Chapter - 5

11K 294 23
                                    

"  Parang kilala ko kayo?!" Ang lumabas sa bibig ng matanda na nagtatakang nakatitig sa dalawang magkaibigan.

Nagtataka namang nagkatinginan ang magkaibigan dahil tinawag silang manoy at manay na katumbas ng kuya at ate ng matanda. Maging si aling deling at celine ay nagtaka.

" Matagal ng panahon ng huli ko kayong nakita." Muling bigkas na salita ng matanda.
" Ngunit....bakit nanatiling bata ang itsura ninyo?"

" Ha?! Ano po yun? Nanatiling bata itsura namin?" Sabay na tanong ng dalawang magkaibigan.

" Hindi ako maaring magkamali.... nakilala ko kayo noong aking kabataan sa Maynila! Sampung taon lang ako noon ng makita ko kayo sa isang paupahang bahay sa tapat ng dati naming bahay noon sa Paco Maynila. Ikaw di ba si Teodorro at Almira?!"

Nabigla lalo ang magkaibigan dahil sa alam ng matanda ang pangalan ng dalawa.

" Almira nga po pangalan ko at siya naman si Theo o  Teodorro. Paano. Baka po ibang tao ang sinasabi nyo lola....23 lang po kami pareho. Kung kami man po yun sa panahong ito syempre matanda na kami dapat ngayon." Nakangiting sagot ni Almira kaya pati si Theo ay napangiti na rin.

" Pasensya na Almira, Theo baka napagkamalan kayo ni mama....ganyan kasi sya minsan nagkukuwento ng mga karanasan nya noong bata pa siya lalo noong panahon ng gyera...totoong sabi nya halos sampung taon lang siya ng magkagiyera noong 1941 at sa maynila pa sila nakatira noon ng kanyang mga magulang at kapatid. Hindi ka kasi niya kilala ng personal pero alam niya pangalan mo dahil ikinuwento kita sa kanya noong namatay si sister.

" Ok lang po....baka po may kamukha lang kami noon na nakilala si lola at kapangalan din namin."

" Mama...siya si Almira....siya po yung inampon noon ni sister, kaibigan po niya si Theo."

Hindi na lang kumibo ang matanda...pinagmasdan na lang ang magkaibigan...ang ginawa na lang ng apo nitong si celine ay dinala siya sa kusina kung saan naghahanda na rin ng hapunan si Liza.

" Ilan po bang naging anak ni lola corring?" Tanong ni Almira.

" Lima kaming lahat...ako ang ang bunso. Sa edad na disisiete kasi  si mama noon nag asawa. Dalawang taon pagkatapos ng giyera. Dito na din sa sorsogon siya nakapag-asawa."

" Ang ibig nyo pong sabihin....hindi tagarito sa lugar na ito noon si Lola Corring?"

" Ang lolo ko na tatay niya ang tagarito...yung lola ko ay taga maynila. Doon sila inabutan ng giyera sa edad na sampu ayun sa kuwento niya sa akin noon."

" Paano sila nakabalik dito sa bikol noon?"

" Ma, Ate,kuya kain na tayo muna." Pagyaya ni Celine mula sa kusina. Siya namang pagdating na ni Harold na may mga bitbit na box ng bottled water.

" Anak dalhin mo na muna yan doon sa kabila para lumamig sa ref."

" Sige po ma."

" Aling Deling...babayaran na lang po namin ang ibinili nyo nun." Si Almira.

" Naku iha! Huwag na ok lang yun. Doon na tayo sa kusina at maghapunan na tayo. Alam kong pagod kayo sa maghapong biyahe at kailangang makapagpahinga agad kayo pagkakain. Bukas ituloy natin kuwentuhan. Mga ilang araw ba kayong mananatili dito?"

" Susulitin po namin Tita Del ang bakasyon grande 7 days...minsan lang kasi kami makapagbakasyon eh." Si Theo.

" Ano ba yan iho...Tita Del na...ok lang yung Aling Deling."

" Ok lang po yun...ang bata nyo pa naman eh."

" 49 na ako iho."

" Ay ang bongga! Malapit na ang Golden years mo tita!"

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon