ng tren....sa bicol na muna kami mamamalagi hanggat hindi kami nakakasigurong ligtas na sa giyera ang Maynila!"

" Ha?! Sa Bicol.....Sige po sasama na muna kami sa inyo!"

" Buweno sumampa na kayo sa kalesa at tayoy maglalakbay na! Mahalaga ang oras at nararamdamang kong panganib ang hatid sa mga susunod na oras at araw!"

" Salamat po!" Sagot ng magkaibigan na agad ng sumakay sa kalesa.

Sa kalesa ay makikitang naroon ang tatlong bata, ang batang babae at ang isang mas batang lalake saka ang ina nito. Nasa kabilang kalesa naman ang ama at ang isang binatilyong anak nito.

" Pasensya na po sa inyo.....nakasabay pa kami ng kaibigan ko....wala din po kasi kaming mapuntahan dito. Dayo lang kasi kami mula sa malayong lugar. Kung babalik man po kami doon ay baka mapanganib na sa ngayon." Pagpapaliwanag ni Almira sa aleng kaharap niya.

" Walang anuman iha....sa ganitong pagkakataon dapat magtulungan. Mukhang mapanganib ang giyerang ito. Noong mga nakaraang mga taon ay sinakop na din nila ang mga ilang lugar sa korea....at lubhang karumaldumal ang mga ginawa nila doon ayon sa balita. Kaya mas makakabuting lisanin na muna natin ang Maynila.....pero wala ba kayong mga pamilya?"

Nagkatinginan naman ang magkaibigan....

" Wala na po.....pareho po kaming ulila na at nag-iisang anak lamang.... Matalik na magkaibigan po kami at nagbabakasakali sanang magkaroon ng bagong buhay dito sa Maynila." Paliwanag ni Almira.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon