Lumagpas na ang 10 mins ay wala pang dumating na trysikel. Medyo tumila ang ulan kaya napagpasyahan ng magkaibigan na maglakad na lang pauwi.
Nagmadali silang naglakad sa tahimik at basang kalsada kung saan may kulog at kidlat na mahihina silang naririnig kaya napapahinto ang dalawa.
Ngunit ng malapit na sila sa simbahan ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya napilitang tumakbo ang dalawa patungo sa simbahang nakasara na. Kasabay ng pagtapat nila sa pintuan nito na daang taon na ang edad ay siyang pagtama ng isang maliit na kidlat sa kinalulugaran nila. Animo nakuryente ang dalawa kaya tumalsik ng bahagya ang katawan ng mga ito sa nagliwanag na pinto na hindi na nila namalayan kung tumama ang kanilang katawan dahil nawalan na sila ng malaytao.
Sa oras na nawalan ng malay ang kanilang pisikal na katawan ay gising ang diwa ng dalawa. Tila hinigop sila ng isang maliwanag na ipo na may maliliit na hibla ng kidlat, pailalim ng pailalim imbes na pataas. Sumisigaw habang pailalim na ng pailalim ang paghigop sa kanila ng ipo-ipo at ang sumunod ay pagbagsak ng kanilang katawan sa isang lugar.....
.
.
.
.
.
2017
.
.
2011
.
.
2001
.
.
1991
.
.
1981
.
.
1971
.
.
1961
.
.
1951
.
.
.
.
.
.
.
1941 December 9 - 4:00AMSan Fernando de Dilao Church Paco Maynila
" Diyos na Mahabagin!" Sigaw ng tagalinis ng simbahan habang kasunod nito ang isang sakristan. Sa may bukana ng pintuan ng simbahan ay may dalawang taong nakahandusay. Basang-basa ang mga damit at nagkalat ang mga dalahin nito sa lapag. Agad pinagtulungang buhatin ng dalawa ang dalawang estrangherong walang malay. Isang babae at isang lalaki. Inihiga nila ang mga ito pansamantala sa mahabang upuan ng simbahan. Sinuri ang kalagayan ng dalawa kung buhay pa at kung bakit walang malay." Gabriel ipagbigay alam mo kay Padre Pablo ang bagay na ito! Magmadali ka!" Utos ng matandang tagalinis sa binatilyong sakristan.
" Opo mang Isko!" Agad na nagmadali ang sakristan na pinuntahan ang kura paroko ng simbahan. Ilang saglit lang ay humahangos na ang dalawa na lumapit sa walang malay na babae at lalaki. Agad sinuri din ito ng pari at may kinuha sa kanyang bulsa at ipinahid sa ilong ng dalawa.
.
.
.
Gumalaw ang katawan ng babae at sinapo ang ulo nito na nakapikit pa rin......" Iha.....nasa loob ka ng tahanan ng diyos. Anong nangyari at nakahandusay kayo ng lalaking ito sa may pintuan?.....sino kayo, saan kayo galing at bakit tila kakaiba ang inyong suot?. Binalutan ko ng kumot ang iyong katawan iha dahil napakaiksi at hindi kaaya-ayang pagmasdan ang iyong kasuotan."
Mula sa pagkakahiga ay napaupo na ang babae na tinulungan ng pari para umupo habang sapo pa nito ang ulo. Nakayuko at nakapikit......nang mahimasmasan ay dahan-dahan nitong iminulat ang kanyang mga mata. Nanlaki ang mga mata nito ng makita ang altar ng simbahan. Sa kanyang kanan ay ang nakaupong pari at ang dalawang nakatayong tagalinis ng simbahan at sakristan na may pagtatakang nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...